Exalt: “Believe For It”
Empower: Romans 12:6-8; 1 Corinthians 12:28; Acts 6:1-7
Roma 12:7 - Kung PAGLILINGKOD ang ating kaloob, maglingkod tayo. (MBBTAG) [If it (our gift) is to SERVE, we should serve…(GNT)
1 Corinto 12:28 - Naglagay ang Diyos sa iglesya (ng)…MGA TAGATULONG... (MBBTAG)
Ang iglesia (church) ay nakabalangkas (structured) sa isang sistema upang maisakatuparan ang layunin ng Diyos – upang ito ay lumago at lumawak (church growth/expansion). Kaya nga’t ibinigay ng Diyos ang mga iba’t ibang kaloob, kabilang ang kaloob ng paglilingkod (o mga tagatulong), upang ang bawat bahagi ng katawan ay gumagalaw, kumikilos o gumagawa ng kani-kanilang tungkulin (function or assignment) upang ito ay lumago. Ang bawat isa ay binigyan ng assignment ng Diyos, na kung ating gagawin ng sama-sama (in unity), malaki ang magagawa nito sa paglawak ng kaharian ng Diyos. Together,we can do more (than working alone).
Sa Acts 6: 1-7, pinapili ng 12 apostoles ang mga kapwa nilang tagasunod ni Cristo ng “pitong lalaking may malinis na pangalan, marunong, at puspos ng Banal na Espiritu” upang sila ang mamahala sa pagbibigay ng mga tulong. Pinili nila sina Esteban, Felipe, Procorus, Nicanor, Timon, Parmenas, at Nicolas. Ito ay upang hindi mapabayaan ng mga apostoles ang pangangaral ng Salita ng Diyos. Bilang resulta ng kanilang ginawa, patuloy na kumalat ang Salita ng Diyos at marami ang sumampalataya kay Hesus.
Ang Kaloob ng Paglilingkod ay espesyal na kakayahang ibinigay ng Diyos sa mga mananampalataya (to certain believers) na makita (identify) ang pangangailangan (unmet needs) sa gawain ng Panginoon at gamitin anumang mayroon sila upang tugunin ang mga pangangailangang iyon para sa katuparan ng mga layunin ng iglesia. Ilan sa mga halimbawa pa na mayroong ganitong kaloob sa unang iglesia (early church) ay sina Timoteo at Erastus (Acts 19:22), Juan Marcos (Acts 13:5), Onesimus (Philemon 10,11), Dorcas or Tabitha (Acts 9:36) at marami pang iba na naging katulong ng mga apostoles sa gawain o ministeryo ng Diyos.
Purihin ang Diyos sa mga pinagkalooban Niya ng Gift of Service/Helps na handang ibigay ang kanilang oras o panahon upang makatulong sa iglesia o sa mga programa o activities na may kaugnayan sa gawain ng Panginoon. Handa silang gumawa behind the scenes na hindi naghihintay ng anumang kapalit (rewards or recognition), bagkus, bukal sa puso nila ang maglingkod o tumulong para sa gawain ng Panginoon. No one should look down on them or treat their works as lowly or second-rate ministry. There are no menial tasks in God’s ministry. Malaki ang kanilang ginagampanang papel sa iglesia dahil nakakatulong sila na mapagaan (help alleviate burdens) ang tungkulin o paggamit ng iba sa kani-kanilang kaloob, lalo na sa mga nangangaral ng Salita ng Diyos. Ang suporta o tulong na kanilang ibinibigay sa mga nagpapastol o nangangasiwa ng iglesia ay kapakinabangan sa kabuan ng iglesia.
Ilan sa mga marka ng mga mananampalatayang pinagkalooban ng Kaloob ng Paglilingkod o Pagtulong ay ang mga sumusunod:
Ø Humbleness – may mababang puso (a servant’s heart)
Ø Joyful attitude – nagagalak sila sa kanilang ginagawang paglilingkod o pagtulong
Ø Able to do things at a supernatural level (they just know what, where, when and how to do the service)
Ø Serve with love (service to others = service to God)
Tandaan, higit sa anupamang serbisyo o paglilingkod na ating ginagawa, ikaw at ako ang mahalaga sa Diyos – ang ating kaugnayan sa Kanya. In general, ang paglilingkod o pagtulong na ginagawa ay bunga lamang ng lumalagong kaugnayan sa Kanya. Kaya’t maglaan ng panahon o oras upang patuloy na makilala mo ang Diyos at iyon ang gagabay sa iyo upang maisakatuparan mo ang panawagan Niya sa iyong buhay.
Elevate: Application/suggested question:
1. Sino-sino ang mga kilala mong mayroong Gift of Service/Helps sa local church ng CFSM na kinabibilangan mo? Ano-anong katangian ang nakikita mo sa kanila sa
pagganap nila ng kanilang mga assigments?
Announcement:
CFSM Convention on December 28-30, 2023 @ Vista Verde Resort,
Pulung Maragul, Angeles City