Exalt: “Salita Mo”
Empower: John 1:1-14; Hebrews 4:12; John 6:63
Jesus, the Eternal Word
Juan 1:1 Nang pasimula, naroon na ang tinatawag na Salita. Ang Salita ay kasama ng Dios at ang Salita ay Dios. (ASND) Juan 1:14 - Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin.(ASND)
Sa panimulang mga talata (prologue) pa lang ng Gospel of John, ipinakilala na ni Juan (John, the Beloved) kung sino si Hesus, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, bago pa man niya isinalaysay ang naging buhay Niya at ang lahat ng Kanyang ginawa (e.g. healings, miracles, teachings), gayundin ang pag-aalay Niya ng Kanyang buhay sa krus at pagkabuhay na muli. John had witnessed all of these and
now testifying the truth that Jesus is the Word that brings light and life to the world. Gayunpaman, hindi Siya tinanggap ng sarili Niyang mga kababayan; “ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa Kanya ay binigyan Niya ng karapatang maging anak ng Diyos” (Juan 1:12 ASND).
Sa pamamagitan ng pagkasi ng Banal na Espiritu, inihayag ni Juan (the Beloved) na si Hesus, ang Salita, ay naroon na sa pasimula pa lang. Jesus is self-existent God; He is Eternal. Ito’y pinatotohanan din ni Juan Baustista na nagsabing mas nauna si Hesus sa kanya (John 1:15b) [Note that John, the Baptist was about 6 months older than Jesus.] Sa pamamagitan ni Hesus, ang Salita, nalikha ang lahat ng bagay (i.e. the heavens and the earth and all created beings). Jesus, was the spoken word of God (the Father) during creation time [e.g. “And God said…”(Genesis 1:3,6,9,11,14, 20,24,26). Ang Diyos ay Espiritu, hindi nakikita; subalit, sa pamamagitan ng Salita (Gk.‘logos’- denotes an expression of the thoughts), lumitaw ang iba’t-ibang nilalang sa mundo. Those that were spiritual (i.e. the thoughts and plan of God) were manifested in the physical realm through the Word.
“The Word was with God” – Hindi lamang binigyan ng distinction ni Juan si Hesus sa Diyos Ama (Jesus as another person); kundi, in-identify din niya na si Hesus ay Diyos - “…the Word was God.” He revealed Jesus as God (Gk. ‘Theos’) in the flesh. Ang Diyos ay nagkatawang-tao na may isang layunin - upang mamuhay sa piling ng tao (to have fellowship with men) at makasama o makaugnayan ito magpakailanman. Personal na naranasan ni Juan ang kaluwalhatian ni Hesus (the Begotten of the Father, which according to John is “full of grace and truth” (John 1:14), kaya buong kompiyansa niyang ipinapatotoo na si Hesus ang Salitang nagbibigay-buhay at liwanag ng sanlibutan. The Word became flesh; that which was spiritual manifested in the physical realm. Gayundin naman, ang buhay at makapangyarihang Salita ng Diyos (Hebrews 4:12) ay maaaring maranasan ng bawat mananampalataya kung ito paniniwalaan at laging sasalitain (express the revelation you received from the Spirit who Jesus is and continue to declare His words in faith). Ang Salita na espiritu at nagbibigay-buhay (John 6:63), ay maaaring mag-manifests o makita in the physical world. Ang itinatanim at inaalagaan nating Salita ng Diyos (o pagkakilala kung sino si Hesus) sa ating mga puso ay tiyak na mamumunga (automatically). Ang bunga ay hindi pinipilit; ito’y kusang lumalabas. Patuloy nating ihayag sa ating mga labi ang mga Salitang naitanim sa ating mga puso ng may pananampalataya. We believe and therefore we speak. Use the authority that is in the Word. Speak Jesus. Speak life to the people around you.
Si Hesus ang Salita. Jesus is the Message of the Bible from Genesis to Revelation; He is God’s message of love to all mankind.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Sa gitna ng kadiliman sa mundo, paano nagiging totoo sa iyong personal na buhay ang liwanag (wisdom, guidance, direction) na ibinibigay ng Salita?