Exalt: “It is Well”
Empower: 1 Samuel 16: Ecclesiastes 3:1,11a; Psalm 42:1, 63:1; Proverbs 16:3, 21:5a; Luke 2:52;10:40
Preparation/Planning for Every Season
[*Basahin ang buong kabanata ng 1 Samuel 16]. Ating tignan ang background sa unang yugto ng buhay ni David bilang isang pastol at musikero. Si David ay bunso sa walong anak na lalaki ni Jesse na mula sa lipi ni Juda. Ang kanyang mga kapatid ay kasama sa hukbo ni Haring Saul, habang si David ay tagapag-alaga ng mga tupa ng kanilang ama. Sa kanyang simpleng buhay bilang pastol, natutunan ni David na magtiwala sa Diyos na nagbigay ng tapang sa kanya sa oras ng panganib. Naging tapat din si David sa maliit na bagay na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanya; bilang pastol, pinrotektahan niya ang kanyang mga tupa. Bukod sa pagiging pastol, siya rin ay magaling sa pagtugtog ng alpa (at pagsusulat ng mga psalmo); David was a worshipper of God. Sa katahimikan sa parang, siya’y nagpupuri at sumasamba sa Diyos.
Nang inayawan (rejected) na ng Diyos si Haring Saul bilang hari dahil sa kanyang sunod-sunod na pagsuway, inutusan Niya si Samuel na pahiran ng langis ang kanyang bagong piniling hari, at iyon ay si David. Pinahiran siya hindi dahil sa anyo kundi sa puro niyang maka-Diyos. Umalis ang Espiritu ng Diyos kay Saul at ito’y napasa kay David. Mula noon, gayon na lamang ang depression o dalamhati na naramdaman ni Haring Saul. Iminungkahi ng mga lingkod nI niya na kumuha siya ng isang magaling na tumugtog ng alpa upang maibsan ang kanyang pakiramdam. Iminungkahi nila si David. Si David ay inilarawan bilang isang magiting na mandirigma, mahusay magsalita, kaaya-ayang tignan at ang Panginoon ay sumasakanya. Nagustuhan ni Haring Saul si David at ginawang tagapagdala ng kanyang baluti (armas). Si David ay pumapasok at lumalabas mula sa palasyo pabalik sa kanyang mga tupa.
Sa bawat yugto o panahon ng kanyang buhay makikita ang laging pananabik niya sa presensya ng Diyos. “O Dios, kayo ang aking Dios. Hinahanap-hanap ko kayo. Nananabik ako sa inyo nang buong pusoʼt kaluluwa, na tulad ng lupang tigang sa ulan” (Psalm 63:1 ASND). Anumang abilidad o kakayahan (skill) na mayroon si David (bilang pastol, musikero, sundalo, hari) ay nag-ugat sa malalim niyang kaugnayan sa Diyos. Handa siyang makinig at sumunod sa direkyon at layunin ng Diyos sa kanyang buhay.
Gayundin naman, sa ganitong panahon (for such a time as this), inihahanda ng Diyos ang bawat isa sa atin para maisagawa ang dakilang layunin Niya; at ang mahalaga sa anumang paghahanda ay ang ating puso. Ang hinahangad natin ay isang mas malalim at mas matalik na ugnayan sa Kanya. Ang ninanasa natin ay masunod ang Kanyang kalooban at layunin. Habang patuloy na nakatuon ang ating
isipan sa Kanya at tayo’y nagpapasakop sa Kanyang Salita, naihahanda din ang ating mga puso. Ang puso ang tinitignan ng Diyos (1 Samuel 16:7b), hindi ang anumang kakayahan, talento o natural na mga abilidad na mayroon tayo. [Note: God is not against or opposed to our talents or natural abilities; but above all, He looks at the heart.] God has given us the power to fulfill His purpose that goes beyond our talents or abilities. Hindi Niya ibibgay ang isang layunin na walang kaakibat na kapangyarihan o kakayahan. Magpatuloy lamang tayo, huwag tayong huminto. Manatili tayo sa takbuhin ng ating buhay habang sinusunod ang kalooban at layunin ng Diyos. Makinig tayo sa paanan ni Hesus; ito ang pinakamainam o pinakamabuti na dapat nating gawin bilang paghahanda.
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Naniniwala ka ba na higit na mahalaga sa Diyos ang kahandaan ng iyong puso kaysa sa iyong anyo o kakayahan? Elaborate.
2. Anong bahagi ng iyong puso (kalooban) ang patuloy na binabago o hinuhubog ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita?