Exalt: “Above All”
Empower: Luke 12:13-21; Matthew 6:19, 24; 1 Cor. 13:13; Proverbs 22:9
Rising Above Greed/Covetousness
“Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari.” (Lukas 12:15 ASND)
Malinaw na ang konteksto ng talata sa itaas ay patungkol sa pagiging gahaman o sakim (greedy) sa kayamanan. Ang mayamang may bukirin na umani ng sagana, nagpagawa ng mas malaking kamalig, at nagsabing magpapahinga na lang, iinom at magpapakaligaya ay tinawag ni Hesus na “hangal.” Mayaman man siya sa paningin ng tao, ngunit sa harapan ng Diyos siya ay dukha at hangal. Nakakalungkot na maraming mga tao ngayon na ang dini-diyos ay salapi o kayamanan. Maraming bagay ang puedeng ihambing sa Diyos, pero salapi (mammon) ang nakikitang kakompetensya ng Diyos sa puso ng tao. Ang pag-asa nila ay nasa pera o salapi… ang nakikitang sagot sa pangangailangan ay pera… ang kanilang kasiyahan ay nasa pera… ang kinabukasan nila ay isinasalalay sa pera… ang nagpapaikot sa mundo nila ay pera. Pera…salapi… kayamanan… ito ang higit na ninanasa ng maraming tao kaysa sa Diyos. And the more he gets, the more he wants/desires!
Ang pagkakaroon ng mga ari-arian o kayamanan ay hindi masama lalo na’t kung ito’y nakamit dahil sa gabay at karunungan ng Diyos. Nagiging masama ito kung ito’y sinasarili dahil sa malabis na pagmamahal dito. To put it simply, greed is love for things (especially material wealth). Ang kasakiman o pagiging gahaman ay naglalayo sa tao sa Diyos; pinipigilan niya tayo na magtiwala at magpahinga sa mga pangako ng Diyos (rest in His promises). Malinaw na hindi ito kalooban ng Diyos; ang kalooban ng Diyos ay ilagak natin ang ating buong pagtitiwala sa Kanya. Paul also warns Timothy that “the love of money is the root of all evil.” (1 Timothy 6:10a KJV) Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila (1 Tim. 6:10b).
Again, being rich is not evil, being GREEDY is!
Sinabi ni Hesus, “Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw.(Mateo 6:19 MBBTAG) Sa halip, sinabi Niya na mag-impok tayo ng kayamanan sa langit na hindi masisira ng insekto o kalawang at hindi mananakaw. Dahil idinugtong ni Hesus kung nasaan ang kayamanan naroroon din ang puso, ang unang tanong marahil ay “Nasaan ba ang iyong kayamanan?” (Ano ang higit mong pinapahalagahan sa buhay?) Maaaring iba ang ipinapakita mo sa panlabas sa tunay na nilalaman ng iyong puso. Remember, God looks on the heart.
Paano tayo makakapag-impok ng kayamanan sa langit? Isa lang ang paraan upang tayo’y makapag-impok ng kayamanan sa langit – mabuhay ka sa panawagan ng Diyos sa iyong buhay! Katulad ni Hesus, alam Niya ang Kanyang panawagan o misyon kung bakit Siya pumunta sa lupa – ito’y upang magbigay liwanag at pag-asa sa mga Hudio at sa pamamagitan ng mga Hudio ilalaganap ang biyayang ito sa mga Hentil (to the whole world). Ang pagbibigay o pagkakaloob, pagtulong sa mga nangangailangan o pagkakawang-gawa ay bunga ng pananampalataya at pagkaunawa sa pag-ibig ng Diyos. Ito ang ginawang sistema (established system) ng Diyos, upang hindi imaging pansarili ang motibo ng pagbibigay o pagtulong sa kapwa. “Ang mahirap ay bahaginan mo ng pagkain, at tiyak na ikaw ay pagpapalain.”(Kawikaan 22:9 MBBTAG) Tanging ang pagkilala sa pag-ibig ng Diyos ang makakatalo sa anumang kasakiman sa kayamanan. At tayo bilang mga Kristiyano na nakauunawa sa dakilang pag-ibig ng Diyos ay may pusong mapagbigay at matulungin.
Elevate: Application/suggested question:
1. Paano binabago ng Salita ng Diyos ang kaisipan mo patungkol sa pera o kayamanan? Ano na ngayon ang pananaw mo tungkol dito?