Exalt: “Only Jesus”
Empower: Genesis 1:26; Psalm 8:4-6; Romans 5:1, 8:19; Luke 10:19; Matthew 28:18-20; Hebrews 2:6-8
Dominion Restored Through Christ
In Genesis 1:26, ibinigay sa tao ang pamamahala sa lupa, meaning, may awtoridad siya bilang kinatawan ng Diyos upang pamunuan ang ibang mga nilalang at may kakayahan (capacity/ability) siyang gawin ito. Man was created in the image and likeness of God. He was created to be God’s representation – to reflect His character and nature (love, wisdom, goodness) and govern creation (in fellowship with Him). Kaya nga, siya ang pinakamataas o nakahihigit (highest/superior) sa ibang mga nilikha, hindi dahil siya ang binigyan ng awtoridad, kundi dahil siya’y nilikhang kalarawan ng Diyos.
5 Ginawa nʼyo kaming mababa ng kaunti sa mga anghel Ngunit pinarangalan nʼyo kami na parang mga hari. 6Ipinamahala nʼyo sa amin ang inyong mga nilalang,at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay: (Salmo 8:5-6 ASND) [Note: The Hebrew word translated “angels” is “Elohim” which most often means “God”, not “angels”; the verse should be understood as: “You made man a little lower than "God"]. Man was crowned with glory and honor (with God-like dignity) and created to have dominion over other creation. Ito ang orihinal na disenyo ng tao; ito ang kanyang totoong pagkakilanlan (true identity).
However, dahil ang tao’y nagpalinlang sa kaaway, nagsimula siyang mamuhay na hindi naaayon (o mas mababa) sa tunay na awtoridad na mayroon siya. He lost his true identity. Imbes na maghari o mamuno siya, siya’y naging alipin – ng kasalanan, kamatayan, takot, at panlilinlang ng kaaway. Imbes na maging kinatawan ng Diyos at ipakita ang Kanyang karakter at kalikasan, pinili ng tao ang mamuhay nang taliwas sa layunin bakit siya nilikha.
Note that the real issue is not lost of legal dominion – but lost of awareness of his identity (who he was) and expression of it, that led to a lost of functional rulership or dominion. Nawala ang kanyang malinaw na pagkaunawa kung sino siya at kung ano ang kanyang layunin; kaya hindi rin niya nagawang mamahala ayon sa disenyo ng Diyos.
Ngunit, sa pamamagitan ni Cristo, ang tao ay naibalik sa orihinal na layunin bakit siya nilikha ng Diyos – ang mamuhay na may pagkakilala o kaugnayan sa Diyos. Ang pamamahala o pamumuhay na may awtoridad ay sumusunod na lamang dahil sa kaugnayan niya sa Diyos at pang-unawa niya kung sino siya o kung ano ang kanyang bagong pagkakakilanan (new identity in Christ). His identity is no longer in Adam, but in Christ.
After His resurrection, Jesus said “All authority in heaven and on earth has been given to me...”. Ibinigay sa Kanya (Christ, the last Adam) ang lahat ng awtoridad pagkatapos Niyang maisakatuparan ang layunin o matupad ang kalooban ng Diyos (which the first Adam failed to do). Kaya ngayon, as God intended from the beginning, maaari na tayong maghari taglay ang kapangyarihan o awtoridad na mayroon tayo dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. Maaari na tayong mabuhay ayon sa - kung sino tayo (bearing the image and glory of God), sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan, kabaitan, at kagandahang-loob sa iba. Maaari na tayong mabuhay sa mundo nang walang takot, pangamba, at alalahanin, anuman ang maging situwasyon, dahil kilala natin kung Sino ang sumasaatin at kung sino tayo sa Kanyang harapan. Tandaan, ang Diyos ay laging mabuti at tapat sa Kanyang mga anak... ito’y magpakailanman.
Elevate: Application Question:
1. Saang aspeto ng aking buhay ako nabubuhay na tila mas mababa sa aking tunay na awtoridad o di kaya’y tunay na pagkakakilanlan bilang anak ng Diyos?