Delivered from Darkness

 “SEE A VICTORY”
Song by Elevation Worship

The weapon may be formed, but it won't prosper
When the darkness falls, it won't prevail Cause the God I serve knows only how to triumph
My God will never fail Oh my God will never fail
I'm gonna see a victory
I'm gonna see a victory
For the battle belongs to you Lord I'm gonna see a victory
I'm gonna see a victory
For the battle belongs to you Lord
There's power in the mighty name of Jesus
Every war He wages He will win
I'm not backing down from any giant 'Cause I know how this story ends Yes I know how this story ends
I'm gonna see a victory
I'm gonna see a victory
For the battle belongs to you Lord I'm gonna see a victory
I'm gonna see a victory
For the battle belongs to you Lord
I'm gonna see a victory
I'm gonna see a victory
For the battle belongs to you Lord I'm gonna see a victory
I'm gonna see a victory
For the battle belongs to you Lord

Exalt: “See a Victory”
Empower: Colossians 1:13-14; Acts 26:18; Eph. 5:8; Rom. 8:2

Delivered from Darkness
Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. (Colossians 1:13 MBBTAG)

Isa sa napakahalagang katotohanan na kailangang matanto ng bawat mananampalataya ay ang katotohanan na tayo’y iniligtas mula sa kapangyarihan ng kadiliman (power of darkness – domain of sin, Satan’s influence, and spiritual bondage). Dati, nabubuhay tayo sa isang buhay na puno ng panlilinlang at kasalanan. Wala tayong magawa ukol dito dahil tayo’y hiwalay sa Diyos (spiritually dead). Ngunit ngayo’y malaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at ni Satanas (spiritual darkness). Hindi na tayo alipin ng mga makamundong pagnanasa o naisin ng laman, sapagkat tayo’y tinubos na ni Cristo at pinatawad sa ating mga kasalanan (past, present and future sins). God has set you free from the past; your past is irrelevant with Him; He sees you now as He sees His Son Jesus! Ang kalayaan mula sa kadiliman ay hindi isang bagay na kailangang ipaglaban o paghirapan; ito ay nakamtan natin dahil sa tinapos na gawa ni Cristo. Hindi ito isang bagay na hinihintay pa, kundi isang katotohanan na natupad na sa sandaling tinanggap natin si Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Malaya ka na kapatid (period). Jesus came to set us completely free from the power that once bound us through His life, death, and resurrection.

Dinala ni Hesus and parusa ng kasalanan na nararapat sa atin. Sa Kanyang kamatayan, winasak Niya ang kapangyarihan ng kasalanan; at sa Kanyang muling pagkabuhay, tinalo Niya ang kamatayan, sa siyang pinakamalakas na sandata ng kaaway. Dahil dito, tayo ay tinubos (by His blood) at muling naibalik sa Diyos. Sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Cristo, tayo ngayon ay inilipat sa kaharian ng liwanag, kung saan si Cristo ang naghahari at ang kasalanan ay wala nang karapatang mamuno. Hindi na tayo alipin; tayo’y mga anak ng Diyos na nabubuhay sa liwanag ng Kanyang kaharian. Nagbago na ang ating pagkakakilanlan; nagbago na ang ating espirituwal na katayuan. May mga hamon man, tukso o kahinaan, wala na ang legal na kapangyarihan ng kadiliman sa ating buhay. Ipaglaban natin ang katotohanang ito at mamuhay tayo ayon sa katotohanang ito. Inialay ni Cristo ang sarili niya para sa mga kasalanan natin, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama. Ginawa niya ito para mailigtas tayo sa kasamaan nitong kasalukuyang mundo (Gal. 1:4 ASND).

Habang mas nauunawaan natin ang ginawa ni Cristo at mas pinipili nating maniwala sa Kanyang Salita kaysa sa ating damdamin o karanasan, mas nagiging malinaw ang ating kalayaan. “Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” (John 8:32) The world (or the enemy) intimidates you by deceitful words, but God’s Word builds you up; it will change the way you think. Ang kalayaang ito na ibinigay ni Hesus ay hindi lamang para sa personal nating kapayapaan kundi para isang bagong paraan ng pamumuhay – isang buhay na may awtoridad, liwanag, at pag-asa. Ito ang isang buhay na naghahari, isang buhay na ibinalik (restored) ng Diyos, isang buhay na kasama Siya taglay ang Kanyang kapangyarihan at kapamahalahan sa mundo. Nawa’y patuloy nating makita ang tagumpay ni Cristo. God wants you to soar high like an eagle; do not limit what He can do through you!

Elevate: Application/Questions:
1. Gaano kalinaw sa iyo ang katotohanang pinalaya ka na ni Cristo mula sa kapangyarihan ng kadiliman? Paano mo gagamitin ang kalayaang ito upang tanggihan/labanan sa iyong kaisipan ang mga kasinungalingan at panlilinlang ng kaaway sa iyong buhay?

Best AI Website Creator
Free Web Hosting