The Seasons of Life

A PURE HEART
Lyrics and Music by City Harvest Church

A pure heart
That’s what I long for
A heart that follows hard after thee
A pure heart
That’s what I long for
A heart that follows hard after thee
A heart that hides Your Word
So that sin may not come in
A heart that’s undivided
But one who rules and reigns
A heart that beats compassion
That pleases You, my Lord
A sweet aroma of worship
That rises to Your throne
A pure heart
That’s what I long for
A heart that follows hard after thee
A pure heart
That’s what I long for
A heart that follows hard after thee
A heart that hides Your Word
So that sin may not come in
A heart that’s undivided
But one who rules and reigns
A heart that beats compassion
That pleases You, my Lord
A sweet aroma of worship
That rises to Your throne

Exalt: “A Pure Heart”
Empower: Genesis 8:22; Jeremiah 8:7; Isaiah 55:10-11; 1 Cor. 1:9;
Ephesians 5:2; 6:1; 1 Chronicles 28:20: Matthew 5:14; Hebrews 12:1

Introduction: The Seasons of Life
“While the earth remains, seedtime and harvest, cold and heat, winter and summer, and day and night shall not cease (Genesis 8:22 NKJV).” Nilikha ng Diyos ang mundo ng may kaayusan; ang batas ng kalikasan ay nasusunod at nagpapatuloy: may panahon ng pagtatanim at pag-ani; may panahon ng taglamig at tag-init; may panahon ng tag-ulan at tag-araw at may araw at may gabi (Genesis 8:22). The balance in nature (climatic cycles) ensures sustainability and allows life to rest and renew (recover). Ipinapakita nito ang patuloy at di nagbabagong katapatan at probisyon ng Diyos hindi lamang sa mga halaman at mga hayop, kundi higit sa tao na Kanyang espesyal na nilikha.

Ang iba’t ibang panahon sa mundo (earth) ay sumasalamin sa iba’t ibang yugto at panahon sa buhay ng tao (seasons of life). Seasons on earth represent life’s stages or truths. May mga panahon ng pagpapasimula (childhood), paghahanda (youth), paglago (adulthood); may panahon ng pagtatanim ng binhi at pag-ani; may panahon ng kapayapaan at kagakalan. Subalit, dahil tayo ay nabubuhay sa mundo (na sinira ng kasalanan), may mga panahon din ng labanan, kaguluhan, kawalan at pagdadalamhati. Subalit, makatitiyak tayo (to us believers) na sa lahat ng mga panahong ito, sa anumang yugto at kalagayan ng buhay, kasama natin ang Diyos; hindi Niya tayo iniiwan at pinababayaan! Iyan ang Kanyang pangako na hindi magbabago kailanman! Halleluiah!

Isa pang nakamamangha sa mga nilikha ng Diyos ay ang direkyon ng mga ibon sa himpapawid. Nalalaman ng tagak, ng kalapati at ng langay-langayan kung kailan sila lilipad patungo sa ibang lugar at kung kailan sila babalik, pero kayong mga hinirang ko ay hindi alam ang aking mga tuntunin (Jeremiah 8:7 ASND). Nakakakilos ang mga ibon (migratory birds) ayon sa itinakdang panahon ng Diyos; alam nila kung kailan lilipad at kung kailan babalik. In contrast, hindi alam ng tao ang tuntunin at direksyon ng Diyos sa kanyang buhay. In particular, ang mga hinirang (Israel) - na may Salita ng Diyos, may utos at gabay – ay patuloy na sumusuway sa Diyos. Sa kabila ng ipinakitang kabutihan ng Diyos sa kanila, sila’y naging bulag at ang puso nila ay pinatigas ng kawalan ng pananampalataya.

Sa aklat ni Isaias, pinaaalala sa atin ng Diyos na may layunin at bunga ang bawat Salita Niya. “gayun din ang aking mga Salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan… (Isaiah 55:11)” Tulad ng ulan na nagbibigay-buhay, ang Salita ng Diyos ay may tiyak na layunin at bunga. Kapag sinabi Niya, tiyak na may mangyayari. 

Spiritually, karamihan sa atin ngayon ay nasa panahon ng pagtatanim at paglago; patuloy nating itanim at alagaan ang Salita ng Diyos sa ating mga puso; hindi natin mamamalayan na ito pala ay lumalago sa loob at malapit ng mamunga. Hindi man madalian, subalit ito’y tiyak na mamumunga sa tamang kapanahunan. Huwag tayong manghinawa at mawalan ng pag-asa dahil sa mga nararanasan sa buhay. Sa anumang panahon (stage/season of life), binigyan tayo ng Diyos ng lahat ng kakailanganin natin (Holy Spirit, Word/His promises, authority/power) upang mabuhay sa liwanag at tagumpay ng Diyos. Kasama natin ang Kanyang Presenya sa lahat ng yugto at panahon ng ating buhay; patuloy tayong makipagugnayan sa Kanya at lumakad sa pag-ibig Niya. Tandaan, sa bawat yugto (stages/phases) o panahon (seasons), may layunin ang Diyos sa buhay mo. Maging bukas ang puso mo at makinig sa direkyon Niya. Posible na ang pag-ibig, kapayapaan at kagalakan ay mararanasan sa bawat panahon (good or bad); magtiwala ka lamang sa Diyos.

Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Sagutin: “What season of life am I in right now?” (“Anong yugto o panahon ng buhay ang kinalalagyan ko ngayon? Ano ang itinuturo nito sa akin ayon sa Salita ng Diyos?”

AI Website Builder
Free Web Hosting