Gift of Giving

SUKDULANG BIYAYA
Musikatha

Habang hindi karapat-dapat
Pag-ukulan ng habag at wagas Mong pagsinta
Habang walang kakayanan
Masuklian Ka ng mabuti sa lahat Mong ginawa
Niyakap Mo ako sa aking karumihan
Inibig Mo ako ng 'di kayang tumbasan
Oh, Diyos ng katarungan at katuwiran
Na kahit minsa'y 'di nabahiran
Ang kabanala't kalwalhatian
Salamat sa sukdulang biyaya Mo
Oh, Diyos ng pag-ibig na mas malawak pa
Kaysa aking mga pagkakasala
Higit pa sa buhay ko
Salamat sa sukdulang biyaya Mo
Habang hindi karapat-dapat
Pag-ukulan ng habag at wagas Mong pagsinta
Habang walang kakayanan
Masuklian Ka ng mabuti sa lahat Mong ginawa
Niyakap Mo ako sa aking karumihan
Inibig Mo ako ng 'di kayang tumbasan
Oh, Diyos ng katarungan at katuwiran
Na kahit minsa'y 'di nabahiran
Ang kabanala't kalwalhatian
Salamat sa sukdulang biyaya Mo
Oh, Diyos ng pag-ibig na mas malawak pa
Kaysa aking mga pagkakasala
Higit pa sa buhay ko
Salamat sa sukdulang biyaya Mo
Salamat sa sukdulang biyaya Mo
Oh, salamat
Luwalhati, papuri at pasasalamat sa Iyo, oh, Diyos
Napakayaman ng biyayang ipinadadaloy mo sa aming mga buhay
Salamat sa Iyong sukdulang biyaya
Hallelujah

Exalt: “Sukdulang Biyaya”
Empower: Romans 12:6-8; 2 Cor.9:7,8; Phil 4:15-16; Acts 9:36;  Luke 21:3-4; Acts 4:34-35; 2 Cor. 8:2-4

Roma 12:8 - kung pagpapayo, magpayo siya nang mabuti; kung PAGBIBIGAY, magbigay siya nang maluwag; kung pamumuno, mamuno siya nang buong sikap; at kung pagtulong sa nangangailangan, tumulong siya nang may kagalakan (ASND).

Giving = Greek word is “Metadidomi”. It simply means “to impart” or “to give”. Bagamat ang lahat ay hinihikayat na magbigay dahil ito ay bahagi na ng buhay ng mga mananampalataya, mayroong ‘pinagkalooban ang Banal na Espiritu (a supernatural endowment) ng kakayahang magbigay (gift of giving) upang matugunan ang pangagailangan sa loob ng iglesia at ang ministeryo nito tulad ng mga nasa misyon (missionaries), gayundin, upang matulungan ang mga taong nangangailangan. Ang kaloob ng pagbibigay ay hindi lamang nakareserba sa mga mayayaman; anuman iyong pag-aari (financial resources), maaari kang mabigyan ng ganitong kaloob. Isang halimbawa dito ay ang mga mananampalataya sa Macedonia na sa kabila ng kanilang karukhaan (poverty), sila pa ang nagpumilit kay Pablo na bigyan sila ng pagkakataong makapagbigay (2 Cor. 8:2-4).

Ang mga mananampalataya sa Filipos ay masasabi ding may kaloob ng pagbibigay dahil sila lamang ang nagpadala ng tulong kay Pablo nang siya’y nagpapasimula pa lamang sa paghayo (Phil.4:15-16). Gayon din si Tabitha (Dorcas, in Greek), na ginamit ang kanyang abilidad sa paggawa ng mga damit upang siya’y makatulong o makapagkawanggawa sa mga balo at mga mahihirap. Kaya’t gayon na lamang ang dalamhati ng kanyang mga natulungan nang siya’y mamatay; nang malaman ito ni Pedro, pinuntahan niya si Tabitha at binuhay siyang muli (Acts 9:36-41).

Those who have the gift are instructed to “give with SIMPLICITY” (KJV) (“with generosity” or “generously” in other versions); meaning, giving from a pure heart; without any self-seeking motives. Ang kanilang pagbibigay o pagtulong sa iglesia o sa sinumang nangangailangan ay hindi pinangangalandakan. (They are not pretending or hypocrites like the Pharisees, who would like to be seen or praised by people when they give.) 

Sa ating kapanahunan, marami ang sa mata ng tao ay mapagbigay (generous), mananampalataya man o hindi; subalit alam natin kung saan sila nagkakaiba – sa motibo (dahilan kung bakit nagbibigay). Ang iba’y nagbibigay upang parangalan sila ng mga tao; ang iba’y nagbibigay upang pagtakpan ang kanilang mga masasamang gawain; ang iba’y nagbibigay dahil umaasa ng kapalit. Subalit ang nagbibigay bunga ng pag-ibig sa gawain ng Panginoon at sa mga taong nangangailangan at pananampalataya sa Diyos ay walang hinihinging kapalit at hindi rin naghahanap ng pagkilala (recognition or publicity); bagkus, masaya sa loob nila ang maibahagi ang mga pagpapalang ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos. They are good stewards of God’s resources. Kinikilala nila ng lubos ang pag-ibig at biyaya ng Diyos at iyon ang nagiging motibasyon nila upang magbigay. Sila pa ang naghahanap ng paraan upang sila ay makatulong sa iglesia o sa sinumang may pangagailangan financially or materially. Giving is a way of worship; we glorify the name of the Lord when we give.

Ang kaloob ng pagbibigay ay isang napakaganda at kahangahangang kaloob na nawa’y madiskubri at magamit ng lubusan ng mga napagkalooban nito. Isipin na lamang kung gaano kalaki at kalawak ang magagawa sa gawain ng Panginoon kung ang kaloob na ito ay gagamitin sa karangalan ng Diyos. Bukod dito, ang taong mapagbigay (with right motive) ay hindi kailanman pagkukulangin ng Diyos. Ang Diyos ang kanyang kinikilalang Dakilang Pastol or the Source of everything in his/her life. Praise the Lord for the Gift of Giving!

Elevate: Application/suggested question:

1. Nakadarama ka ba ng lubos na kagalakan kapag ikaw ay nagbibigay sa gawain ng Panginoon?(*Nalulungkot ka kapag hindi ka nakakapagbigay.) Madalas ka bang nagbibigay o tumutulong ng palihim? Do you feel love and compassion to those who are in need and help them in any way you can?
Kaya mo bang ibigay kahit ang kokonting mayroon ka upang makatulong sa iglesia o sa mga nangangailangan? Kung “Oo” ang sagot mo sa mga ito, isa ka na sa mga mayroong Gift of Giving; gamitin mo ito para sa karangalan ng Diyos!

Announcement:
CFSM Convention on December 28-30, 2023 @ Vista Verde Resort, Pulung Maragul, Angeles City. We encourage everyone (esp. CFSM leaders and workers) to join; kindly inform your respective leaders for your name to be registered.

Free AI Website Maker
Free Web Hosting