Exalt: “Beautiful Savior”
Empower: Gen.3:15; Romans 5:8;1 John 4:9-10; Rom. 3:23-25
Jesus, the Image of the Invisible God
Colossians 1:15 He is the image of the invisible God, the firstborn over all creation (NKJV).
Image (Gk “eikon”) means “likeness, representation, resemblance.” Ang Diyos ay Espiritu, mahihirapan ang tao na makilala Siya sa pamamagitan ng kanyang natural senses. Subalit, sa pamamagitan ni Hesus (na nagkatawang-tao), nagkaroon ng daan upang makilala natin ng lubusan ang Diyos; for the invisible God became visible to us. Bagamat noong una, nagpakilala ang Diyos sa pamamagitan ng mga propeta, subalit ngayon, pinili ng Diyos na makilala Siya ng tao sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesus (Heb. 1:1). Ang sinumang nakakita kay Hesus ay nakakita na rin sa Ama (John 14:9). Si Hesus ang siyang kumatawan kung sino ang Diyos… kung ano ang Kanyang kalikasan (not in the physical, but spiritual), persona, karakter, at mga gawa. Sa kanya makikita ang nagniningning na kadakilaan ng Dios, at kung ano ang Dios ay ganoon din siya (Heb. 1:3a). […Who being the brightness of His glory and the express image of His person (NKJV]
Sa pamamagitan ni Hesus, nasasalamin kung ano ang nasa puso ng Diyos, at ito ay ang malalim na pag-ibig Niya sa lahat ng tao. Jesus is the expression of God’s love. Ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos; kaya’t kaparusahan ang nararapat sa lahat (Rom.3:23;6:23). Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin (Roma 5:8 ASND). Ang mamatay para sa isang mabuting tao ay madaling maintindihan; subalit ang mamatay o magbigay ng kanyang buhay para sa isang taong makasalanan ay isang bagay na mauunawaan lamang sa pamamagitan ng pang-unawa sa kagandahang-loob o biyaya(grace) ng Diyos. By God’s grace, everyone has been given an opportunity to be saved. Noon pa man, nasa puso na ng Diyos na iligtas ang tao… ang tao na nalikha ayon sa Kanyang sariling larawan at wangis at hiningahan Niya ng Kanyang buhay. God breathed life into man; that’s why man is God’s portion (and God is man’s portion). Ang tao ay bahagi ng Diyos; kaya’t noong nagkasala ang tao, hindi gumawa ang Diyos ng panibagong Adan at Eba, kundi, nangako Siya ng Tagapagligtas. Hindi Niya kayang itapon o alisin (annihilate) na lang ang tao sa mundo; para na rin Niyang itinakwil ang Kanyang Sarili (bahagi) kapag ginawa Niya iyon. Ganoon Niya kamahal at ganoon kahalaga ang tao na Kanyang nilkha at binigyan ng buhay (to be in fellowship with God for eternity). Man, through sin (unbelief), lost that life (communion/fellowship with God). But through Jesus, that life was restored. Sinasabi sa Kasulatan, “Ang unang tao na si Adan ay binigyan ng buhay.” Ngunit ang huling Adan na si Cristo ay espiritung nagbibigay-buhay (1 Cor. 15:45 ASND).
Ang sinumang manalig kay Hesus ay may buhay na walanghanggan. Siya ang nagbibigay-buhay. Dito makikita na si Hesus ay hindi lamang tao, kundi Diyos; dahil Diyos lamang ang maaaring magbigay ng buhay. He is not only the express image of God; but He Himself is God manifest in the flesh. Siya at ang Ama ay iisa; lahat ng nasa Diyos ay nasa Kanya. For in Him dwells all the fullness of the Godhead bodily (Col.2:9 NKJV). Kaya’t kung ang Espiritu ni Hesus ay sumasaatin, ang Diyos ay sumasaatin. Sino ba ang tao para panahanan ng Diyos? But God chose to dwell in us through His Spirit because we are valuable to Him; He loves us so much! Therefore, let us continually desire to know Him experientially. Na kay Hesus ang lahat ng kailangan natin dito sa mundo. Nasain natin na maranasan ang buhay na nilayon ng Diyos para sa bawat isa sa atin.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Jesus is the image of the invisible God. Paano pinatitibay ng katotohanang ito ang iyong pagkakilala sa Diyos?