Exalt: “Goodness of God”
Empower: 1 Sam. 21:1-9; 30:3-8; Isa. 43:2;Psalms 56:3, 57:71 Cor. 10:13
Seasons of Adversities and Challenges (Panahon ng mga
Kahirapan/Kagipitan at Hamon)
Bago naging dakilang hari ng Israel si David, siya muna ay naging takas o pugante (fugitive). Matapos niyang magapi si Goliath at nagtagumpay sa mga labanan, biglang nagbago ang pagtingin at pakikitungo ni haring Saul sa kanya; ito’y dahil lamang sa inggit (jealousy). Nakita ni Saul na mas pinupuri at pinararangalan si David kaysa kanya dahil sa mga tagumpay niya sa pakikidigma.
‘Libu-libo ang napatay ni Saul, tig-sasampung libo naman ang kay David?’(1 Sam.18:7) Nakita din niya na pinapatnubayan ng Diyos si David, habang siya naman ay tinanggihan (rejected) na bilang hari. Para kay Saul, isang banta (threat) si David sa kanyang trono, ayaw niyang maalis ang paghahari sa Israel sa kanyang sambahayan, kaya gusto niyang mawala si David. Ilang beses niya itong tinangkang patayin sa pamamagitan ng sibat, o di kaya’y isuong sa mapanganib na labanan upang doon siya mamatay; subalit, laging nagtatagumpay si David sa mga labanan.
Sinubukan din ni Jonathan (David’s best friend) na pakiusapan ang kanyang amang si Saul na huwag gawan ng masama o papatayin si David; sa una’y tila umaayon at
nakikinig siya sa kanyang anak, pero kaagad ding nagbabago ang kanyang isip. To make the story short, nang matiyak ni Jonathan na talagang gustong patayin ng kanyang ama si David, sinabihan niya ito na lumayo na at tumakas. Saan unang pumunta si David? Sa Nob, sa ciudad ng mga pari, sa lugar kung saan nakatayo ang tabeknakulo o sanktuaryo ng Diyos. Why? To seek spiritual refuge; to inquire of the Lord. Alam ni David kung saan siya pupunta sa oras ng kagipitan - sa Presensiya ng Diyos - upang humingi ng gabay at patnubay. Ito’y kinumpirma ni Ahimelech nang tanungin at paratangan siya ni haring Saul (1 Samuel 22:15)
David saw the Lord as a very real help in times of trouble. Paulitulit na tumatakbo si David sa Diyos. Ikaw, kanino ka unang tumatakbo kapag ikaw ay nahihirapan? Where do you run to when you are in trouble… when you feel abandoned… when
you are weary? Minsan, napakadali nating tumakbo sa ibang tao o lugar upang maibsan ang kabigatan o kahirapang ating nararanasan; napakadali nating makumbinsi o maniwala sa ino-offer na kaparaanan ng mundo (methods/techniques/ ways of the secular world). Maaring makatulong ang mga ito, pero bakit hindi mo subukan ang ino-offer ng Salita ng Diyos – ang mga katotohanan (truths) kung sino ang Diyos sa buhay ng Kanyang mga anak. Maniwala ka lang kapatid.
Lahat ng maiisip nating kahirapan (adversities) ay naranasan ni David. Siya’y inusig, binantaan, nilait, pinaratangan (falsely accused), nalayo sa kanyang pamilya, kaibigan (Jonathan), asawa (Mical), at mentor (Samuel); nawala sa posisyon; siya’y pinagkanulo ng mga taong tinulungan niya (people of Keilah); at ito pa ang napakasakit para kay David: Sa 1 Samuel 30:3-6, matapos lusubin, sunugin ang kanilang bayan (Ziklag) at kunin ng mga Amalekites ang kanilang mga asawa, mga anak at lahat ng mga hayop, sinisi siya at planong pagbabatuhin ng kanyang mga sariling tauhan dahil sa sama ng loob. Subalit, sa kabila ng lahat ng ito, hindi sumuko si David. Instead, he strengthened (encouraged) himself in the Lord, his God. …Dumulog si David kay Yahweh na kanyang Diyos upang palakasin
ang kanyang loob (1 Samuel 30:7). David sought God’s guidance (through the ephod; the Word in our present time), pursued the Amalekites, and recovered everyone and everything.
David acknowledged God as His refuge and strength; in hiding, he found a true hiding place - God Himself. Kung naranasan ni David ang kabutihan ng Diyos, tayo pa kaya na binili ng dugo ni Cristo, tinubos sa kasalanan at ginawang karapat-dapat
upang manahan sa atin ang Presensiya Niya ng pang-walang hanggan? Halleluiah! Tagumpay!
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Give ways on how you strengthen yourself in the Lord