Grace that Reigns

SUKDULANG BIYAYA
Song by Musikatha

Verse
Pag-ukulan ng habag at wagas Mong pagsinta
Habang walang kakayanan
Masuklian Ka ng mabuti sa lahat Mong ginawa

[Pre-Chorus]
Niyakap Mo ako sa aking karumihan
Inibig Mo ako ng 'di kayang tumbasan

[Chorus]
O, Diyos ng katarungan at katuwiran
Na kahit minsa'y 'di nabahiran ang kabanala't kalwalhatian
Salamat sa sukdulang biyaya Mo
O, Diyos ng pag-ibig na mas malawak pa
Kaysa aking mga pagkakasala
Higit pa sa buhay ko
Salamat sa sukdulang biyaya Mo

[Verse]
Habang hindi karapat-dapat
Pag-ukulan ng habag at wagas Mong pagsinta
Habang walang kakayanan
Masuklian Ka ng mabuti sa lahat Mong ginawa

[Pre-Chorus]
Niyakap Mo ako sa aking karumihan
Inibig Mo ako ng 'di kayang tumbasan

 Exalt: “Sukdulang Biyaya”
Empower: Romans 5:20-21, 6:14; 2 Timothy 1:9; Eph. 2:8-9; 1 Peter 1:13; 2 Peter 1:3; Titus 2:11-13

Grace that Reigns
Bagama’t ang biyaya ng Diyos ay mas malinaw at ganap itong naihayag sa Bagong Tipan sa pamamagitan ni Hesu- Cristo, ito ay kumikilos na noon pa man. Hindi ito bagong ideya; ito ay bahagi na ng puso at kalikasan ng Diyos mula pa noong una. Grace was given to us in Christ Jesus before time began (2 Timothy 1:9). Ang biyaya ng Diyos ay naranasan ng mga lingkod Niya sa Lumang Tipan katulad nina Joseph,Gideon, David at Zerrubabel. Kung naranasan ng mga taong ito ang biyaya sa pamamagitan ng Presensya ng Diyos na sumakanila, gaano pa kaya (HOW MUCH MORE) tayo na pinananahanan na ng Espiritu ng Diyos ngayon dahil kay Cristo? Higit nating nararanasan ngayon ang biyaya ng Diyos, dahil nawala na ang hadlang (i.e. kasalanan); namatay na tayo sa kasalanan at nabuhay na muli kasama ni Cristo sa isang bagong buhay na may bagong kalikasan at bagong pagkakakilanlan.

Where sin abounds (Greek “pleonazo” = abound), GRACE much more abounds (Greek “HUPERPERISSIUO” = hyper, super abound; Literally, Super Super Abound).
...so that as sin reigned in death, even so grace might reign through righteousness to eternal life through Jesus Christ our Lord. (Romans 5:21 ASND) Hindi man tayo aware pero ang biyaya na ng Diyos ang naghahari ngayon dito sa lupa sa pamamagitan ng katuwiran ni Cristo na nakikita sa bawat buhay nating mga mananampalataya. Hindi na kasalanan ang namamayani, kundi kapangyarihan na ng biyaya ng Diyos ang naghahari. Ibig sabihin wala nang karapatan at kapangyarihan ang kasalanan (pagkakamali o nakaraaan ng tao) na usigin o hatulan tayo, dahil tayo ay pinaging- matuwid na ng Diyos at ito’y pang-walang hanggan (a quality life with God; having a relationship with Him; a life of peace, hope and assurance). Ang biyaya ay ang hindi karapat-dapat na pabor at kabutihan ng Diyos. Ito’y kaloob ng Diyos; hindi ito bunga ng ating mabubuting gawa.

 Ang biyaya ay hindi lamang natin naranasan noong tayo’y naligtas; ito’y tuloy-tuloy. Grace is God’s provision for everything that mankind needs; spirit, soul and body. Whatever mankind lost through sin are restored and made available to all who will believe. May probisyon ang Diyos sa lahat ng ating pangangailangan dito sa mundo. Hindi natin Siya maaaring limitahan. Do not limit God; His grace is so abundant and more than enough for us who believe in Him. Huwag tayong mabuhay sa nakikita lamang ng ating mga mata o nararamdaman ng ating katawan. Masanay tayo sa sinasabi ng Salita ng Diyos; hindi sa sinasabi ng mundo, ng ibang tao o ng ating sarili. We need faith to access grace; we need to have a revelation of who Christ is through hearing and hearing of the Word; a revelation is beyond what our naked eyes could see. The Word is the final authority; His grace has the final say!

Grace empowers us to live a holy life. Ang biyaya ay hindi lisensya sa kasalanan, sa halip, ito ang nagtuturo sa atin na tanggihan ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Sa pamamagitan ng biyaya, tayo’y nakapamumuhay ng may pagpipigil sa sarili... isang buhay na matuwid at maka-Diyos (Titus 2:11-12). Remember, the grace that reigns through our God-given righteousness is a present condition, not future.
Grace sustains us in our weaknesses. Ang biyaya ng Diyos ang dahilan kung bakit nakapagpatuloy si Pablo sa kabila ng “thorn in the flesh (possibly persecution or oppression of the enemy)” na kanyang naranasan. God’s response to Paul was: “My grace is sufficient for you, for My strength is made perfect in weakness. " (2 Cor. 12:9)Gayun din naman, sa biyaya ng Diyos, makapagpapatuloy tayo sa buhay sa kabila ng mga hamon o kahirapan na ating nararanasan. Kaya lagi nating isigaw (in faith) - “biyaya” “biyaya” or “tagumpay” “tagumpay”.
Halleluiah! Purihin ang Diyos magpakailanman!

Elevate: Application/Question:
1.  Sa anong mga kaparaanan (ways) nakikita ang katunayan (evidence) ng paghahari ng biyaya sa iyong buhay sa kasalukuyan? How do you appreciate the
grace of God in your everyday life?

AI Website Generator
Free Web Hosting