Exalt: “Goodness of God”
Empower: Esther 10:1-3; Ps. 121:4; Luke 4:25-27;Acts 10:34-35
God’s Legacy for His People
Sa kabuuan ng aklat ng Esther, nakita natin ang pagliligtas ng Diyos sa Kanyang bayan kahit sila ay nasa ibang lupain. Remember, sila ay sinakop ng ibang kaharian (Babylon, then Medo-Persia) at ang iba’y ‘pinatapon sa ibang lupain (exiled) dahil sa kanilang pagsuway sa Diyos. Sila (the Jewish people) ay Kanyang pinili upang maging liwanag sa ibang mga bansa at sa pamamagitan nila ay makilala ang Tunay na Diyos; subalit, nabigo sila na maisakatuparan ang layuning ito. Gayunpaman, hindi kinalimutan ng Diyos ang Kanyang tipan o pangako sa Kanyang bayan – na ang kanilang lahi ay Kanyang iingatan o pangangalagaan (preserve His people) dahil sa kanilang lahi manggagaling ang Tagapaglitas.
Bilang kanang kamay ng hari, ang pamumuno ni Modecai (who refused to bow to Haman out of reverence and obedience to a higher authority – God) ay naging katanggap-tanggap sa mga Judio. Siya (Mordecai) ay mahal na mahal at iginalang ng mga kapwa niya Judio sapagkat ginawa niya ang lahat para sa kapakanan at kabutihan nila (Esther 10:3b). Malinaw na ang estilo o paraan ng pamamahala ni Mordecai ay ibang-iba sa ipinakita ni Haman (na ginamit ang kanyang kapangyarihan para sa pansariling kapakinabangan); ginamit ni Mordecai ang kanyang posisyon upang paglingkuran at iangat ang iba. He was not self-serving; hindi ang kanyang sarili ang kanyang inisip, kundi, ang kapakanan ng mga kapwa niya Judio kaya gayon na lamang ang kanilang pagmamahal at paggalang sa kanya.
Ang pagkataas sa katungkulan at karangalang tinanggap ni Mordecai mula sa hari ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga Hari ng Media at Persia. Maaaring sabihin natin na nag-iwan si Mordecai ng legacy (pamana) sa kanyang mga kababayan, subalit, hindi maikakaila na nagawa niya ang lahat ng iyon at narating niya ang ganoong posisyon dahil sa patnubay at tulong ng Diyos.
God’s legacy for His people (all believing Jews and Gentiles) includes salvation through Jesus Christ. Si Hesus ang kaganapan ng tipan ng Diyos upang iligtas Niya ang lahat ng mananalig sa Kanya; pero hindi nagtatapos doon, tayo ay iniligtas Niya upang magkaroon tayo ng walang-hanggang ugnayan (communion and fellowship) sa ating Diyos. We have our inheritance in Christ. Ang buhay ni Cristo na nasa atin ang pamana (legacy) ng Diyos sa atin na pang-walang hanggan (eternal). Ito ang dahilan kaya’t walang lugar (dapat) ang anumang takot, kabalisahan o pag-aalala kung ang ating puso at kaisipan ay laging nakatuon sa kung ano na ang Kanyang ibinigay sa atin (i.e. nakatuon sa Kanyang walang hanggang katapatan at kabutihan sa buhay natin).
Kung ang mga Judio ay nakalamang (had the advantage) sa panahong iyon dahil sila ang piniling bayan ng Diyos na pinagkatiwalaan ng mga pahayag (oracles) ng Diyos (Ephesians 3:1-2)], higit na nakalalamang sa ating kapanahunan ang lahat ng mga nananalig sa Kanya na may malalim na pagkakilala sa Diyos (emphasis mine). Kaya’t sikapin natin na makilala ang Diyos ng lubusan, sa pamamagitan ng pagbubulay sa Kanyang Salita at pakikipagniig sa Kanya (in prayer and worship), upang lubos din nating maranasan ang Kanyang mga pangako. Patuloy din natin kilalanin na maliban sa Kanya wala tayong magagawa. Kailangan natin ang Kanyang patnubay (through the Word or His Spirit) upang makamit ang tunay na tagumpay sa buhay.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Sa paanong paraan mo magagamit (katulad ni Mordecai) ang iyong impluwensya o posisyon upang mapangalagaan o bigyang halaga ang kapakanan ng iba?