Exalt: “Grace to Grace”
Empower: Matthew 6:14-15, 18:21-35; Mark 11:25-26; Eph. 4:32;
Colossians 3:13; Hebrews 12:15; John 13:34-35
The Power of Forgiveness
Ang mga sinabi ni Hesus tungkol sa pagpapatawad ay dapat unawain ayon sa konteksto ng Lumang Kasunduan o Tipan (Old Covenant) ng Israel sa Diyos. Kung babasahin natin ang nakasaad sa Mateo 6:14-15, Mateo 18:21-35 at Marcos 11:25-26, para bang nakasalalay sa gagawin ng tao (human performance) ang kapatawaran ng Diyos... na kailangan mo munang patawarin ang iba bago ka Niya patawarin. Tandaan, under the New Covenant, tayo ay pinatawad na ng Diyos sa lahat ng ating mga pagkakasala dahil sa ginawa ni Cristo. Unawain na karamihan sa mga pahayag (statements) ni Hesus (in the gospels of Matthew, Luke and Mark) ay nasabi bago ang Kanyang kamatayan sa krus (thus, forgiveness had not yet been fully accomplished through the Cross). Sa panahong iyon, hindi pa nasisimulan o napapasinaya (inaugurated) ang Bagong Kasunduan/Tipan (New Covenant); meaning, ang mga kausap ni Hesus bago ang krus ay nakapailalim pa sa Kautusan (living under the Old Covenant Law) at naghihintay pa sila ng Pagliligtas o Pagtubos. Hence, forgiveness was conditional under the Old Covenant.
Pagkatapos ng kamatayan at pagkabuhay na muli ni Hesus [the start of the New Covenant], ‘pinaliwanag ng mga apostol sa patnubay ng Espiritu (esp. Paul in his Epistles), na ang kapatawaran ay ganap na (accomplished) hindi dahil sa ginawa ng tao, kundi sa ginawa ni Cristo. Ito’y purong biyaya - bunga ng Kanyang sakripisyo. Kaya nga sinasabi sa:
Efeso 4:32 - “ ...maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Cristo."
Colosas 3:13 -Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.
We forgive others because God has completely forgiven us through Christ. Bago ang krus: Magpatawad ka upang mapatawad ka. Pagkatapos ng krus: Pinatawad ka na, kaya magpatawad ka!
Huwag na tayong magkimkim ng galit o sama ng loob. Pinatawad ka na ng Diyos; may bago ka nang kalikasan kay Cristo. Piliin mong magpatawad. Hindi makakaapekto sa posisyon mo sa Diyos kung pipiliin mo mang hindi magpatawad; subalit, malaki ang epekto nito sa iyong ugnayan sa iba, sa iyong emosyonal na kalagayan at kapayapaan ng iyong puso. Ang pagkikimkim ng galit ay nauuwi sa kapaitan (bitterness) na nakakasakit sa iyong damdamin; akala mo nasasaktan ang taong nagkasala sa iyo habang hindi mo siya pinapatawad, pero ang totoo ikaw ang higit na nasasaktan. Ang taong hindi nagpapatawad ay nananatiling bihag ng nakaraan. Bagaman malaya na siya kay Cristo, para siyang nakakadena pa rin dahil sa galit o sama ng loob sa nagkasala laban sa kanya; kaya hindi niya nararanasan ang kalayaan at kapayapaang dulot ng kapatawarang natanggap niya. Ang hindi pagpapatawad ay nagdudulot ng pagkakahati-hati sa pamilya, church o komunidad.
Samantala, ang pagpapatawad ay nagpapalaya, at nagdudulot ng kapayapaan at kagalakan sa isip at puso ng tao. Ang pagpapatawad ay nagiging daan ng pagkakasundo, pagpapanumbalik ng relasyon, paglago at panibagong simula. Sa pamamagitan ng pagpapatawad, naipapakita ang biyaya at pag-ibig ng Diyos na ating tinanggap. Ito ang kapangyarihan ng pagpapatawad; ito ay nakaugat sa ginawa ni Cristo at sa epekto nito sa puso, isip at buhay ng bawat mananampalataya.
Elevate: Application Questions:
1. Paano nakakatulong ang pang-unawa mo sa kapatawarang natanggap mo kay Cristo sa pagpapatawad mo sa mga taong nagkasala sa iyo?
2. May panahon ba sa buhay mo na nahirapan kang magpatawad? Ano ang epekto nito sa iyo? Paano ka napalaya sa galit o sama ng loob? Isalaysay.