Exalt: “Diyos Ka Sa Amin”
Empower: Genesis 1:26-27; Luke 9:1-4,10:18-20
Overcoming the World (Authority of Believers)
Nawa’y patuloy na lumalim ang ating pundasyon at maiukit sa ating puso’t isip (i.e. have a revelation knowledge) na ginawa na ng Diyos ang lahat upang tayo’y mabuhay na mananagumpay dito sa lupa. We Christians are victors/conquerors like Christ “As He is, so are we in this world.” God doesn’t need to do anything for us to overcome sin, temptation or evil in this world. He has already done it through the life, death and resurrection of Jesus Christ. Ang awtoridad o kapangyarihan na minsang nawala sa tao nang siya’y mahulog sa kasalanan ay muling naibalik. [Take note, it is authority or dominion over all other creatures; fellowman excluded.]
For whatever is born of God overcomes the world. And this is the victory that has overcome the world—our faith.(I John 5:4 NKJV). Dahil sa tinapos na gawa ni Hesus, ang lahat ng nanalig sa Kanya at naging anak ng Diyos ay binigyan Niya ng awtoridad o kapangyarihan pagtagumpayan ang mundo at kakayahang matamasa ang mga pangako ng Diyos habang nabubuhay sa lupa. Napakahalaga na maunawaan natin ito, dahil hanggat hindi natin kinikilala ang awtoridad o kapangyarihang nasa atin (bunga ng ginawa ni Cristo), mahihirapan tayong humakbang sa pananampalataya sa mundo na kabi-kabila ang mga hamon at dalang pasakit sa buhay.
God has given us the “authority to tread on serpents and scorpions and over all the power of the enemy…” Igii (assert) natin ang kapangyarihang (authority) nasa atin. God did not give that authority or dominion for nothing; para ito sa ating kapakinabangan. Huwag tayong patalo sa sinasabi ng kahirapan, kakulangan sa pinansyal, sakit o mga suliranin sa pamilya.
Ang takot at pag-aalala ang karaniwang dahilan upang hindi natin matanggap ang inilaan na ng Diyos para sa atin; hindi ito ang dapat mangibabaw. Bilang anak ng Diyos, taglay mo ang kapangyarihan sawatahin ito; kaya mong labanan ang mga ito (sa ating kaisipan) sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.. Use/exercise the God-given authority to overcome all negative thoughts. Huwag mong pakinggan o tanggapin ang sinasabi ng iyong situasyon o kalagayan (not so good circumstances in your life). Kontrahin/salungatin (go against) at sawayin/sansalain (rebuke) mo ito sa pamamagitan ng paghahayag (speaking/voicing it out) ng Salita ng Diyos. Ano ba ang sinasabi ng Salita ng Diyos patungkol sa kalagayan (standing) mo ngayon bilang anak ng Diyos?! Sino ka ayon sa Salita ng Diyos? Speak it out! Speak to your situation the promises of God! The Word says you are blessed because of Christ; you have His strength… His peace… His victory. “Greater is He that is in you than he that is in the world.” “With God nothing is impossible.” Believe and declare what the Word says. God’s Word is the final authority.
As you may notice, we always go back to the Word of God. Nakikita na ba natin ngayon kung gaano kahalaga ang pagbabasa at pagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos? Limitado ang maaari mong gawin (example: giving) kung limitado din ang pagkaunawa mo sa Kanyang Salita (i.e. kung ano ang buhay na naka-ugnay sa Diyos - your Source of everything). Ang Salita ng Diyos ay buhay at makapangyarihan; nakakapagpaguho ito ng mga kuta (mga kaisipang lumalaban sa karunungan ng Diyos). Binabago nito ang maling kaisipan at itinutuwid tayo sa mga likong gawain. The Word produces faith that is able to move mountains (defeat any situation in life). Continue to plant and nurture the Word in your heart.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Gaano na kalinaw sa iyo ang awtoridad o kapangyarihang taglay mo bilang mananampalataya? Ipatotoo kung paano mo ito nagagamit.