Evil Intention's will surely be Exposed

PANGINOON SALAMAT PO

Panginoon salamat po
Sa katapatan Mo sa aking buhay
Kahit ako'y nagkukulang
Patuloy ang Iyong pagmamahal
Kaybuti Mo
Panginoon ang buhay ko
Ngayon ay iaalay ko Sa'yo
Hindi sapat na pambayad
Sa kaligtasan na Sa'yo ay natamo
Kaybuti Mo
Karapat-dapat kang papurihan
At sambahing lubos
Aking paglingkuran
Ikaw ang Diyos ng aking buhay
Na di magbabago kahit kailanman. 

Exalt: “Panginoon Salamat Po”
Empower: Esther 7:1-10; Romans 8:28

Evil Intentions Will Surely Be Exposed
Sa ikalawang piging na inihanda ni Reyna Esther, matapang niyang inihayag ang kanyang pakay kay Haring Ahasuerus. Kung iisipin, sa unang pagpunta pa lang ni Reyna Esther sa palasyo nang hindi pinapatawag at sa unang piging na inihanda niya para sa hari at kay Haman ay maaaring mayroon ng nabuong pag-usisa sa kaisipan (curiosity) ni Haring Ahasueros na lubhang seryoso o mahalaga ang pakay ng reyna. Sa pangatlong pagkakataon, muli siyang nangako na maging kalahati ng kanyang kaharian ay kanyang ibibigay – an evidence that he is truly delighted or pleased with the queen.

Here it is! Hiniling ni Reyna Esther sa hari na siya at ang kanyang mga kalahi (Jews) ay iligtas niya mula sa gustong pumatay at lumipol sa kanila. [Ito’y pagpapakita ng pagkilala ni Reyna Esther sa kapangyarihan ng hari na sila’y maililigtas.] At nang tanungin ng hari kung sino ang may pakana ng bagay na iyon, sinabi ng reyna “Ang aming kaaway at taga-usig – ang masamang si Haman.” (Esther 7:6) Pagkasabi nito, nangatog sa takot si Haman sa harap ng hari at ng reyna. To make the story short, Haman’s evil intentions were exposed, and he was executed on the very gallows he had prepared for Mordecai – a fitting act of justice!

Sinong mag-aakala na ang pangalawa sa pinakamataas na opisyal sa kaharian ng Persia, si Haman, ay maninikluhod at magmamakaawa sa isang Judio, kay Reyna Esther (an exiled Jew)? Sinong mag-aakala na ang mismong ginawa niyang bitayan para kay Mordecai ang ginamit para sa kanya? Sa simula, makikita na parang walang bakas na kamalian (flaws) ang mga balak ni Haman; nakuha niya ang approval ng hari, [bagamat hindi aware ang hari kung sino ang grupong tinutukoy ni Haman na ayon sa kanya ay banta (threat) sa kanyang kaharian] at nagpagawa pa siya ng bitayan para kay Mordecai. Kung titignan ang mga eksena ay parang nakapabor lahat sa kanya. Subalit, sa likod ng mga ito, may isang Kamay na kumikilos upang ang mga pangyayari ay umayon para sa Kanyang minamahal na bayan sa pamamagitan ni Reyna Esther. Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya,[a] silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin (Roma 8:28 MBBTAG).

Ang nangyari kay Haman ay isang paalala sa lahat na walang lihim na hindi mabubunyag; batid ng Diyos ang nilalaman ng puso ng tao; walang maililihim sa Kanya. No evil intention is hidden from God’s sight. Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag (Lucas 8:17 MBBTAG) Anumang masamang balak o intensyon ng tao ay naihahayag sa pamamagitan ng liwanag ng Diyos. Jesus is the light of the world. Siya din ang Salita na naghahayag (exposes) sa tunay na nilalaman ng puso ng tao, mabuti man o masama. Ang Diyos ay makatarungan, hindi Niya hahayaan na ang kasamaan sa mundo ay mananaig habang panahon. Bilang mga mananampalataya, tayo’y magtiwala ng lubusan sa Kanya, mabuhay tayo ng may integridad at lumakad sa liwanag ng Diyos. Sa bawat situasyon ng ating buhay, inihahayag ng Diyos kung sino Siya. Hindi Niya tayo tinawag upang pagkatapos ay iwan at pabayaan lamang. God has called us for a purpose, and with that purpose comes His provision! Purihin ang Diyos magpakailanman!

Elevate: Application/Suggested Question:
1. Nakita mo na ba ang gawa o pagkilos ng Diyos (e.g. turning a situation around) sa di-inaasahang kaparaanan (in an unexpected way)?

Mobirise
Free Web Hosting