Exalt: “Thank You Jesus for the Blood”
Empower: John 16:8-12; Romans 2:15; 1 John 2:1; John 3:17- 18; 14:6, 17:3; 2 Peter 3:10-14; Revelation 21:1-4
Judgement and Restoration of the World
8 And when He has come, He will convict the world of sin, and of righteousness, and of judgment: 9 of sin, because they do not believe in Me; 10 of righteousness, because I go to My Father and you see Me no more; 11 of judgment, because the ruler of this world is judged.
Ang pang-unawa sa mga talatang ito ay hindi lamang nagpapalaya sa atin mula sa maling kaisipan patungkol sa gawain ng Banal na Espiritu, kundi sa katatayuan natin
bilang mga mananampalataya. Any feeling of guilt or condemnation does not come from the Holy Spirit, but from our conscience (Rom. 2:15) or from Satan [the accuser of brethren (Rev. 12:10-12)]. In fact, ang Banal na Espiritu ang palaging nagsasabi at nagpapaalala sa atin (through the Word) na tayo ay matuwid, malinis at banal na dahil sa ginawa ni Cristo.
9 of sin, because they do not believe in Me…
Ngayon, malinaw na sa atin na ang Banal na Espiritu ay hindi ipinadala upang hatulan o usigin ang tao sa kanilang nagagawang kasalanan (acts of sin: e.g. murder, lies, adultery); kundi, upang sawayin (reprove) ang tao sa iisang kasalanan – the sin of unbelief. Dito nag-uugat ang lahat ng nagagawang kasalanan ng tao; ito’y nanganganak ng iba pang mga kasalanan (acts of sin). Ang kawalan ng pananampalataya (sin of unbelief) ay nagbubunga ng pagsuway [e.g. Adam and Eve’s unbelief in God’s Word led them to eat the forbidden fruit]. Gayundin naman, ang ugat ng paglaganap ng kasamaan sa mundo ay kawalan ng pananampalataya ng tao sa Diyos at sa Kanya sinugo na si Hesus. Nevertheless, as sin abounds, God’s grace also abounds.
10 of righteousness, because I go to My Father and you see Me no more…
Kung mapapansin, may mga Kristiyano na nahihirapang
makabangon dahil sa mga katuruan o kaisipan na humahatol sa kanilang maling nagawa o pagkakasala… na sila’y hindi na karapat-dapat sa harapan ng Diyos… na sila’y magbibigay-sulit sa Diyos sa lahat ng ginawa (mabuti man o masama) sa araw ng Paghuhukom (that brings fear and condemnation). Ang ganitong katuruan ay hindi lamang nagdadala ng takot na mahatulan, kundi, ito’y nagpapawalang-saysay sa tinapos na gawa ni Cristo sa krus. Tandaan, humarap na si Cristo sa hukuman; Siya’y nahatulan at naparusahan na (in our behalf); hindi ka na maaaring mahatulan at maparusahan pa (in our law, that is called double jeopardy). Christ ascended to heaven and now seated at the right hand of the Father as our Advocate (Parakletos). Siya ang ating Tagapagtanggol (lawyer) laban sa mga akusasyon o paratang ng Diablo sa ating mga buhay. Not only that, we have another Advocate to defend us, the Holy Spirit. Halleluiah!
11 of judgment, because the ruler of this world is judged.
Nahatulan na ang pinuno ng sanlibutan; tiyak na ang ating tagumpay; wala na tayong dapat ikatakot. Siya’y parang leon na umaatungal lamang upang tayo’y takutin; huwag tayong magpalinlang sa kanya. Natalo na siya sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na muli ni Cristo. Wala nang maidadahilan pa ang tao; ang lahat ay mayroon nang pagkakataong maligtas, subalit alam natin na mayroon pa ring hindi mananalig kay Hesus na masasama sa kaparusahang dapat sana’y sa Diablo lamang.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Sa pagdating ni Hesus, ang mundo ay lilinisin ng Diyos at magkakaroon ng bagong langit at bagong lupa. Muling magsasanib ang langit (God’s presence) at ang lupa (as in His original plan in the garden of Eden, for Him to be with us forever). Ibahagi ang kapahayagan (revelation) ng Diyos sa puso mo
patungkol dito (o sa paksang natalakay sa itaas).