One's Attitude Says it all

WALA KANG KATULAD
Song by Musikatha

Awitin ko man
Lahat ng awit sa mundo
'di kayang ilarawan
Kadakilaan mo
Kulang ang lahat ng tula
Kulang maging mga Salita
Upang ihayag
Ang kabutihan mo
Awitin ko man
Lahat ng awit sa mundo
'di kayang ilarawan
Kadakilaan mo
Kulang ang lahat ng tula
Kulang maging mga Salita
Upang ihayag
Ang kabutihan mo
Wala kang katulad
Wala nang hihigit sayo
Wala kang katulad
Wala nang papantay sayo
Ikaw ang Diyos
Noon pa man
Maging ngayon at kailanman
Sa habang panahon
Wala kang katulad
Awitin ko man
Lahat ng awit sa mundo
'di kayang ilarawan
Kadakilaan mo

Kulang ang lahat ng tula
Kulang maging mga Salita
Upang ihayag
Ang kabutihan mo
Wala kang katulad
Wala nang hihigit sayo
Wala kang katulad
Wala nang papantay sayo
Ikaw ang Diyos
Noon pa man
Maging ngayon at kailanman
Sa habang panahon
Wala kang katulad
Wala kang katulad
Wala nang hihigit sayo
Wala kang katulad
Wala nang papantay sayo
Ikaw ang Diyos
Noon pa man
Maging ngayon at kailanman
Sa habang panahon
Wala kang katulad
Sa habang panahon
Wala kang katulad
Wala kang katulad

Exalt: “Wala Kang Katulad”
Empower: Esther 5:9-14

One’s Attitude Says It All
Ang attitude ay maaaring i-translate bilang “pag-uugali” o “saloobin.” Ang “pag-uugali” ay tumutukoy sa karakter o pagkatao at kilos (o paraan ng pagkilos) ng isang tao sa iba’t ibang situasyon. Ang “saloobin” naman ay tumutukoy sa panloob na damdamin (feelings), pag-iisip (mindset), o pananaw (disposition) ng isang tao patungo sa isang bagay o tao. Ang hindi magandang attitude ay karaniwang nagdudulot ng kapahamakan; subalit ang tama at magandang attitude ay nagdudulot ng kapayapaan at pagkakasundo.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, masayang-masaya si Haman matapos siyang dumalo sa paanyaya ni Reyna Esther sa unang araw ng piging, subalit ang kasiyahang iyon ay napalitan ng galit nang makita niya si Mordecai sa pintuan ng palasyo na hindi nagbigay-galang sa kanya. Pagdating niya sa bahay, tinawag niya ang kanyang asawa at mga kaibigan upang ipagmalaki ang kanyang mga kayamanan, mga anak, ang paglalagay sa kanya ng hari bilang pinakamataas sa mga pinuno ng palasyo, at ang paganyaya ni Reyna Esther sa kaniya kasama ang hari. Gayunpaman, sinabi ni Haman, “ang lahat ng ito ay walang halaga sa akin hangga’t nakikita kong nakaupo sa pintuan ng palasyo ang Judiong si Mordecai” (Esther 5:13).

Ang ipinakitang attitude o pag-uugali ni Haman kay Mordecai ay malinaw na sumasalamin sa tunay niyang pagkatao o nilalaman ng kanyang puso. His indignation (intense anger) towards Mordecai says who he really was – an ungrateful, arrogant and egoistic (self-centered) man. Sa kabila ng kanyang karangyaan sa buhay, hindi pa rin siya nasiyahan at naging kuntento dahil sa isang tao na ayaw magbigay-respeto sa kanya. Bagama’t hindi nakasulat sa aklat ng Esther (directly) ang dahilan kung bakit ayaw lumuhod o magbigay-galang ni Mordecai kay Haman, maaari nating isaisip ang dalawang ito:

(1) Ito’y bilang pagsunod sa Diyos. Sa pananampalatayang Judio (Jewish faith), ipinagbabawal ang pagsamba o pagbibigay-galang sa sinumang tao bilang isang diyos. Sa kulturang Judio, ang pagyuko ay maaaring ituring na isang gawa ng pagsamba, lalo na kung ito ay ginagawa sa isang makapangyarihang pinuno tulad ni Haman. 

(2) Dahil sa pinagmulan ni Haman bilang isang Amalekita (Amalekite). Si Haman ay isang Agagite (Esther 3:1); siya’y galing sa lahi ni Haring Agag na hari ng mga Amalekita na matagal ng kaaway ng Israel. [Si Mordecai naman ay galing sa lahi ni Haring Saul na galing sa lipi ni Benjamin. Si Haring Saul ang inutusan ng Diyos na lipulin ang lahat ng mga Amalekita.]

Hence, Mordecai’s refusal was not about personal disrespect but a matter of faith and principle. Bagamat, ang pagtayo niya sa kanyang prinsiyo at pananampalatayang Judio ay nagdulot ng awayan sa pagitan nila ni Haman, sa bandang huli, ito rin ang nagamit upang iligtas ng Diyos ang lahat ng mga Judio. Subalit, ang attitude ni Haman ang nagdulot sa kanya ng kapahamakan. Kung naging mapagpasalamat lamang siya at nasiyahan na sa estado na mayroon siya, marahil hindi niya sasapitin kasama ng kanyang pamilya ang madilim nilang wakas. 

Paalala ni Pablo sa Filipos 2:3-5 -3 Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. 4 Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin nʼyo kundi ang kapakanan din ng iba. 5 Dapat maging katulad ng kay Cristo Jesus ang pananaw nʼyo. (ASND)

Elevate: Application/Suggested Question:
1. Kumpletuhin ang pangungusap: “Sa tuwing nakakarinig ako ng reklamo mula sa aking ________ (magulang, boss, kapwa manggagawa, kaibigan, anak, o ibang tao), ako ay _________________________.” (What is your reaction or attitude toward the person or situation?) 

AI Website Generator
Free Web Hosting