Pride Leads to Anger and Hatred

DAKILANG KATAPATAN
Song By PAPURI

Sadyang kay buti ng ating Panginoon
Magtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila ng aking pagkukulang
Biyaya nya’y patuloy na laan
Katulad ng pagsinag ng gintong araw
Patuloy syang nagbibigay tanglaw
Kaya sa puso ko’t damdamin
Katapatan nya’y aking pupurihin
Dakila ka oh Dios tapat ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man
Maaasahan kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay
Kaya Diyos aking pupurihin
Sa buong mundo aking aawitin
Dakila ang iyong katapatan
Pag-ibig mo'y walang hangan
Dakila ka oh Diyos tapat ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man
Maaasahan kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay
Ah
Dakila ka o Diyos sa habang panahon
Katapatan mo'y matibay na sandigan
Sa bawat pighati tagumpay man ay naroon
Daluyan ng pag-asa kung
Kailanga'y hinahon
Pag-ibig mong alay sa'min
Noon hanggang ngayon
Dakila ka
O Diyos

Exalt: “Dakilang Katapatan”
Empower: Esther 3:1-15

PRIDE leads to Anger and Hatred
Si Haman, na isang Agagite (descendant of Agag, the king of the Amalekites at the time of King Saul) ay isang mataas na opisyales, makapangyarihan at ma-impluwensyang tao sa kaharian ng Persia. But, he was an ungodly man; his thoughts and schemes were evil.

Ang pagpaparangal na binigay ni Haring Xerxes kay Haman sa pamamagitan ng pagtatalaga sa kanya bilang pinakamataas na pinuno kalakip ang utos na ang lahat ng mga opisyal o pinuno ay dapat yumukod (bow or kneel down) sa kanya ay malinaw na nagpalaki sa kanyang kayabangan (pride). Ito’y makikita sa kanyang naging reaksyon at desisyon nang si Mordecai, na isa na ring pinuno sa panahong iyon, ay hindi yumuyukod o nagbibigaygalang sa kanya tuwing dumaraan siya. Ito’y labis na ikinagalit ni Haman, lalo na’t nang malaman niya (dahil sa sumbong ng ibang mga pinuno) na si Mordecai ay isang Judio. [Note: ang mga Amalekites ay kalaban ng mga Judio noon pa mang una. Dahil sa kanilang labis na kasamaan, iniutos ng Diyos kay Haring Saul sa 1 Samuel 15 na puksain lahat ang mga Amalekites; subalit, malinaw na hindi ito sinunod ni Haring Saul; kaya nandyan si Haman]

Dahil sa labis na galit at pagkamuhi kay Mordecai at sa mga Judio, si Haman ay gumawa ng masamang plano na patayin hindi lamang si Mordecai kundi ang lahat ng mga Judio sa buong kaharian ni Haring Xerxes. Sa ikalabindalawang taon ng paghahari ni Haring Xerxes, sila ay nagpalabunutan (na tinatawag na “pur”) upang malaman kung anong araw at buwan papatayin (annihilate) ang lahat ng mga Judio. Ang nabunot ay ika-13 araw sa ika-12 buwan, ang buwan ng Adar.

Upang maisakatuparan ang kanyang malagim na balak, iniulat ni Haman sa Hari na may mga grupong nakatira sa iba’t ibang probinsya ng Persia na hindi sumusunod sa mga kautusan niya (ng hari) dahil sila ay may sariling kautusan. Hindi alam ng hari na ang ‘tinutukoy ni Haman ay ang mga Judio; at hindi pa rin niya alam nang oras na iyon ang identity ni Esther, ang kanyang piniling reyna, na siya ay isang Judio.

Nangako si Haman na magbibigay siya sa mga pinuno ng kaharian ng 350 toneladang pilak na ilalagay sa taguan ng kayamanan ng hari sa oras na maisagawa ang kanyang malagim na balak. Ang pagbibigay ng hari sa kanyang singsing kay Haman ay hudyat ng kanyang pahintulot upang gawin ni Haman ang gusto niyang gawin sa mga grupong kanyang iniulat. Pinulong niya ang lahat ng mga pinuno at ipinadala ang sulat na may tatak ng singsing ng hari na sa isang araw (13t day of the Month of Adar) ay papatayin ang lahat ng mga Judio: bata, matanda, lalaki at babae at sasamsamin ang lahat ng mga ari-arian nila. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng pagkalito (confusion) sa mga naninirahan sa lungsod ng Susa (kabilang na sina Mordecai). Marahil sa isip nila, hindi nila maunawaan bakit iniutos ito ng hari? Ano ang ginawa nilang kasalanan sa hari upang maglabas siya ng ganitong uri kautusan?

Ang kayabangan o pagmamataas sa anumang natamong tagumpay, kung hindi susuriin (if not checked), ay tiyak na magdudulot ng baluktot na pananaw at mababang pagtingin (o galit) sa ibang tao. Ang sobrang pagtingin o pagmamahal sa sarili o pagmamataas (arrogance or boastful attitude) ay sinyales ng insecurity o kawalan ng kapanatagan (sa iba, ito’y kakulangan ng tiwala sa sarili). Ang kayabangan ay humahantong sa kaguluhan at pagtatalo, ngunit ang nakikinig sa payo ay nagpapahiwatig ng karunungan. (Proverbs 13:10)

Elevate: Application/Suggested Question:
1. By nature, lahat ng tao ay may kayabangan (pride), subalit sa biyaya ng Diyos tayo na pinanahanan ng Espiritu Santo ay may kakayahang i-overcome ito. Batay sa iyong karanasan, paano binabago ng Salita ng Diyos ang ganitong pag-uugali?

Mobirise
Free Web Hosting