Intimacy Demands Separation

PUPURIHIN KA SA AWIT
Song by Musikatha

Walang hanggang katapatan
Sa buhay ko'y lagi mong laan
Narito dahil sa biyaya mo
Habang-buhay magpupuri sa'yo
Pupurihin ka sa awit
Itataas ang aking tinig
Itatanghal sa buhay ko'y
Tanging ikaw oh Diyos
Higit pa sa kalangitan
Ang iyong kaluwalhatian
Kadakilaan mo'y 'di mapapantayan
Walang hanggang katapatan
Sa buhay ko'y lagi mong laan
Narito dahil sa biyaya mo
Habang-buhay magpupuri sa'yo
Pupurihin ka sa awit
Itataas ang aking tinig
Itatanghal sa buhay ko'y
Tanging ikaw oh Diyos
Higit pa sa kalangitan
Ang iyong kaluwalhatian
Kadakilaan mo'y 'di mapapantayan
Hesus sa'yo ang kapurihan
Kaluwalhatian ngayon at magpakailanman
Hesus sa'yo ang karangalan
Kapangyarihan ngayon at magpakailanman
Pupurihin ka sa awit (pupurihin)
Itataas ang aking tinig
Itatanghal sa buhay ko'y
Tanging ikaw oh Diyos
Higit pa sa kalangitan
Ang iyong kaluwalhatian
Kadakilaan mo'y 'di mapapantayan
Oh Hesus

Exalt: “Pupurihin Ka sa Awit”
Empower: Galatians 6:14-15; Acts 17:24-27; Romans 11:36;  James 4:4 

Intimacy Demands Separation
God’s greatest desire is intimacy with Him, that is, for us to have closer relationship with Him. Ginawa na ni Cristo ang lahat upang ang tao ay muling makalapit sa Diyos at maibalik ang nasirang ugnayan (through faith). Ngunit hindi natatapos doon, gusto ng Diyos na lumalim pa ang ating kaugnayan sa Kanya upang maihayag Niya kung sino Siya at ano ang Kanyang plano o layunin para sa bawat isa sa atin. Romans 11:36 says, “For of Him and through Him and to Him are all things, to whom be glory forever. Amen. (NKJV)” [“For everything comes from him and exists by his power and is intended for his glory.”(NLT)] Ang Diyos ang ating pinagmulan, nalikha tayo sa pamamagitan Niya, at tayo’y para sa Kanya. Hindi ito nangangahulugan na ginagamit lang Niya tayo para sa Kanyang sariling kaluwalhatian o kasiyahan. Ang Diyos ay hindi makasarili; kaya nga gusto Niya na makaugnayan tayo upang mabahaginan Niya tayo ng Kanyang buhay (and be partakers of His divine nature.)

Wala ibang naisin ang Diyos kundi ang malasap natin ang buhay na kasama Siya. Ayaw Niya na masayang ang buhay ng bawat tao sa paghahanap ng makapagpapasaya sa kanya dito sa mundo; dahil ang totoo, ang Diyos lamang ang makapagbibigay nito sa Kanyang mga nilikha. Ang kailangan lang gawin ng tao ay hanapin ang presensiya ng Diyos (seek Him for fellowship.) Si David ay tinawag na “a man’s after God’s own heart” dahil sa uri ng kaugnayan (deep, personal) na mayroon siya sa Diyos; lagi siyang uhaw sa presensiya ng Diyos. [Read Psalm 63:1-8 and feel the heart of David as he seeks God.] Tanggapin man natin o hindi, ito ang totoo - ang buhay ng tao ay magiging makabuluhan lamang sa piling ng Diyos. Without God, one’s life is a waste (no purpose at all).

Intimate – a loving personal relationship; belonging to; characterizing one’s deepest nature

Sabi nila, kapag laging magkasama ang dalawang tao (e.g. mag-asawa o magkaibigan), nagiging magkamukha sila. Kung totoo iyon sa natural, mas totoo sa spiritual. Habang nakaka-ugnayan (fellowship) natin ang Diyos at nagiging malapit tayo sa Kanya, His image is being reflected through us… kung sino Siya (His revealed nature and character) ang siyang lumalabas at nakikita ng mga tao sa buhay natin. 

Separate – to keep apart; disconnect; to make a distinction between. 

Ang mga Kristiyanong may personal at malapit na ugnayan sa Diyos ay hindi na natatangay ng mga bagay dito sa mundo; wala na silang panlasa sa mga hilig, gusto at hinahanap ng mundo. Kinikilala nila na namatay na silang kasama ni Cristo; patay na sila sa kasalanan (dating pagkatao) at ngayo’y matuwid at banal na (bagong pagkatao) sa harapan ng Diyos. Katulad ni Pablo, isa lang ang kanilang ‘pinagmamalaki – ang ginawa ni Cristo sa krus; at isa lang ang kanyang pinakananais – ang makilala si Cristo ng lubusan sa kanyang buhay. Also, believer who has an established relationship with God cannot be moved by any untoward circumstances in his life; he feels secured and protected no matter what.

Do you hunger and thirst for God? Is your relationship with Him the most important thing in your life? Ang Diyos ba ang iyong prayoridad sa buhay? Ikaw lang ang personal na makakasagot sa mga tanong na ito. [You may stop for a second or minute, think and examine your life.]

Elevate: Application/Suggested Question:
1. Sa gitna ng mga kaabalahan (distractions) at hinihingi (demands) ng mundo, paano mo nabibigyan ng panahon ang Salita ng Diyos na siyang nagpapalalim sa ating pagkakilala at kaugnayan sa Diyos? 

Free AI Website Builder
Free Web Hosting