Exalt: “I Give You My Heart”
Empower: Colossian 2:13-14;3:15; 2 Cor. 5:17; Eph. 6:14-17
Know Who You Are and What You Got
Ano nga ba ang bentahe (advantage) kapag alam kung sino ka at kung anong mayroon ka bilang isang Kristiyano? Paano nito mababago ang ating pananaw sa ating mga kinakaharap na hamon sa buhay o kung paano natin pinapatakbo ang ating buhay? Upang patuloy na maranasan ang tagumpay ni Cristo, hindi sapat na kilala lamang natin ang ating kaaway at ang kanyang mga pakana, kailangan din kilalang-kilala natin kung sino na tayo ngayon at anong mga taglay natin bilang na kay Cristo.
Dating patay (hiwalay sa Diyos), ngunit ngayo’y buhay dahil kay Cristo (connected with God); naisilang na muli at ngayo’y anak na ng Diyos at tagapagmanang kasama ni Cristo; isa ng bagong nilalang (new creation) taglay ang bagong buhay (the life of Christ); pinatawad at malaya na sa kasalanan at kamatayan dahil binayaran na ito ng dugo ni Cristo; ang kapangyarihan (dominion and authority) ay naibalik na; ang nawalang pagkakilanlan (lost identiy) ay naibalik din. Our identity now (in the spirit) is in Christ; our past identity (old self/nature) is no long applicable. In the spirit we are blessed, righteous, holy, glorious, victorious/triumphant, full of love, joy and peace, healthy, prosperous, and so on and so forth. Isa-isa nating isaisip at pagbulayan ang lahat ng ito; declare them everyday… upang mabuksan ang ating mga mata (puso at kaisipan) kung gaano kahalaga ang ginawa ni Cristo sa ating mga buhay… kung gaano kalaki ang ipinamalas na pag-ibig at biyaya ng Diyos in spite of our unworthiness (as sinners).
Marami pa tayong maaaring sabihin kung sino na tayo ngayon kay Cristo, subalit kung hindi natin makikita ang ating mga sarili kung paano tayo nakikita ng Diyos ngayon, mananatili tayong mabubuhay sa pamamaraang alam natin o dating sistema ng ating buhay. Ligtas ka, yes, at anak ka pa rin ng Diyos, subalit hindi mo lubos na mararanasan ang matagumpay na buhay na inilaan ni Cristo habang tayo’y nabubuhay sa mundo.
Consequently, ang kawalan ng kaalaman tungkol sa pagkakakilanlan mo ngayon (your identity in Christ) ay maaaring magdulot ng kalituhan o kaguluhan sa kaisipan (confusion), pagkadismaya at sa kinalaunan ay pag-aalinlangan (doubt or unbelief). That’s why we are commanded to put on the whole armor of God so we may be able to stand against the wiles of the enemy. Ang mga katotohanan kung ano ang ginawa ni Cristo sa ating mga buhay ay suot-suot natin araw-araw upang hindi manaig ang kasinungalin, panunukso o panlilinlang ng kaaway.
Totoo na ang ating kaluluwa at katawan ay hindi pa ganap habang nabubuhay tayo dito sa mundo [but, shall be put into perfection in the future at the second coming of Christ]; nakakaramdam pa tayo ng lungkot, takot at pag-aalalala (in our soulish being) dulot ng mga pangyayari dito sa mundo; at nakakaramdam pa tayo ng sakit o karamdaman (in the physical), subalit, maaari tayong humugot ng lakas at sigla mula sa ating espiritu upang mapagtagumpayan ang lahat ng mga ito. In fact, ang lahat ng kailangan natin sa buhay na ito ay taglay na natin sa ating espiritu. Kung di mo pa ito nauunawaan, take time to meditate on these truths.
Knowing who you are and what you got gives you the courage and confidence (Christ’s confidence) to move forward and face the challenges that come your way. Kaya mong humakbang sa buhay ng may pananampalataya at harapin ang anumang hadlang o balakid upang maisakatuparan mo ang layunin ng Diyos kung bakit ka Niya tinawag. Surely, goodness and mercy shall follow you all the days of your life!
Elevate: Application/suggested question:
1. May mga sandali o pagkakataon ba na nakakalimutan mo kung sino ka na ngayon at anong mayroon ka, dahilan upang madaig ka ng mga bagay na nakikita o naririnig mo sa panlabas na nagdudulot ng kalungkutan, takot o pag-aalala? Ibahagi.
Annoucement:
Ø CFSM Convention on December 28-30, 2023 @ Vista Verde Resort, Pulung Maragul, Angeles City