Exalt: “Di Ka Nagkulang”
Empower: Ephesians 6:12,14-15; 1 Peter 5:8; 2 Cor.2:11, 10:3-5; 1 Cor.15:57; Romans 8:37, 12:2
Introduction: Positioning Ourselves with God’s Armor
Bakit napakahalaga sa isang Kristiyano na isuot ang buong kasuotang pandigma ng Diyos? Para saan ba ang bawat pananggalang? Gaano kahalaga na maunawaan natin ng lubusan ang kahulugan ng mga ito? Ang lahat ng ito’y bibigyan ng katugunan sa mga talakayin sa buong quarter na ito.
11Put on the whole armor of God, that you may be able to stand against the wiles of the devil...
14 Stand therefore, having girded your waist with truth, having put on the breastplate of righteousness, 15 and having shod your feet with the preparation of the gospel of peace; 16 above all, taking the shield of faith with which you will be able to quench all the fiery darts of the wicked one. 17 And take the helmet of salvation, and the sword of the Spirit, which is the word of God… (Ephesians 6:11,14-17 NKJV )
Malinaw sa mga talata na kailangan nating isuot ang buong baluti ng Diyos upang malabanan ang mga pakana (wiles) ng kaaway at manatiling nakatayo ng matatag. Marami ang makapagpapatunay na ang espiritual na labanan ay totoong nangyayari sa buhay ng mga mananampalataya. Spiritual battle/warfare is real. Araw-araw nahaharap tayo sa mga suliranin na bigla na lamang dumarating o situasyon na para bagang wala nang lalabasan (no way out), o kaya’y nakikita natin na parang wala ng pag-asa (hopeless case). Nothing could be further from the truth. However, kung hindi tayo nakahanda at wala tayong panlaban sa mga ito (hindi natin suot ang buong baluti ng Diyos), maaari tayong maisahan ng kaaway at madala sa mga ito. Nangangahulugan ba na maaari tayong matalo ng kaaway? Tandaan na ang tagumpay ay nasa atin na dahil sa tagumpay ni Cristo. Natalo na ni Hesus si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay at pagkabuhay na muli. In the spirit, we are already victorious. Ngunit salamat sa Dios dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo (1 Corinto 15:57 ASND)
Tagumpay na tayo (higit pa nga sa mananagumpay) dahil sa tagumpay ni Cristo; subalit, maaari mong hindi maranasan ang bunga ng tagumpay Niya (e.g. peace, joy, freedom, life in the spirit) kung hindi mo lubos na nauunawaan ang bunga ng Kanyang ginawa at hindi ka nabubuhay sa espiritu (i.e. ang kaisipan mo ay nakatuon sa mundo o sa iyong sariling gawa.)
Tayo’y inilarawan ni Pablo bilang mga sundalo na laging handang makipaglaban… taglay ang mga sandata sa pakikipagdigma. Nakikipagdigma tayo ayon sa perspektibo ng Kanyang biyaya (grace) at ito ay nababatay sa Kanyang tinapos na gawa (finished work of Christ on the cross). Tandaan, wala nang kapangyarihan ang Diablo His wiles/methods/ tactics are pure lies and deceptions. Ang pakana niya ay manlinlang sa pamamagitan ng paglalagay sa ating mga kaisipan ng mga kasinungalingan patungkol sa Diyos at kung sino tayo sa harapan Niya. The battle is in the mind. We are not fighting against Satan because he is already a defeated foe. Ang nilalabanan natin sa ating kaisipan ay ang kanyang mga kasinungalingan at panlililang (anumang kaisipan na hindi umaayon sa Salita ng Diyos). For though we walk in the flesh, we do not war according to the flesh. 4 For the weapons of our warfare are not carnal but mighty in God for pulling down strongholds, 5 casting down arguments and every high thing that exalts itself against the knowledge of God, bringing every thought into captivity to the obedience of Christ… (2 Cor. 10:3-5 NKJV)
Kaya’t napakahalaga na mabago ang ating kaisipan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Si Hesus ay dumating upang bigyan tayo ng ganap at kasiya-siyang buhay. Ito ang kalooban Niya, kaya tinuturuan Niya tayo kung paano mabuhay sa espiritu, manatili sa Kanyang Salita at mabuhay sa pananampalataya upang lubusan natin maranasan ang tagumpay ni Cristo. We are fighting from a position of victors; we are conquerors taking territory, not warriors fighting for victory. Halleluiah!
Elevate: Application/suggested question:
1. From 1 - 10 (10 being the highest), gaano ka ka-excited sa mga susunod na topics sa quarter na ito? Bakit?
Announcement:
CFSM Convention on December 28-30, 2023 @ Vista Verde Resort, Pulung Maragul, Angeles City