God's Transforming Grace

THE GOODNESS OF GOD (Kabutihan Ng Diyos)
Song by Bethel Music

(VERSE 1:)
Mahal kita,
walang hanggan ang iyong biyaya
Buong buhay, hawak mo sa yong kamay
Mula saking pag mulat,
hanggang sa pag Himbing
Awitin ko ang kabutihan ng Diyos
(CHORUS):
Ikay tapat sa habambuhay
Ikay mabuti magpakailan man
Hanggat ako ay nabubuhay
Awitin ko, ang kabutihan ng Diyos
(VERSE 2):
Ang tinig mo,
siyang gabay sa kasakitan
At nariyan ka
sa Gitna ng kadiliman
Ika'y aking kaibigan
O Diyos aking Ama
at ako'y buhay sa kabutihan ng Diyos
(BACK TO CHORUS)
(BRIDGE)
Kailan ma'y di mag babago ang kabutihan mo
Kailan may di mag babago ang kabutihan mo
Buong buhay ay i-aalay ko, lahat para sayo
Kailan may di mag babago ang kabutihan mo
Kailan may di mag babago ang kabutihan mo.
(BACK TO CHORUS) 

Exalt: “The Goodness of God (Ang Kabutihan Mo)”
Empower: Genesis 42-44; Ephesians 2:8-9; Philippians 4:13; Romans 6:4,12:2; 2 Cor. 3:18; Titus 2:11-12

God’s Transforming Grace: Joseph’s Brothers Guilt, Remorse &
Transformation

Sa panahon ng taggutom, inutusan ni Jacob ang mga kapatid ni Jose na magtungo sa Egipto upang bumili ng pagkain; hindi nila alam na ang gobernador ng Egipto na kanilang kinakauspap ay si Jose – ang kapatid nilang ibinenta noon bilang alipin. Agad silang nakilala ni Jose, ngunit hindi niya inihayag ang tunay niyang pagkakilanlan. Sinubok niya ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng pagsasabi na sila ay mga espiya. Matapos ang tatlong araw na inilagi nila sa kulungan, pinauwi niya ang kanyang mga kapatid, (maliban kay Simeon), upang dalhin si Benjamin, ang kanyang bunsong kapatid, bilang patunay ng kanilang katapatan. Sa kanilang pagbabalik sa Canaan, naguluhan at nagtaka sila nang makita nilang ibinalik ang kanilang salapi sa loob ng mga sako. Dito na nagsimulang maramdaman ng mga kapatid ni Jose ang matinding guilt or remorse (because of what they did to Joseph) at sinabi nila, “Mananagot tayo sa ginawa natin sa kapatid natin. Nakita natin ang paghihirap niya nang nagmamakaawa siya sa atin, pero hindi natin siya kinaawaan. Kaya ito ang dahilan kung bakit dumating ang mga paghihirap na ito sa atin (Genesis 42:21 ASND).” [Unawain natin na ang sinasabi nilang paghihirap (o pagsubok ni Jose sa kanila) na kanilang naranasan ay hindi galing sa Diyos (iyon ay kanilang sariling interpretasyon sa nangyayari sa kanila). Ito ay masasabing bunga o consequence ng kanilang ginawang pagkakasala.]

Matapos nilang makumbinsi ang kanilang ama na si Jacob, bumalik sila sa Egipto kasama si Benjamin. Muli silang sinubok ni Jose; ipinalagay niya ang kanyang personal na kopa sa sako ni Benjamin. Hindi pa man nakakalayo, hinabol sila ng mga inutusan ni Jose at sa kanilang paghahanap, nakita nila na ang kopa ay nasa sako ni Benjamin. Nang sabihing si Benjamin ay kailangang maging alipin, si Juda (who once suggested selling Joseph for profit) ay nagpakumbaba at nagsumamo sa siya na siya na lamang ang ipalit kay Bejamin. Ipinakita niya ang tunay na pagsisisi, pagmamalasakit at pagbabago ng kanilang mga puso. Hindi na sila katulad noon na walang pakialam kay Jose – ngayon, handa na silang mag-alay ng sarili alang-alang sa kapatid.

Ang bahagi ng kuwentong ito sa mga kapatid ni Jose ay nagpapaalala sa atin kung gaano kalawak ang biyaya ng Diyos. Walang nasirang ugnayan ang hindi kayang ayusin at buuin ng Diyos. God can heal wounds; a humble and contrite spirit is what He seeks to restore any broken relationships. God’s transforming grace is not only about forgiveness of sins or redemption, but daily life transformation. Nagsisimula ang pagbabago sa kalooban ng tao (heart). Binabago nito untiunti (gradually) ang ating mga hangarin, pag-iisip at kilos sa pamamagitan ng patuloy na pakikinig at pagbubulay sa Salita ng Diyos. God’s grace empowers us to live His purpose regardless of our past or present circumstances. His unmerited or unearned favor (grace) has the power to transform even the most hopeless lives. Inialay ni Cristo ang Kanyang buhay para sa lahat; kaya’t, ang biyaya ng Diyos ay para sa lahat; ito’y libre, walang bayad. Ito ang mabuting balita na kailangang marinig ng lahat ng taong nabubuhay sa mundo. May liwanag at pag-asa dahil may biyaya… may biyaya dahil may Cristo. Grace is a person; grace is Christ, living His
life through you.

Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Naranasan mo na ba ang pagbabagong dulot ng napakayamang biyaya (grace) ng Diyos? Paano lumalabas ang kapangyarihan nito mula sa iyong espiritu palabas (from the inside out)?
2. Paano ka maaaring maging instrumento ng kagandahang-loob o biyaya ng Diyos upang mapanumbalik ang kaugnayan ng ibang tao sa Diyos? 

Website Software
Free Web Hosting