Exalt: “Sa Piling Mo”
Empower: Mark 10:21-23,30; Romans 8:32; 2 Corinthians 9:7;
Luke 24:13-32; 2 Cor. 2:5-7; Heb. 13:17; Isaiah 53:4; Luke 9:23-25
Rising Above Grief/Sadness
Grief or “deep sadness” is usually caused by loss of something or someone (e.g. loved one, career/job, finances, relationship). Ang kalungkutan ay dumarating sa buhay ng tao; nararamdaman ito habang tayo’y nabubuhay sa magulong mundong ito. Ilan sa mga posibleng dahilan kung bakit tayo nalulungkot o naghihinagpis ay
ang mga sumusunod:
(1) Kakulangan sa Pananalapi (Financial Pressure)
Nasisiyahan ka lamang ba kapag mayroon kang pera at nalulungkot kapag wala ka nito? Isa lamang ang ibig sabihin nito, hindi mo pa lubos na kinikilala ang mga pangako ng Diyos sa Kanyang mga anak. Hindi pa malalim ang pagkakilala at kaugnayan mo sa Diyos kapag ganito ang iyong kalagayan. Katulad ng mayamang pinuno, siya’y nalungkot nang sabihin ni Hesus na ipagbili ang kanyang ari-arian at ipamigay sa mga mahihirap. Bakit? Dahil ang kasiyahan niya at ang diyos niya ay ang kanyang kayamanan. Marami sa atin na ang pag-asa (hope) ay nasa pera, wala sa Diyos. Isa ring dahilan kung bakit nagaatubili tayong magbigay o magkaloob sa gawain ng Panginoon o sa ibang taong nangangailangan. Kaya naman, sinabi ni Hesus na hindi tayo makapaglilingkod sa dalawang amo; pumili ka lang ng isa – Diyos o kayamanan (mammon)!
(2) Kamatayan ng Isang Mahal sa Buhay (Death of a Loved One)
Bilang tao, nalulungkot tayo kapag nawala ang isang mahal sa buhay (i.e. we miss him/her so much), subalit nawa’y hindi tayo lunurin ng lungkot na nagdudulot ng kasiraan o hindi maganda hindi lamang sa ating katawan, kundi sa ating puso’t kaisipan. Bukod dito, aware man tayo o hindi, naapektuhan din ang mga taong nakapaligid sa atin. Grief or sadness is contagious. Ang dalawang alagad na papuntang Emaus ay nalungkot sa pagkamatay ni Hesus dahil hindi nila nauunawaan ang layunin ng Kanyang kamatayan. Sa puso nila, nawalan sila ng pag-asa. “Umasa pa naman kami na Siya (si Hesus) ang magpapalaya sa Israel sa kamay ng mga taga-Roma” (Lukas 24:21a ASND). Kung minsan, ang dahilan ng kalungkutan o paghihinagpis mo ay pagkaawa sa sarili (self-pity). Maaaring nakatuon ka sa iyong sariling pangangailangan kaya ka nalulungkot. “Paano na ako niyan?”; “Sino ang aking katuwang?”; “Paano na ang mga pangarap namin?” “Wala nang nagmamahal sa akin.” Nawa’y mabuksan ang ating mga mata katulad ng dalawang alagad at makita natin si Hesus sa ating mga puso na Siya ang kasiyahan at kaganapan ng ating buhay. Siya ang Sagot sa lahat ng ating pangangailangan!
(3) Pagkasira ng Relasyon (Relational Breakdown)
Ang mga nakasakit sa ating damdamin ay totoo namang nakakapagbigay din ng lungkot at sugat sa ating mga puso, subalit, ang kapatawaran ay nakakapaghilom din. Kaya sinabi ni Pablo “patawarin na ninyo siya at patatagin, dahil baka maging labis ang kanyang hinagpis at tuluyang panghinaan ng loob” (2 Corinto 2:7 ASND). Ang mga nakagawa ng kamalian ay mayroon nang hinagpis sa kanilang damdamin (already suffers for what he has done); ang tanging makakapanumbalik sa kanila ay kapatawaran na bunga ng pagmamahal. Kung paano natin naranasan ang kapatawaran ng Diyos dahil sa Kanyang labis na pag-ibig sa atin, gayon din ang ating gawin sa mga nagkasala sa atin. Kaya nating pagtagumpayan ang lungkot at hinagpis kung patuloy nating itutuon ang ating kaisipan kay Cristo na siyang pinagmumulan ng tunay na kagalakan at kapayapaan. Patuloy natin Siyang kilalanin sa pamamagitan ng pag-aaral at pagbubulay-bulay sa Kanyang Salita.
Elevate: Application/suggested questions:
1. Ano ang nagpapalungkot sa iyo? How do you rise above it?
2. Sinasabi ni Hesus sa Marcos 10:29-30 “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang lahat ng nag-iwan ng bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin at sa Magandang Balita 30 ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, mga lupa, pati mga pag-uusig. At tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon.” Paano mo ito inaapply at nararanasan sa kasalukuyan mong buhay?