Exalt: “Christ Be Magnified”
Empower: Galatians 1:10; Proverbs 29:25; 1 Corinthians 4:3-4; Colossians 3:23-24
Freedom from the Opinions of Men
Galatians 1:10: “Am I now trying to win the approval of human beings, or of God? Or am I trying to please people? If I were still trying to please people, I would not be a servant of Christ.”(NIV)
Alalahanin na ang sulat sa Galacia ay isinulat ni Pablo dahil may mga Judaiser teachers na nagtuturo na ang pananampalataya (faith in Christ) ay hindi sapat para sa kaligtasan... na kailangan pa ring sundin ang ilang kautusan ni Moises, lalo na ang pagtutuli (circumcision). Para kay Pablo, ito ay isang pagbaluktok ng ebangelyo. Mariin niyang sinabi na ang sinumang mangaral ng ibang ebanghelyo ay dapat ituring na isinumpa (Galacia 1:6-9); at pagkatapos nito ay sinabi niya sa kasunod na verse: “Huwag ninyong isipin na ang nais ko ay malugod sa akin ang tao. Hindi! Ang nais ko ay malugod sa akin ang Dios. Kung ang ikalulugod ng tao ang hinahanap ko, hindi ako tunay na lingkod ni Cristo.” (Galacia1:10) Hindi nangangahulugan na wala siyang pakialam sa opinyon ng iba, nagmamalaki, ayaw magpaturo, at hindi siya nagpakita ng kabaitan; ang ibig niyang sabihin, hindi niya ikokompromiso o babaguhin ang mensahe ng ebanghelyo para lamang malugod o matuwa ang mga tao.
Paul’s freedom from the opinions and approval of people is rooted in his understanding of the gospel and his identity in Christ. Kung ang layunin lamang niya ay magpasikat o bigyang kasiyahan ang tao, madali lang niya itong gawin - ang ituturo lamang niya ay ang gustong marinig ng mga tao. Ngunit pinili niyang ituro ang katotohanan ng biyaya (grace) kahit marami ang tumututol sa kanya. Sa ibang talata, mariin din niyang sinabi na ang kanyang ipinapangaral na ebangelyo ay hindi galing sa opinyon ng tao o galing sa sarili niyang opinyon, kundi, ito’y kapahayagan ni Jesu-Cristo sa kanya. Kaya wala ring puedeng humusga sa kanya at sa kanyang ipinapangaral kundi si Cristo lamang. Hindi niya kailangan ang approval o opinion ng ibang tao dahil kilala niya kung sino siya at ang layunin at panawagan ng Diyos sa kanya. Paul’s confidence was not based on people’s opinion, his own emotions and self-condemnation. What matters to him was God’s opinion. His confidence rested on what Christ has accomplished.
Similarly, when we know who we are in Christ (that we are loved and accepted by God), we’ll be able to stand firm even when criticized. Malakas ang loob nating ipangaral ang katotohanan ng biyaya ng Diyos; hindi tayo matitinag at magpapa-kontrol sa sinasabi o opinion ng tao. Hindi tayo madaling masira ng puna (criticism) o sobra namang maitaas ng papuri (praises) ng tao.
Maraming tao ang pilit na kinukuha ang halaga (worth) nila sa pamamagitan ng approval o opinion ng iba. Madalas nilang iniisip kung ano ang sasabihin sa kanila ng kanilang pamilya, kaibigan, katrabaho, o maging ng mga taong hindi naman lubos na kilala. Dahil dito, marami ang nakakaranas ng takot, pagkabalisa, kawalan ng kumpiyansa sa sarili, at kapaguran.
Thank God, our worth or value as believers is settled at the cross. We do not live from the applause of men; we live from the acceptance that God has already given us in Christ. Hindi natin kailangang patunayan ang ating halaga upang mahalin o tanggapin ng Diyos. Kaya, mamuhay tayo ng malaya nang may kumpiyansa at kapayapaan. God’s opinion is the final authority.
Elevate: Application Questions:
1. Kaninong opinion ang madalas na may pinakamalaking impluensiya sa iyong mga desisyon at emosyon?
2. Mayroon bang pagkakataon na isinasantabi mo ang tama o nais ng Diyos dahil sa takot sa sasabihin ng ibang tao?