Ministry Gifts (Five-Fold Ministry)

WALANG MAHIRAP SA IYO
His Life Worship

Verse:
Higit sa aking kailangan
Higit sa aking karanasan
Higit sa aking isipin ay kaya Mong gawin
Higit sa aking kalakasan ni minsan ay hindi nagkulang
Higit sa aking isipin ay kaya Mong gawin
Pre-Chorus:
Bawat araw ko ay hawak Mo
‘Di mangangamba sa piling Mo
Chorus I:
Walang mahirap Sa’Yo
Walang mahirap Sa’Yo
Ikaw ang Panginoon na makapangyarihan
Walang mahirap Sa’yo
Chorus II:
Walang Imposible Sa’Yo
Walang Imposible Sa’Yo
Ikaw ang Panginoon na makapangyarihan
Walang imposible Sa’yo
Chorus I:
Walang mahirap Sa’Yo
Walang mahirap Sa’Yo
Ikaw ang Panginoon na makapangyarihan
Walang mahirap
Walang Mahirap
Walang Mahirap Sa’yo
Tag:
Ikaw ang Panginoon na makapangyarihan
Walang Mahirap Sa’yo

Exalt: “Walang Mahirap Sa Iyo”
Empower: Ephesians 4:11-16; Matt. 10:1-5; 1 Cor.3:5-7,10;12:12; 1 Cor.9:2; Acts 8:4-5; 1 Timothy 5:17; Titus 1:9

Efeso 4:11 - Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro (ASND).

These offices (not titles), also known as Five-fold Ministry (some called them Leadership Gifts), are given to the church to prepare and equip members for the ministry or service (ihanda ang mga kasapi sa paglilingkod). Particularly, to bring people to maturity and Christlikeness; so that the church would achieve unity of faith and not be deceived by false doctrines; for love to flourish as they speak the Word of Truth, and for the the whole body of Christ to be edified.

Ang limang kaloob ay pantay-pantay kung kahalagahan (in terms of value or hierarchy) ang pag-uusapan, walang nakatataas, walang nasa ibaba; subalit ang bawat isa ay may magkakaibang tungkulin (function or role) ayon sa layunin ng Diyos para sa iglesia. “Bakit, sino ba si Apolos? At sino nga ba naman akong si Pablo? Kami ay mga lingkod lamang ng Dios na ginamit niya upang sumampalataya kayo. At ang bawat isa sa amin ay gumagawa lamang ng gawaing ibinigay sa amin ng Panginoon. 6 Ako ang nagtanim, at si Apolos ang nagdilig. Ngunit ang Dios ang siyang nagpatubo. 7 Hindi ang nagtanim at ang nagdilig ang mahalaga, kundi ang Dios na siyang nagpapatubo nito (1 Corinto 3:5-7 ASND).

Ang mga Apostol (the master builders and architects) ang karaniwang nagtatatag ng mga lokal na iglesia (Ex: church planter like Paul, one of the Apostles; he was the founder of the church in Corinth). Ang mga Propeta ang naghahayag ng mensahe mula sa Diyos (received message or revelation directly from God). Kung ano ang inihayag ng Diyos sa kanila, iyon lamang ang kanilang sinasabi (Ex. John the Baptist). Ang mga mangangaral ng Magandang Balita o Evangelist ay nangangaral patungkol sa pag-ibig at biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, ang Mabuting Balita (the Good News), upang Siya’y kilalanin ng mga tao na Siya ang Daan, Katotohanan at Buhay (Ex: Philip, the Evangelist).

Ang mga Pastor (na mas kilala at pamilyar sa lahat sa ating kapanahunan) ang tumitingin at nangangalaga sa mga tupa (kasapi sa iglesia). Pastors (or “elders” in the New Testament) shepherd the flock of God; they are the overseers of the congregation. They tend to the needs of the people in the congregation. Ang mga Guro naman ang nagtuturo at nagpapaliwanag sa Salita ng Diyos. Teachers see to it
that believers are not being led astray by false teachings or doctrines.

The works/ministries of the apostle, prophet, evangelist, pastor and teacher are being accomplished only through the power and anointing of the Holy Spirit. Not by their might, not by their power, but by the power of the Holy Spirit! (Zechariah 4:6)

Dahil malaki ang responsibility at accountability ng limang ito sa iglesia ng Panginoon, nararapat lamang na sila ay qualified at taglay ang mga marka ng isang pinuno in terms of character, endurance and manifestation of signs and wonders. Mahalaga sa isang leader ng iglesia ang nagtataglay ng mabuting pag-uugali o nakikitaan ng bunga ng Espiritu (i.e. love, joy, peace, longsuffering, gentleness, goodness, faith, self-control). Lahat ng ginagawa nila ay nag-uugat sa pag-ibig. Mahalaga din na makitaan sila ng katatagan sa kabila ng mga hamon ng kanilang pagkatawag. They must be able to endure sufferings, tribulations and temptations; and this can only happen if they rely completely on the power of the Holy Spirit, not on their own abilities, strength or wisdom. Bilang pinahiran (anointed) ng Banal na Espiritu sa kanya-kanyang panawagan ng mga mananampalataya (not only the five-fold ministry, but all believers), ang mga signs and wonders ay tiyak na susunod sa kanilang mga buhay. Purihin ang Diyos sa mga lingkod Niya na Kanyang ginagamit sa Kanyang ubasan!

Elevate: Application/suggested question:
1. Sa mga gawain o tungkulin na nabanggit tungkol sa mga apostles, prophets, evangelists, pastors and teachers, alin sa mga ito ang nakikita mo sa sarili mo na nagagawa mo?

2. Nakikita o nararamdaman mo ba ang panawagan ng Diyos sa iyo sa isa o dalawa sa limang ito? Explain.

Announcement:
CFSM Convention on December 28-30, 2023 (*Note: There is a slight
change in schedule. Pre-registration of participants is needed for logistics.)

AI Website Builder
Free Web Hosting