Exalt: “Here I am to Worship”
Empower: John 1:16; 2 Peter 3:18 [Hebrews 1:1-2, 7:26; 2 Cor. 6:16; Romans 3:22; John 6:35] Hebrews 11:1, 12:2
Grace upon Grace
John 1:16-17 - 16 And of His fullness we have all received, and grace for grace. 17 For the law was given through Moses, but grace and truth came through Jesus Christ.(NKJV). Upang ating lubusan na maunawaan ang "biyaya" ng Diyos kailangan nating makita ang kapuspusan (fullness) at kaganapan (completion) nito kay Cristo. The grace revealed in Christ is the full and final expression of God's grace.
Sa Lumang Tipan o Kasunduan (Old Covenant), mapapansin na ang “biyaya”(God’s grace/loving-favor) ay naipapakita sa panlabas (external; outward provisions and interventions) katulad ng: pagligtas ng Diyos sa Israel mula sa Egypto, ang pagpili sa Israel at pagbibigay sa Kautusan, ang pagsugo sa mga pari o propeta upang gabayan ang Israel, ang pagkakaloob ng manna mula sa kalangitan, at ang presensya Niya na lumalagi (temporarily) sa tabernakulo o templo.
Gayunpaman, bagamat nakinabang sila sa kagandahang- loob ng Diyos (partially) sa ilalim ng Lumang Tipan, hindi nito nabago ang kanilang mga puso. God’s revelation of grace in the Old Covenant was limited and temporary. Ang mga nakasaad sa Kautusan ay mga anino (shadows or symbols) lamang sa isang darating na maghahayag ng lubusan sa “biyaya” ng Diyos.
Noon, hindi pa nila naranasan ang panloob na realidad na ngayo’y nararanasan nating mga mananampalataya kay Cristo. Kay Cristo nahayag ang kapuspusan at kaganapan ng biyaya ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan. We, Christians, have entered into the fullness of His grace!
Grace in the New Covenant is internal. Through Christ, God’s grace now works from inside out. God’s grace produces transformation from within. Mayroon na tayong bagong puso at bagong espiritu, dahil sa Espiritu ng Diyos (ni Cristo) na nananahan sa atin permanently. Jesus Christ personifies grace; grace is Christ (God) Himself! Kaya ang biyaya Niya ay lubos lubos (more than sufficient), labis-labis (abundant) at tuloy-tuloy (continuous) – grace after grace... favor upon favor... supply after supply... goodness upon goodness1 Halleluiah!
The believer never runs out of God’s provision because Christ Himself is full of grace. We continually receive from His fullness sustaining grace, comforting grace and empowering grace. Habang patuloy nating kinikilala (pinaniniwalaan) ang biyaya o pabor na nasa atin na, nahahayag ang karunungan, kapangyarihan at kakayahang kalakip nito, upang ating maisakatuparan ang kalooban at layunin ng Diyos sa bawat buhay natin. Hinding-hindi tayo magkukulang o mauubusan ng pabor ng Diyos; Siya’y laging mabuti, mabait at mapagmahal na Diyos. Ang kailangan lang ay patuloy tayong lumago sa biyaya at pagkakilala kay Cristo. “Sa halip, lumago kayo sa biyaya ng Dios at sa pagkakakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Purihin siya ngayon at magpakailanman! Amen.” (2 Peter 3:18 ASND)
Elevate: Application Questions:
1. May mga pagkakataon ba na parang ikaw ay nakapailalim sa Lumang Kasunduan o Tipan (Old Covenant) dahil nakaasa ka sa panlabas (external) na
tuntunin o tulong kaysa sa panloob ng gabay ng Espiritu?
2. Paano naapektuhan ng pang-unawa mo sa biyaya ng Diyos ang pananaw mo ang kasapatan (sufficiency) ng
Diyos sa lahat ng iyong pangangailangan?