The Search is on

DIYOS KA SA AMIN
Song By Hope Filipino Worship

O Diyos, Ikaw ang tunay na dakila sa mundo
Ikaw ang Haring nagmahal ng tulad ko
Ginawa mo'ng lahat
Pag-ibig Mo ay tapat at wagas
O Diyos, walang papantay sa kabutihan Mo
Ang ngalan mo'y itataas sa buhay ko
Sundin ang loob Mo
Iparinig ang nais Mo
Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin
Sa lahat ng oras, nariyan para samin
Panginoong Hesus, purihin ka!
Dakilain Ka sa buhay ko
Di nagbabago, Diyos ka sa amin
Tanging sandigan, nariyan para samin
Panginoong Hesus, maghari Ka
Magliwanag ka sa buhay ko

Exalt: “Diyos Ka Sa Amin”
Empower: Esther 2:1-18

The Search is ON
Dahil sa pagtanggi ni Queen Vashti nang siya’y ipatawag ni Haring Ahasuerus (King Xerxes 1) upang iharap at ipagmalaki ang kanyang kagandahan sa lahat ng mga maimpluensiya at makapangyarihang tao (i.e. military officials, nobles, princes and the people living in Susa) na kanyang inanyayahan sa piging, siya’y inalis (banished) sa palasyo; ito ang naging daan upang humanap ang hari ng bagong reyna ng Persia.

Si Hadassah(Hebrew name) o Esther(Persian name) na isang napakagandang dalaga ay napasama sa maraming dalagang dinala sa palasyo sa pamamahala ni Hegai. Magaan ang loob at naging mabait si Hegai kay Esther. Binigyan siya ng espesyal ng pagkain at mga pampaganda; bukod dito, ibinigay sa kanya ang pinakamainam na tirahan sa harem at binigyan ng pitong katulong na babae. Among the young maidens that were brought to the king’s harem, only Esther won the favor of Hegai. Ito’y malinaw na pabor ng Diyos sa buhay ni Esther.

Habang naghahanda si Esther, (gayundin ang ibang mga dalaga sa loob ng 12 buwan) bago humarap sa hari, si Mordecai naman ay nagpupunta araw-araw sa bulwagan ng harem upang alamin ang kanyang kalagayan; ito’y malinaw na pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang pinalaki at itinuring na anak. Marahil sa puso ni Mordecai ay naroroon ang takot at pag-aalala kung ano na ba ang nangyayari kay Esther, isa marahil sa dahilan kung bakit itinago nila ang kanilang identity bilang mga Judio.

Marahil sa puso ni Esther ay mayroon ding takot at pangamba nang siya’y dalhin sa harem. Sa kanyang edad (probably teenage years), hindi niya inaasahan na iyon ang kanyang magiging buhay. Nahiwalay siya kay Mordecai na kanyang itinuring na ama upang maging isa sa mga asawa o concubines (second class wives) ng hari kung hindi siya ang mapipiling reyna; wala nang uwian. Marahil ang nakikita na lang niyang pag-asa ay masiyahan ang hari sa kanya at siya ang gawing reyna.

And when it was Esther’s turn to go to the king, she was admired by everyone who saw her. Nabighani ang lahat ng nakakita sa kanya. Marahil itatanong natin, ano ba ang x-factor (indescribable quality or trait that makes her stand out) ni Esther? Bakit nakukuha niya ang loob ng mga tao sa paligid niya? Does she have extraordinary beauty or charm? What was in her that pleased everyone? [These are open questions for discussions.] At nang siya’y humarap na sa hari (that is, spent night with the king on his bed), lubos siyang nabighani at inibig niya si Esther ng higit sa ibang mga babae. Dahil doon, si Esther ang kinoronohan at ginawang reyna. Ang buong palasyo ay nagdiwang upang parangalan siya bilang bagong Reyna ng Persia.

Bagamat mayroong ethical dilemmas (suliraning etikal o moral) sa aklat ng Esther lalo na sa kanyang pagharap sa hari at malaya ang bawat nagbabasa na ibigay ang sariling kuro-kuro o pananaw (perspectives) sa mga pangyayari, tandaan, na ang lahat ng Kasulatan ay nasulat sa ikatututo natin. God, the divine author, will reveal to us through His Spirit the message behind the written words. One thing is sure in the book of Esther, God never left His people. He may be silent, but never absent.

Elevate: Application/Suggested Question:
1. You may discuss the following ethical dilemmas (suliraning etikal o moral):
a. Tama ba na itinago nina Mordecai at Esther na sila ay mga Judio? Ipaliwanag. [Was it right for Mordecai and Esther to conceal their own Identity? Elaborate.]
b. Tama ba na ginamit ni Esther ang kanyang ganda at alindog upang mabighani o masiyahan ang hari? Ipaliwanag. [Was it right for Esther to use beauty and
charm to please the king or win his favor? Elaborate.]

HTML Website Builder
Free Web Hosting