Exalt: “Holy Forever”
Empower: Gen. 1:1; Matt. 6:9,10; Psalm 11:4,7,145:1,17 Exo. 20:2; 1 Cor. 3:16; 2 Cor. 5:2; Joshua 1:5,7
A Holy and Righteous God
Kalikasan ng Diyos ang pagiging banal. His holiness meansthat He is absolutely unique in beauty and excellence; He isinfinitely pure and valuable; He is above all things. WalaSiyang katulad; Siya ang nag-iisang Diyos. Being holy, He is separated and distinct from that which is ordinary or common. Ang walang hanggang kagandahan, kadakilaan at karangalan ng Diyos ang nagsasabing Siya ay banal (walang kaparis). At dahil banal Siya, ang Kanyang mga ginagawa ay pawang katuwiran. PANGINOON, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa. (Salmo 145:17 ASND)
Ang pagiging banal at matuwid ng Diyos ang dahilan kung bakit ang mga Israelita sa Lumang Tipan (and other nations) ay hindi makalapit sa Kanya ng tuwiran (Take note: man was separated from God because of sin); si Moises na tinawag ng Diyos (through his faith) ang naging tagapamagitan at tagapagdala ng mensahe ng Diyos sa kanila. Ang Banal na Diyos din ang gumawa ng paraan upang makapanahan Siya sa kanilang piling sa pamamagitan ng tabernakulo o templo, kung saan sila naghahandog para mahugasan ang kanilang mga kasalanan (temporarily, through the blood of animals); gayunpaman, tanging mga sacerdote o pari (Levite priests who served the tabernacle) ang maaaring pumasok sa Banal na Lugar (Holy Place); at tanging ang Pinakapunong Sacerdote (High Priest) lamang ang maaaring pumasok sa Kabanal-banalang Lugar (Holy of Holies) isang beses kada taon (during Atonement Day). Sa pagitan ng Holy Place at Holy of Holies ay isang tabing (veil, thick curtain) na napunit sa dalawa nang ang Panginoong Hesus ay namatay sa krus. Ang ibig sabihin, wala nang namamagitan (harang) upang ang tao (those who were justified through faith) ay makalapit sa Diyos.
Tayo’y pinaging-banal at matuwid sa harapan ng Diyos, kaya’t maaari na tayong makipag-ugnayan sa Kanya ng tuwiran (directly). Halleluiah! Kung noon ay nananahan Siya sa tabernakulo o templo, ngayon, tayo na ang Kanyang templo. Ang presensya ng Diyos ay nasa ating mga puso (espiritu) sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Hindi nʼyo ba alam na kayoʼy templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay naninirahan sa inyo?“ 1 Corinto 3:16 ASND Ito ang kaganapan ng layunin ng Diyos sa simula pa - ang makapanahan Siya, ang Banal at Matuwid na Diyos, sa ating puso nang pang-walang hanggan (to have an eternal fellowship and communion with us.)
Isaiah 6:3 - And one cried to another and said:
“Holy, holy, holy is the LORD of hosts;
The whole earth is full of His glory!” (NKJV)
Revelation 4:8 - The four living creatures, each having six wings, were full of eyes around and within. And they do not rest day or night, saying:
“Holy,holy, holy, Lord God Almighty,
Who was and is and is to come!” (NKJV)
Ang pag-ulit ng tatlong beses sa salitang “Banal” ay nangangahulugan lamang ng pinakamataas (superlative; paramount) na lebel ng pagkilala at pagsamba ng mga anghel sa ating Manlilikha at Makapangyarihang Diyos. Kung ang mga anghel ay walang humpay sa pagpupuri sa Diyos, marapat lamang na tayo na Kanyang mga nilikha at nakaranas ng biyaya at pag-ibig ng Diyos ay magpuri at sumamba din sa Kanya ng walang hanggan. Purihin ang Diyos magkapakailanman!
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Paano nahuhubog ng konsepto ng kabanalan at katuwiran ng Diyos ang iyong pang-unawa at pamantayan sa moralidad (kung ano ang tama at mali) at layunin ng Diyos sa iyong buhay?