Exalt: “O Praise the Name”
Empower: Colossians 1:27; Eph.1:14; Romans 5:2, 8:10,18 Galatians 2:20
Christ in You, the Hope of Glory
Colossians 1:27 - To them God has chosen to make known among the Gentiles the glorious riches of this mystery, in which is Christ in you, the hope of the glory
Ang hiwaga na tinutukoy ni Pablo na nakatago noon (hidden in previous times) ay nahayag (revealed) na sa pamamagitan ng ebanghelyo. Ano ang hiwaga o lihim (mystery)? – “...si Cristo na nasa inyo, na siyang pag-asa ng kaluwalthatian” [Christ in you, the hope of glory]. Ang pang- unawa sa katotohanang ito – na si Cristo ay sumasaatin [Christ in us) – ay isa sa pinakamahalagang susi sa pang- unawa sa ebanghelyo dahil ito ang sentro ng ginawa ni Cristo sa kaligtasan. Ang ebanghelyo ay hindi lamang tungkol sa kapatawaran ng kasalanan at pagpunta sa langit, kundi, tungkol sa pakikipag-isa ng tao kay Cristo.
In the Old Covenant, God dwelt in tabernacles or temples; but in the New Covenant, He now dwells in believers themselves (Jew and Gentile believers). The truth that was a mystery before is now a revelation. Sa ating panahon, si Cristo ay hindi lamang natin kasama, ang Espiritu Niya (His supernatural life) ay sumasaating espiritu. Si Cristo na ang nabubuhay sa atin (Gal. 2:20). Sa pakikipag-isa natin kay Cristo, ang nangyari sa Kanya – ang Kanyang kamatayan, libing at pagkabuhay na muli – ay itinuturing na nangyari rin sa atin. Kaya nga, kung sino Siya ay ganoon din tayo. Ang tagumpay Niya ay tagumpay natin. Ang kalikasasan Niya (bilang banal at matuwid) ay nasa atin din upang makalakad tayo sa katuwiran. At dahil ang Espiritu ni Cristo ay nananahan sa atin (eternally and permanently, not temporarily), Siya’y kasa-kasama natin habang tayo’y lumalakad at nabubuhay sa mundo; hindi Siya lumalayo sa atin; hindi Niya tayo kailanman iiwan at pababayaan. To them God has chosen to make known among the Gentiles the glorious riches of this mystery, which is Christ in you, the hope of glory.
Dahil Siya’y nasa loob natin (in our spirit), may kakayahan o kapangyarihan tayong gawin ang layunin ng pagkatawag Niya sa atin. His Spirit empowers us to do or accomplish the work/ministry He entrusted to us. Everything is already in our spirit. Hindi na natin kailangang hanapin ang kagalakan at kapayapaan ayon sa pamamaraan ng mundo; ito’y nasa ating espiritu na. Mahirap itong unawain at makita kung ang isip mo ay nakatuon sa mga pangangailangan sa buhay; ngunit sa isang lumalakad sa pananampalataya at nakatuon ang isip sa mga bagay na espiritual, hindi maipaliwanag ng lohikal na kaisipan ang kagalakan at kapayapaang nararamdaman niya dahil kay Cristo.
Christ in you, the hope of glory.
Hope (Gk “Elpis”) – signifies a confident expectation.
Glory (Gk “Doxa”) – refers to God’s splendor, majesty or divine presence; also refers to the goodness and faithfulness of God.
Sa kabila ng anumang kaguluhan o sigalot sa mundo sa kasalukuyan, hindi tayo natatakot dahil alam na natin ang ending nito - tagumpay. Kay Cristo, tiyak ang pag-asa... tiyak ang tagumpay. May katiyakan tayo sa kasalukuyan at sa hinaharap dahil si Cristo na ang nabubuhay sa atin. Ang presensya at kaluwalhatian (glory=goodness) ng Diyos ay mananatili sa ating buhay. Let this truth sink deep in your heart – CHRIST LIVES IN YOU. His presence is not merely around you – He dwells WITHIN you! Remember, Christian life is not lived by our own strength, but by the life of Christ within us.
Elevate: Application Questions:
1. Paano binabago ng katotohanang “Si Cristo ay nasa iyo” (Christ in you) ang iyong pagtingin sa sarili bilang mananampalataya.
2. Sa paanong paraaan nahahayag o nakikita ang kaluwalhatian (glory) ni Cristo sa iyong buhay?