Exalt: “What He’s Done”
Empower: Gen. 41:37-57; 2 Cor.5:17; Rom.12:2; Eph. 3:20
God’s Plan Unfolding: Joseph’s Rise to Power
Gayon na lamang ang paghanga ng Faraon sa karunungan at kaalaman ni Jose matapos niyang ipaliwanag ang kanyang panaginip at magbigay payo kung ano ang dapat gawin. At this point, we can see God’s plan and purpose in the life of Joseph unfolding (becoming clear). Ang mungkahi niya kung paano paghahandaan pitong taon ng tanggutom ay nagustuhan ng Faraon, sinabi niya “Wala na tayong makikita pang ibang tao na kagaya ni Jose na ginagabayan ng Espiritu ng Dios. (Genesis 41:38 ASND)” Dahil dito, ginawa siyang pangalawa sa pinakamataas na pinuno ng buong Egipto – may kapangyarihang pamahalaan ang buong bansa, maliban kay Faraon.
Tatlumpong taon si Jose nang siya ay magsimulang maglingkod sa Egipto. Sa loob ng pitong taon ng kasaganaan, masinop niyang tinipon at inimbak ang napakaraming pagkain. Napakarami ng trigong naipon ni Jose; parang kasing dami ng buhangin sa tabing-dagat. Itinigil na lang niya ang pagtatakal nito dahil hindi na ito makayanang takalin.(Gen.41:49 ASND) What an overflowing provision! Nang dumating ang taggutom, hindi lang ang Egipto kundi pati ang ibang bansa ay naapektuhan. Ang mga tao mula sa iba’t ibang panig ay pumupunta sa Egipto upang bumili ng pagkain kay Jose. Ginamit ng Diyos ang karunungan at katapatan ni Jose upang maligtas ang maraming tao, kabilang na ang kanyang pamilya sa mga susunod na kabanata.
Ang karanasan ni Jose ay larawan lamang ng mas dakilang plano ng Diyos na natupad kay Cristo. Sa pamamagitan ni Hesus, hindi lang pisikal na taggutom ang kayang tugunan ng Diyos kundi maging ang espiritual na uhaw sa puso ng tao. We are the beneficiaries of what He’s done on the cross Halleluiah! Marahil, sa loob ng labingtatlong taon (from slavery to prison), ang panaginip ni Jose ay tila natatakpan pa ng ulap dahil sa mga hindi magandang pangyayari sa kanyang buhay; subalit sa loob lamang ng isang saglit, siya na ang pangalawa sa pinakamataas na pinuno sa buong kaharian ng Egipto (from prison to palace). Hindi man kaagad nakita ni Jose ang katuparan ng mga panaginip niya, ang kanyang pananampalataya at katapatan sa Diyos ay hindi natinag ng mga kahirapang naranasan niya. At sa kabila ng kanyang pag-angat at tagumpay na nakamit, siya’y nanatiling mapagpakumbaba (humble) at may integridad.
Sa natural na kaisipan, hindi mo maiisip na ang dating alipin at dating bilanggo ay aangat sa pagiging gobernador ng isang makapangyarihang bansa. Imposible sa tao (unregenerated man), subalit posible sa Diyos. When God works, it is limitless! Kung ikaw na Kristiano ay may mabigat na pinagdadaanan, huwag kang mabuhay sa dati mong pagkatao, mabuhay ka kung sino ka ngayon sa espiritu. You are a new creation… you have a new identity in Christ… you have a new LIFE in Him! Whatever you are going through at the moment, see yourself as strong (not weak), rich (not poor), healed (not sick), and victorious (not a failure). Tumugon ka o kumilos ayon sa iyong bagong pagkakilanlan, hindi ayon sa iyong lumang pagkatao. Always remember who you are in Christ!
Ang buhay natin ngayon bilang Kristiyano ay may higit na layunin, kapangyarihan at direksyon mula sa Diyos. Hindi tayo sumusuntok sa hangin; may malinaw tayong nilalakaran at patutunguhan habang tayo’y nagpapasakop sa plano at layunin ng Diyos sa ating mga buhay. Purihin ang Diyos!
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Ano ang nagiging resulta kapag ikaw ay tumutugon (respond) sa anumang situasyon sa buhay ayon sa iyong:
(a) lumang pagkatao (old self);
(b) bagong pagkatao (new creation or new identity in Christ)?