Reigning in Life

DAKILANG KATAPATAN
Song by Papuri Singers

Verse
Sadyang kay buti ng ating Panginoon
Nagtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila ng ating pagkukulang
Biyaya Niya′y patuloy na laan
Katulad ng pagsinag ng gintong araw
Patuloy Siyang nagbibigay tanglaw
Kaya sa puso ko't damdamin
Katapatan Niya′y aking pupurihin
Chorus
Dakila Ka, O Diyos, tapat Ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man, naasahan kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay
Verse
Kaya, O Diyos kita'y laging pupurihin
Sa buong mundo′y aking aawitin
Dakila ang Iyong katapatan
Pag-ibig Mo′y walang hanggan
Chorus
Dakila Ka, O Diyos, tapat Ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man, naasahan kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay
Dakila Ka, O Diyos sa habang panahon
Katapatan Mo′y matibay na sandigan
Sa bawat pighati, tagumpay man ay naroon
Daluyan ng pag-asa kung kailanga'y hinahon
Pag-ibig Mo′y alay sa 'min noon hanggang ngayon
Dakila Ka, O Diyos

Exalt: “Dakilang Katapatan”
Empower: Romans 5:12-19; Col. 1:13-14; Isaiah 54:17; Psalm 34:10, 35:27, 37:25, 92:12,107:2; 1 Cor. 2:9; 2 Cor. 10:5

Introduction: Reigning in Life

Romans 5:17 - For if by the one man’s offense death reigned through the one, much more those who receive abundance of grace and of the gift of righteousness will REIGN IN LIFE through the One, Jesus Christ (NKJV).

Unawain nating mabuti ang kaibahan (contrast) ng ginawa ng dalawang Adan: dahil sa pagkakasala ng unang Adan naghari ang kamatayan [physical and spiritual death (separation from God)]; subalit, dahil sa pagsunod ng huling Adan (Jesus)… “ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay MAGHAHARI SA BUHAY” (MBBTAG). Because of the grace of God (manifested in the finished work of Christ), hindi lamang naibalik ang nawala sa atin (e.g. relationship with God, identity, life), bagkus, inilagay tayo sa isang mataas at tamang kalalagayan (position or right standing before God) - tayo’y itinuring na matuwid (malinis, banal, katanggap-tanggap, karapat-dapat sa harapan ng Diyos). Tayo’y naging matuwid hindi dahil gumawa tayo ng mabuti o may nakitang maganda sa atin, kundi dahil sa Katuwiran ni Cristo. At dahil sa katuwirang ito na sumasaatin, tayo ay kwalipikado (qualified) at may kakayahan na maghari sa buhay.

Reign = to rule; to have dominion (having royal authority). The imagery of reigning suggests a kingdom or dominion. Dahil sa kamatayan, pagkabuhay na muli, pag-akyat sa Ama at paghahari ni Hesus (kapamahalaan sa langit at sa lupa), ang awtoridad na inagaw ng kaaway dahil sa kasalanan ay muling naibalik sa tao (through Christ, representing New Covenant humanity). At maaari nating magamit ang awtoridad na iyon upang makapaghari sa buhay. Sometimes we say, “pasasaan ba’t magiging maayos din ang lahat”; “matatapos din ang paghihirap ko”; “mababayaran din mga utang ko”; “makakabawi din ako”, just to pacify or comfort ourselves (or others). Instead of saying these, why don’t we speak what the Word says? Why don’t we declare His promises in faith?

Reigning in life is a daily experience. Araw-araw maaari mong maranasan ang tagumpay. You can reign over sin; you can reign over the enemy, you can reign over fear, worries, anxieties; you can reign over sickness/diseases; you can reign over lack/poverty and any circumstances in life by declaring (speaking, decreeing, confessing, uttering) in FAITH over and over again the promises of God in Christ, His love, goodness and faithfulness (who God is)… by declaring who you are (that you are loved, blessed, favored, victorious child of God). Speak the Word of God; this is exercising your God-given authority; this is REIGNING IN LIFE!

Reigning is life is a life lived under Christ’s reign. The reign of Christ is not merely a doctrine to be studied – it is a life to be lived (experiential)… a life that shines in the darkness, a life that flourishes in the midst of crisis, a life that grows and matures continuously; a life that accomplishes God’s purposes.

Christ saved/redeemed us so we can reign. We are REDEEMED TO REIGN! 13 Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. 14 At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. (Col. 1:13-14 ASND) 

We are not here on earth to just live and survive; we are called to REIGN IN LIFE.

Elevate: Application/Questions:
1. Ano ang mga inaasahan (expectations) mo sa temang ito ngayong 2026, Reigning in Life?
2. Ibigay ang iyong saloobin dito: “God is not asking us to live for Him. He is asking us to let Him live through us.” 

HTML Creator
Free Web Hosting