Exalt: “Sukdulang Biyaya”
Empower: Ephesians 1:7; Acts 13:38-39; Colossians 2:13-14; 1 John 1:9; 2:12; 1 Corinthians 15:34; Titus 2:11-12
Living Free from Guilt and Shame
Guilt – nakatuon sa ginawa (“May nagawa akong mali.”) Shame – nakatuon sa pagkakilanlan o pagkatao (“May mali sa akin.”)
Ang guilt (pagkakasala) at shame (kahihiyan) ay mga emosyon o pandama na kapag nanaig o dito nabuhay ang isang mananampalataya ay maaaring mag-resulta ng: paglayo (ng mananampalataya) sa Diyos , pagkawala ng gana sa ministry o paglilingkod, pagkawala ng kapayapaan at kagalakan [Note: ang totoo, hindi nawawala ang bunga ng Espiritu sa buhay ng isang mananampalataya; ito’y maaaring hindi lamang nararanasan dahil hindi nakatuon ang kaisipan sa Diyos], pagkadena sa nakaraan (living in the past failure; hindi makausad; hindi maka-move on), at pagdududa sa kapatawaran ng Diyos. Ang guilt at shame ay kadalasang bunga ng hindi pa lubos na pagkaunawa sa natapos na gawain ni Cristo sa krus o maling pang-unawa sa ebangelyo. Ang layunin ng ebangelyo ay ipahayag ang kapatawaran at katuwirang natamo kay Cristo, hindi ipaalala nang paulit-ulit ang ating mga kasalanan. Ang Diyos ay hindi tumitingin sa atin ayon sa ating nakaraan kundi ayon sa bagong pagkakilanlan natin kay Cristo.
Kayo, na mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at sa hindi pagiging nasa pagkatuli ng inyong laman, ay binuhay na kasama niya. Kayo ay pinatawad na sa LAHAT ng mga pagsalangsang (Colosas 2:13 SND). Napakahalagang maunawaan na ang salitang “lahat” ay nangangahulugang walang naiwan. Debt (sin) is settled; it's done deal! Tinubos tayo sa pamamagitan ng Kanyang dugo (according to the riches of His grace). Ang lahat ngating kasalanan ay napatawad na sa pamamagitan ng sakrispisyo ni Cristo. Kaya’t hindi na tayo dapat mabuhay na parang may utang pa na dapat bayaran sapagkat binayaran na Niya ang lahat sa krus. Huwag tayong palinlang sa ating emosyon o damdamin. Tandaan, tinanggap tayo ng Diyos hindi base sa ating ginawa, kundi dahil lamang sa Kanyang biyaya (through Christ’s finished work). Tinugunan ni Cristo ang guilt sa pamamagitan ng kapatawaran ng kasalanan. Tinugunan Niya ang shame sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng bagong pagkakakilalan bilang mga anak ng Diyos. Kaya’t hindi lamang inihahayag ng ebangelyo na “Pinatawad ka na”; sinasabi rin nito na “Tinanggap ka na, minahal ka na, at ginawang matuwid kay Cristo.”
Lumakad tayo (with confidence) bilang mga anak ng Diyos; mamuhay tayo sa biyaya, katuwiran at kalayaan. Hindi ka malaya dahil wala kang nagawang mali; malaya ka dahil tinubos ka na ni Cristo at binigyan ka Niya ng bagong pagkakakilalan bilang matuwid sa harapan ng Diyos. Sapat na ang ‘pinambayad ni Cristo (His blood/ His very own life) upang kaw ay mapalaya sa pagkakasala (guilt) at kahihiyan (shame).
If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us our sins, and to cleanse us from all unrighteousness. (1 John 1:9 KJV) Kung ang mga Kristiyano ay napatawad na sa lahat ng kanilang mga kasalanan, bakit kailangan pa niyang mag- confess kapag nakagagawa ng pagkakasala (according to the above verse)? Confession is only acknowledging and agreeing with God (with His Word) that what you’ve done is wrong. Confession keeps the heart free from self-deception.
Inihahayag natin ang ating kasalanan hindi upang tayo’y patawarin ng Diyos, kundi dahil tayo’y pinatawad na (once forgiven, always forgiven). Confession is not a condition to receive forgiveness, but a response to forgiveness already received. To confess is not to ask for forgiveness but to maintain a healthy fellowship with God.
Elevate: Application Question:
1. Honesty about wrongdoing (confession) is healthy and restores openness and fellowship. Gaano ito nagiging totoo sa iyong kaugnayan sa Diyos o sa ibang tao (e.g. ama, ina, asawa, anak, kaibigan, boss, kamanggagawa)?