Promotion that Comes from the Lord

Defender
Song by Francesca Battistelli and Steffany Gretzinger

You go before I know
That You've even gone to win my war You come back with the head of my enemy
You come back and You call it my victory, oh-ooh
You go before I know
That You've even gone to win my war Your love becomes my greatest defense
It leads me from the dry wilderness
And all I did was praise
All I did was worship
All I did was bow down, oh All I did was stay still
Hallelujah, You have saved me So much better Your way Hallelujah, great Defender
So much better Your way
You know before I do
Where my heart can seek to find Your truth
Your mercy is the shade I'm living in And You restore my faith and hope again
And all I did was praise, ohhh, oh-ooh All I did was worship
All I did was bow down, oh
All I did was stay still, stay still

Hallelujah, You have saved me So much better Your way Hallelujah, great Defender
So much better Your way
When I thought I lost me
You knew where I left me
You reintroduced me to Your love You picked up all my pieces
Put me back together
You are the defender of my heart When I thought I lost me
You knew where I left me
You reintroduced me to Your love You picked up all my pieces
Put me back together
You are the defender of my heart When I thought I lost me
You knew where I left me
You reintroduced me to Your love You picked up all my pieces
Put me back together
You are the defender of my heart
Hallelujah, You have saved me So much better this way Hallelujah, great Defender
So much better Your way
So much better Your way (I know it's so much better) So much better Your way (I know it, I know it)
And all I did was praise All I need to do is worship Lord, I will just bow down I'm just gonna stay still

Exalt: “Defender”
Empower: Esther 2:19-23; 6:1-14; Colossians 3:23; Galatians 6:9; Psalm 75:6-7

Promotion that Comes from the Lord
Ang pag-diskubre ni Haring Ahasuerus tungkol sa pagkatuklas ni Mordecai sa tangka nina Bigtan at Teres na patayin siya (ang hari) ngunit hindi nagantimpalaan ang naging simula ng pagbabago ng mga pangyayari (dramatic turn of events). Hindi aksidente (coincidence) na hindi makatulog ang hari at pinabasa ang aklat ng kasaysayan ng kaharian; hindi rin aksidente na papasok si Haman sa mga oras na iyon at siya ang tinanong ng hari sa nararapat gawin sa taong gusto niyang parangalan (bago pa man niya hilingin sa hari na ituhog si Mordecai). Malinaw na may isang makapangyarihang kamay ang nagtutugma sa mga pangyayari upang ipakita na ang kababaan at katapatan sa Diyos (na ang bunga ay katapatan sa tungkulin) ay hindi kailanman mawawalan ng gantimpala.
Sa pag-aakala ni Haman na siya ang gustong parangalan ng hari, ang pinaka-engrandeng uri ng pagpaparangal ang kanyang iminungkahi: ipasuot ang damit na isinuot na ng hari, isakay sa kabayong sinakyan na ng hari, at ilibot sa buong lunsod habang isinisigaw ang “Ito ang ginagawa sa taong pinaparangalan ng hari!” (Esther 6:11). Inutusan ng hari si Haman na gawin ang lahat ng iyon kay Mordecai (the very person he despised). What a great humiliation! Walang nagawa si Haman kundi manangis at magtalukbong dahil sa inabot na kahihiyan. Truly, God resists the proud but gives grace to the humble(1 Peter 5:5).
God promotes or exalts the humble. Tanging ang Diyos lamang ang makakakilos upang umayon ang mga pangyayari kay Mordecai. Hindi man napansin ang kanyang ginawa noong una, ang kanyang kababaan at katapatan ay ginantimpalaan sa tamang panahon.

Maraming dahilan upang ang isang tao ay ma-promote sa kanyang trabaho o tumaas ang lebel ng kanyang katayuan sa buhay. Marami ang nakakatanggap ng promosyon dahil sa kasipagan, edukasyon, katapatan sa tungkulin, abilidad, talento o kahusayan sa trabaho. Subalit, kung hindi kasama at kinikilala ang Diyos sa mga ganitong promosyon, ito ay maaaring magdulot ng kapaguran (stress) at kataasan (pride).

Ang promosyon na galing sa Diyos ay nagdudulot ng kababaan (humility) at pagpapasalamat (gratitude to God). Ang ganitong promosyon ay base sa Kanyang pabor (grace) at layunin (purpose) sa bawat isa sa atin; hindi ito dahil sa sariling pagsisikap at determinasyon. Kung minsan, hindi ito inaasahan o hindi maunawaan ng makataong kaisipan (human logic), subalit dahil sa pananalig sa Diyos, ito’y nangyayari. Ilan sa mga itinaas ng Diyos dahil sa kanilang katapatan at pananampalataya sa Diyos ay sina Shadrach, Meshach and Abednego, Daniel, Joseph at David. Ang pangalan ng Diyos ang naparangalan sa bawat buhay nila, kaya naman sila’y itinaas ng Diyos. True and lasting promotion comes from God.

Sa buhay, napakadali para sa iba na makaramdam ng kalungkutan o self-pity dahil hindi napapansin ang kanilang mga ginagawa o pagpapagal. Subalit sa mga may malalim na kaugnayan sa Diyos, ang pagtitiwala nila ay nakalagak sa Diyos (hindi sa kanilang ginagawa, hindi sa kumpanya, hindi sa ibang tao). Hindi sila napapagod na ibigay ang kanilang pinakamabuti dahil para sa kanila, hindi sila naglilingkod sa tao, kundi sa Diyos. 9 Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang
ating gantimpala kung hindi tayo susuko (Galatians 6:9)".

Elevate: Application/Suggested Question:
1. Kapag itinaas (promotes or elevates) ng Diyos ang isang
tao (whether in work, leadership or status in life), ito’y para sa kapakinabangan ng iba (according to His divine purpose) at para sa Kanyang karangalan (God’s glory); hindi lamang para sa sariling pag-unlad o ambisyon. Ano ang kaisipan o saloobin mo ukol dito?

Drag and Drop Website Builder
Free Web Hosting