Exalt: “Magnificent”
Empower: Deut. 32:4; Psalm 19:8,89:14; Isaiah 1:17; 45:19; Rom. 3:10-18, 23-26; Micah 6:8; Luke 11:42; Acts 10:34
A Just God
JUST = righteous; fair; accurate; perfect; based on or behaving according to what is morally right and fair; righteous in conduct and character
He is the Rock, his works are perfect, and all his ways are just. A faithful God who does no wrong, upright and just is he. (Deut. 32:4 NIV)
God is just because all His ways are right and perfect; everything He does is correct and upright. Gayunpaman, ang pagiging makatarungan (just) ng Diyos ay isa sa mga katangian o kalikasan Niya na nagbibigay ng kalituhan (confusion) sa marami. Ang maling pang-unawa sa katangian Niyang ito ang dahilan kung bakit takot sila na maparusahan lalo na’t kung nakagawa ng kasalanan. By definition, hinihingi ng katarungan ang kaparusahan sa anumang kasalanan, at gantimpala naman para sa mga gumagawa ng mabuti. Ito ang dahilan kung bakit nagsisikap ang iba ng gumawa ng mabuti upang hindi parusahan o hatulan ng Diyos. This is a wrong understanding, because Jesus was already judged (punished) on the cross for man to become righteous, if he chooses to believe in Him.
Sa simula pa (especially before the Law), ang Diyos ay laging nakikipag-ugnayan sa tao sa pamamagitan ng Kanyang kahabagan (grace and mercy) [as seen in the lives of Cain, Abraham, Jacob; in spite of their flaws, God still blessed them]. Ngunit, ang tao’y patuloy sa pagkakasala at sinisira nito ang Kanyang buhay, kaya’t ibinigay ng Diyos ang Kautusan. Sa ilalim ng Kautusan, ang galit at parusa (wrath and punishment) ng Diyos ay naranasan ng mga taong nagrebelde o hindi sumunod sa mga utos Niya dahil hindi Niya maaaring balewalain (ignore) ang kasalanan; ito ay kailangang pagbayaran. His justice demands it. [For the wages of sin is death… Romans 6:23a]. Sin has to be paid.
Kaya dumating si Hesus; ang lahat ng galit at kaparusahan na nararapat sa tao dahil sa kasalanan ay inako Niya. The wrath of God was fully poured on Christ; He suffered the penalty of death for us to have an eternal life. Sa pagbuhos ng dugo at paghandog ni Cristo ng Kanyang buhay, ang katarungang hinihingi ng Batas ay naibigay na. Justice has been served. Jesus appeased God’s wrath against sin. Napawi na ang galit ng Diyos. Kaya lahat tayo na nanalig kay Hesus (and accepted salvation by grace) ay hindi na kailanman parurusahan dahil tayo ay nilinis na ng Kanyang dugo at pinatawad na sa ating mga kasalanan. Ito’y ginawa Niya upang ipakita sa tao na Siya ay matuwid at makatarungang Diyos (righteous and just God).
At dahil ang Diyos ay makatarungan, ito rin ang gusto Niya na maipakita natin sa ating kapwa-tao. Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos. (Mikas 6:8 MBBTAG)
Habang tayo’y lumalalim sa pagkaunawa kung sino ang Diyos, inihahayag din Niya sa ating mga puso kung ano ang dapat nating gawin sa ating kapwa-tao - ang ipairal ang katarungan at mahalin sila katulad ng pagmamahal ng Diyos sa kanila.
Elevate: Application/Suggested Question:1. Bilang makatarungang Diyos, pantay-pantay (fair/equal) ang pagtingin at pakikipag-ugnayan ng Diyos sa bawat tao; hindi Siya nagtatangi (Acts 10:34). In other words, God has no favoritism. Kung gayon, paano binabago ng katotohanang ito ang pagtingin mo sa iyong sarili at pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa?