Exalt: “Made to Worship”
Empower: Esther 9:1-32; Ezekiel 36:26; John 10:10; 15:5; Phil. 1:6
A Time of Victory, A Time of Celebration
Dumating ang ika-13 araw ng ikalabingdalawang buwan (Adar), ang araw ng paglilipol sa mga Judio. Ngunit hindi alam ng mga kaaway nila na babaligtad ang mga pangyayari - na sila ang malilipol. Sa pangunguna ni Mordecai, ipinagtanggol ng mga Judio ang kanilang mga sarili at pinatay ang lahat ng kanilang mga kaaway. Sa awaw na iyon, nakamit nila ang tagumpay. Sa buong kaharian, lalo na sa lungsod ng Susa, pinatay nila ang mga gustong lumipol sa kanila, kabilang ang sampung anak ni Haman- ang pangunahing kaaway ng mga Judio. Gayunpaman, hindi nila kinuha ang mga ari-arian ng kanilang mga napatay. Pinahintulutan din sila ni Haring Ahasuerus na ipagpatuloy ang kanilang pagtatanggol sa loob ng dalawanag araw sa Susa, ayon sa kahilingan ni Reyna Esther. Dahil sa tagumpay na ito, ipinagdiwang nila ang Kapistahan ng Purim, bilang pag-alaala sa pagliligtas ng Diyos sa kanila mula sa tiyak na kapahamakan.
May katanungan marahil sa ating kaisipan, bakit hindi kinuha ng mga Judio ang mga ari-arian ng kanilang mga kaaway; mayroon naman silang pahintulot mula sa hari? Ito ay upang ipakita na ang layunin ay hindi para sa pansariling pakinabang o kayamanan, kundi upang ipagtanggol ang kanilang sarili at lipulin ang mga nagbabalak ng masama laban sa kanila. Hindi sila nagsamantala para sa sariling kapakinabangan, isang malinaw na pagkakaiba nila kay Haman at pagpapakita ng kanilang tiwala sa Diyos bilang tunay na nagbibigay ng katarungan.
“…Ang kalungkutan nila'y naging kagalakan at naging pagdiriwang ang kanilang pagdadalamhati.”(Esther 9:22b MBB) Oh what a happy and glorious day in the lives of the Jewish people! Ang pagligtas ng Diyos sa mga Judio ay maiuugnay sa pagligtas ng Diyos sa atin mula sa tiyak na kamatayan sa pamamagitan ni Cristo. The enemy attempted to kill and destroy us (steal everything that we have); but Christ came to give us life and have it more abundantly (John 10:10). Ang tagumpay ni Cristo laban sa masama, kasalanan at kamatayan ay atin ding tagumpay dahil sa ating kaugnayan sa Kanya. Sa ating pakikipag-isa sa Kanya, nagkaroon tayo ng bagong puso at bagong espiritu, kaya maaari na tayong mabuhay ng matuwid at matagumpay sa mundong ito. The ultimate and greatest victory that we have is our relationship with God. Ito ang lagi nating isaisip, may kaugnayan tayo sa Diyos; tayo ay sa Kanya at para sa Kanya. Susubukan ng kaaway na sirain ang ating buhay at nakawin ang lahat ng nasa atin sa pamamagitan ng mga kasinungalingan at panlilinlang niya sa tunay nating pagkakilanlan (identity) at katatayuan (standing before God). But be wiser and smarter than him; never forget
who you are in Christ… never forget that you already blessed, favored, and accepted because of the righteousness of Christ in you… never forget that you are already victorious in Him.
Inaalala at ‘pinagdiriwang ng mga Judio taun-taon ang dalawang araw kung kalian nila nakamit ang tagumpay laban sa kanilang mga kaaway. Marapat lamang na mas lalo nating ipagdiwang ang ginawang pagliligtas sa atin ng Diyos, hindi lamang taun-taon kundi sa bawat araw ng ating mga buhay; sapagkat, araw-araw nararanasan natin ang tagumpay ni Cristo sa kabila ng mga kinakaharap na mga hamon ng buhay. In the midst of a destabilized world, we are established because of Christ. Nananatili tayong matatag dahil kilala natin na ang Diyos ay tunay na mapagmahal, mabuti, at tapat; hindi Siya nagpapabaya sa Kanyang mga anak. 22 Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay.23 Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. (Panaghoy 3:22-23 MBB)
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Naniniwala ka bang tunay na ikaw ay tagumpay na dahil kay Cristo? Paano nakikita ng mga taong nakapaligid sa iyo ang tagumpay na ito?