What to Do ins a Crisis Situation

STILL
Song By Hillsong Worship

Hide me now
Under Your wings
Cover me
Within Your mighty hand
When the oceans rise and thunders roar
I will soar with You above the storm
Father, You are King over the flood
I will be still, know You are God
Find rest, my soul
In Christ alone
Know His power
In quietness and trust
When the oceans rise and thunders roar
I will soar with You above the storm
Father, You are king over the flood
I will be still, know You are God
When the oceans rise and thunders roar
I will soar with You above the storm (oh, I will)
Father, You are king over the flood
And I will be still, know You are God
My God, Lord yeah
My God, Lord
Oh, You are my God
My God, my God, yeah
Oh Jesus
Oh Jesus, oh Jesus
Oh Jesus
Oh Lord

Exalt: “Still”
Empower: Esther 4:1-14

What to Do in a Crisis Situation
Imagine the situation of Mordecai and all the Jews: ang lahi nila ay nanganganib na maubos sa isang araw (13th day of Adar); silang lahat ay papatayin; walang ititirang buhay. Extermination or annihilation in the hands of Haman: ito ang matinding krisis na kanilang kinakaharap. Ang utos o batas ng Hari ay nagawa na at hindi na ito mapapalitan (cannot be reversed). Tiyak na nang mabalitaan ng mga Judio ang masamang balitang ito, marami sa kanila ang natakot ng lubos, nag-panic kung ano ang kanilang gagawin at may mga nawalan na ng pag-asa; marami ang nalito at naguluhan. Pero mayron din sa kanila na nakakita pa rin ng liwanag… ng pag-asa na sila ay ililigtas. Ang mga Judio sa bawat probinsya ay nagsipag-ayuno, nag-iyakan ng napakalakas, at nanaghoy. Marami sa kanila ang nagsuot ng sako at humiga sa abo. For some Jews, this act or response to their situation could mean fear and hopelessness; but for others, it could also be an expression of humility, repentance and hope that God was going to save them.

Bilang mananampalataya, ano ang mga responses mo sa mga crises na dumarating sa buhay? Iba-iba ang krisis na maaaring kaharapin sa mundong ito (fallen world): maaaring krisis sa pinansyal (financial crisis), sa kalusugan (health challenges), o sa kaugnayan (relational crisis). Totoo na hindi madali ang may pinagdadaanang krisis sa buhay, Sa iba, katulad ng mga Judio maaaring takot, kabalisahan o pagaalala ang dulot nito. Subalit, sa mga Kristiyanong nakatanggap ng kapahayagan kung sino ang Diyos sa kanilang buhay at lubos na nauunawaan ang ginawa ni Cristo sa krus, may nakikita silang liwanag o pag-asa sa anumang krisis o anumang pinagdadaanan nila. Nakikita (envision) nila ang tagumpay sa bawat situwasyon; nakikita ang magandang kahihinatnan ng bawat suliranin o problema na kinakaharap; dahil ang pananampalata nila ay hindi nakasalalay sa kanilang sarili, kundi kay Cristo! Kapatid, si Cristo ang ating Tagumpay! Halleluiah!

Bagamat ang kalagayan ng mga Judio ay nagdulot ng labis na kalungkutan at pagluluksa kay Mordecai (na kaniya ring ipinakita sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit pangluksa at paglalagay ng abo sa ulo), may pag-asa siyang natanaw sa araw-araw niyang pagpunta sa labas ng pintuan ng palasyo (wearing an inappropriate clothing was not allowed inside the palace). Marahil sa isip niya ay may maitutulong si Reyna Ester dahil sa kaniyang posisyon sa palasyo. Nagpahatid siya ng mensahe kay Reyna Ester (sa pamamagitan ni Hatak, isa sa mga eunukong nag-aakikaso sa kanya) upang tulungan siya at ang kanilang mga kapwa Judio sa kamay ni Haman, kalakip ang sulat mula sa Hari na ipinadala sa iba’t ibang probinsya. Nang makarating kay Reyna Ester ang masamang balitang ito at pakay ni Mordecai, ang unang naging reaksyon niya ay takot; ipinasabi niya kay Mordecai na ayon sa batas, sinumang lalapit sa hari sa loob ng bulwagan na hindi ipinapatawag ay papatayin, maliban na lang kung ituturo niya ang kanyang gintong setro (golden scepter) sa kanya. At ito ang tugon ni Mordecai sa kaniyang sinabi: “Huwag mong aakalaing dahil nakatira ka sa palasyo ay ikaw lamang ang makakaligtas sa lahat ng mga Judio. 14 Kapag ipinagwalang-bahala mo ang pangyayaring ito, tiyak na may magliligtas din sa mga Judio, ngunit malilipol ka at ang iyong angkan. Anong malay mo? Baka nga napunta ka riyan para maging kasangkapan sa ganitong pagkakataon! (Esther 4:13-14)

Nasaan ka ngayon? Ano man ang iyong estado sa buhay, bata ka man o matanda, anuman ang iyong posisyon sa trabaho, tinawag ka ng Diyos upang maging patotoo (witness) sa naranasan mong biyaya at pag-ibig ng Diyos at ihayag ang Mabuting Balita. May layunin ang Diyos saan ka man naroroon; maging sensitibo ka sa kanyang gabay; alamin mo ang layunin Niya; you are there for a reason.

Elevate: Application/Suggested Question:
1. Batay sa lebel ng iyong pagkakilala o relasyon sa Diyos, paano mo hinaharap ngayon ang mga krisis sa buhay? Nakikita ba ang tatlong ito: trusting God, being courageous and acting in faith?

Drag and Drop Website Builder
Free Web Hosting