Exalt: “Pupurihin Ka sa Awit” “Wala Kang Katulad”
Empower: James 1:17; 1 Corinthians 14:26; 2 Timothy 1:5-7
Paano nga ba malalaman o ano ang mga senyales kung ano sa mga kaloob ng Espiritu ang mayroon ka? Consider these signs:
First: You have an earnest desire to have it. Ano sa mga kaloob ang ninanasa mo na magkaroon ka? Which gift excites you the most? It is possible that the desire in your heart to have a particular gift comes from God. [Kaya gayon na lamang ang pagnanasa mo sa kaloob na ito dahil ito naman talaga ang ibinigay ng Banal na Espiritu sa iyo.] At paano mo naman malalaman kung ang desire na ito ay galing sa Diyos at hindi sa sarili mo lamang o
sa kaaway? Malalaman ito sa motibo; kung ang motibo mo ay makapag-ministeryo o makatulong sa iba at mabigyan ng kapurihan ang Diyos (walang pansariling motibo), maaaring ito na nga ang kaloob na ibinigay sa iyo.
Second: Others will begin to recognize or notice the gift in you. Nagbibigay ang Diyos ng mga oportunidad upang magamit mo ang iyong (mga) kaloob at iyon ay napapansin ng iba (kahit ikaw mismo kung minsan ang hindi nakakapansin nito). Doors are being opened and give others the opportunity to see the anointing or manifestation of the Spirit through our gifts. Mayroon na bang nagsabi sa iyo na mayroon kang kakaibang abilidad na gawin ang isang bagay na higit pa sa natural mong kakayahan (a supernatural ability)? If yes, this may be an affirmation of your gift.
Third: Evidences are seen in the operation/use of the gift. Dahil ang pinanggalingan ng kaloob ay ang Banal na Espiritu, tiyak na may resulta na makikita. Minsan hindi mo man kailangan na sabihin sa mga tao ang kaloob na mayron ka dahil sa mga ebidensya na nakikita nila [e.g. gumaling ang may sakit; napalakas ang kapatid; natugunan ang pangangailangan, naging possible ang imposible (miracle happened).]
Remember, the gifts of the Spirit are others-centered. They are to be shared; we received so others will also receive; we are blessed with the gifts, so others will also be blessed. Ito’y binigay ng Diyos upang matulungan natin ang isa’t isa na kabilang sa katawan ni Cristo, o kung hindi pa mananampalataya, maranasan nila ang pag-ibig ng Diyos at kilalanin din nila si Hesus sa kanilang buhay. 2 Timothy 1:6 - For this reason I remind you to FAN INTO FLAME the GIFT of God, which is in you through the laying on of my hands. (NIV) [… ipinaaalala ko sa iyo na PANINGASIN MO ANG KALOOB NG DIYOS NA NASA IYO… (ABBTAG2001)]
Kung ikaw ay mananampalataya, paniwalaan mo [BELIEVE - is the starting point] na ikaw ay mayroong kaloob (o mga kaloob) na galing sa Banal na Espiritu at maaari mo itong gamitin para sa gawain ng Panginoon o ibang tao (esp. other believers) para sa karangalan ng Diyos. Do not let your gift dormant (natutulog/hindi ginagamit) and hidden (nakatago). Marami ang maaaring mapalakas at mapagpala sa pamamagitan ng paggamit mo ng iyong (o mga) kaloob. Do not deprive others of the blessings they are supposed to receive through your gift/s. Huwag nating ipagkait sa kanila ang kabutihan ng Diyos. God is a compassionate and loving God. Nais Niyang tulungan ang maraming tao na maranasan nila ang Kanyang pag-ibig at kapangyarihan; at ito’y sa pamamagitan natin, specifically, sa pamamagitan paggamit ng kaloob ng Espiritu na nasa atin.
Paningasin natin (stir up / fan into flame) ang kaloob ng Espiritu; huwag nating pabayaang mamatay ang apoy ng paglilingkod para sa gawain ng Panginoon at sa mga nangangailangan ng tulong; huwag nating pabayaang mangibabaw ang takot (or shyness/ timidity) “sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan kundi ng espiritu ng KAPANGYARIHAN, NG PAG-IBIG AT NG PAGPIPIGIL SA SARILI. (ABTAG2001)
Laging nakahanda ang kapangyarihan ng Diyos na dumaloy sa pamamagitan natin. Naghihintay lamang Siya na kumilos o sumunod tayo sa Kanyang tinig. Learn to listen (be sensitive) to His voice; He is always speaking into your heart and ready to manifest His power through the gift/s that is/are in you. Activate your gift… now!
Elevate: Application/suggested question:
1. Tanungin ang mga kasamahan mo sa grupo (G.E.) kung ano ang nakikita nilang kaloob na mayroon ka, o di kaya’y paano nila nakikita ang kapangyarihan (power and anointing) ng Diyos na dumadaloy sa iyo.
Announcement:
CFSM Convention on December 28-30, 2023 @ Vista Verde Resort, Pulung Maragul, Angeles City