Exalt: “The Blessing”
Empower: Gen. 49:22-26; 50:24-25; Genesis 1:27-28; 12:1-13; 15:6,
Psalm 37:26,103:17,112:2: Gal.3:7,9,13-14
Generational Blessings: Impacting Generations Through God’s
Providence
Ang nakagawiang pagbasbas (blessings) na ibinibigay ng mga ama sa Lumang Tipan [e.g. blessings of Abraham, Isaac at Jacob (the Patriarchs) to their children] ay may malalim na kahulugan at kahalagahan (spiritual, cultural and prophetic significance). Hindi lamang ito pagpapasa ng pamanang materyal (physical or material inheritance), kundi, ito rin ay pagpapasa ng kanilang pananampalataya o pananalig sa pangako ng Diyos; nang sa gayo’y maipagpatuloy nila ang dakilang plano ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang pagbasbas ay ginagawa ng mga ama upang ihanda ang mga susunod na henerasyon. Ipinapasa o ipinamamana ng mga ama sa kanilang mga anak ang tungkulin o responsibilidad sa pamumuno (passing the baton of leadership). The blessings of the fathers were spoken under divine authority (founded on God’s covenant to Abraham).
Matatandaan na sa simula pa lang, pinagpala na ng Diyos sina Adan at Eba, sa gayo’y maisakatuparan nila ang layunin na ibinigay ng Diyos sa kanila (to be fruitful and multiply, replenish the earth and take dominion over all other creation - Genesis 1:27-28). However, because of sin, that blessing was lost. Ito ay nawala hindi dahil inalis ng Diyos, kundi dahil pinili ng tao na mabuhay na hiwalay sa Diyos, the Source of all blessings. Kaya nga, nakipagtipan ang Diyos kay Abraham upang maibalik Niyang muli ang pagpapalang nawala sa tao dahil sa kasalanan (through restored relationship). Ipinangako ng Diyos sa kanya na siya’y pagpapalain at sa pamamagitan niya ay marami ang pagpapalain (Genesis 12:2; 22:18). God has blessed Abraham mightily; his wealth increased, God promised him land; God has been his “shield and exceedingly great reward”, and he was accounted RIGHTEOUS because of his faith.
Ano ang naging impact ng mga pagpapalang ito kay Abraham sa kanyang salinlahi? – Sila rin ay pinagpala. At hindi lamang sila, kundi tayo, na mga hindi Judio (Gentiles), na nanampalataya kay Cristo (sa Binhi) ay naging kabahagi sa pagpapalang ibinigay Niya kay Abraham (Galatians 3:14).
We, born again believers, have entered into the generational blessings of God! Matuwid na tayo at naging karapatdapat sa harapan ng Diyos; tayo’y mga bagong nilalang na (new creations); naibalik na sa atin ang pagpapalang nawala; tayo ay kabilang na sa Kaharian ng Diyos; ang lahat ng mga pagpapalang espiritual mula sa langit ay nasa atin na (Ephesians 1:3) Paniwalaan mo na ikaw ay isang pinagpala (blessed); paniwalaan mo rin na ang iyong mga anak at kanilang magiging mga anak ay pinagpala din. Expect blessings upon our children and grandchildren.
Mga ama (at mga ina), ang puso ng Diyos ay mapagpala hindi lamang tayo kundi maging ang ating mga anak at kanilang mga anak (ating mga apo). Higit sa ano pa mang pamanang materyal, nawa’y ang buhay natin kay Cristo ang siya nawang humipo sa puso ng ating mga anak at mga apo. Nawa’y ang pananampalataya natin kay Cristo ay maging inspirasyon at impluwensiya sa mga susunod na henerasyon. Material blessings will just naturally flow into their lives. Jesus is our greatest blessing, leaving a lasting impact on countless generations.
Jacob pronounced blessings upon Joseph. Let us also reinforce God’s blessings upon our children; let us speak life, strength, or prosperity over them; let’s say “yes” and “amen” for all the promises of God in our lives and in the lives of our children and children’s children. His descendants will be mighty on earth; The generation of the upright will be blessed. (Psalm 112:2)
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Sa mga ama o ina: Ano ang maaaring maging impact o epekto ng pagpapalang natanggap mo mula sa Diyos sa iyong mga anak (at mga apo)?
2. To children with believing parents: Do you believe that you are blessed because you have righteous parents? Explain.