Exalt: “Dakilang Katapatan”
Empower: Romans 8:37; Genesis 1:11, 21-22; 1 John 4:4, 5:4; Ephesians 3:20
Born of God, Born to Overcome
For whatever is born of God overcomes the world. And this is the victory that has overcome the world—our faith. (1 John 5:4 NKJV)
Sinasabi sa talata na nadadaig ng isang taong na born-
again o ipinanganak ng Diyos ang sanlibutan. Bakit? Dahil mayroon na siyang bagong kalikasan, isang bagong buhay na galing mismo sa Diyos. Hindi na siya ngayon nabubuhay
ayon sa dating likas na pagkatao (flesh), kundi ayon sa buhay ni Cristo na nasa kanya (in the Spirit). His identity now is in Christ. Hindi na siya sakop ng sistema ng mundo dahil
kabilang na siya sa ibang kaharian – ang kaharian ng Diyos.
God created a new kingdom with new humanity – the new creations in Christ (2 Cor. 5:17) - who had been born again not of corruptible seed (flesh) but of incorruptible seed,
through the Word of God (1 Peter 1:23). Sa pamamagitan ng buhay at makapangyarihang Salita ng Diyos na ating narinig, dumating ang pananampalataya. Naniwala tayo at
tinanggap ang Mabuting Balita na si Cristo ay namatay para sa atin at Siya’y nabuhay na muli upang tayo’y mabigyan ng bagong buhay (His Life); hence, we were born again (regenerated) in the spirit (by the Holy Spirit). Sa
pamamagitan nito, ang Diyos na Espiritu (hindi nakikita) ay maaari na ngayong makipag-ugnayan (fellowship) sa atin. His Spirit communicates with us through our born again spirit.
Ang Espiritu na bumuhay muli sa ating Panginoong Hesus ang Siya ring nagbigay buhay at nanahan sa atin.
Sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo (His Spirit and our spirit), tinanggap din natin ang kapangyarihan at
awtoridad upang ating magamit at tayo’y lubos na makapaghari sa buhay. If you are born of God, you are an
overcomer! You are victorious. Remember, victory has already been secured in Christ. We are standing in what Christ already won. “It is finished!” We are NOT fighting FOR victory; we are fighting FROM victory (war room is
the mind). Our position is secured; God’s people are not defeated, but victorious!
Kaya nga, ang tagumpay ay normal na buhay ng isang mananampalataya. Because Christ is in us, victory is sure!
Tinapos na ni Cristo ang lahat upang makapanahan Siya (ang Kanyang Espiritu) sa atin. Redemption is complete and in Christ we are already complete! Lahat ng nasa Kanya ay nasa atin,
kabilang ang tagumpay na Kanyang nakamit. Christ shared His victory to us. Victory comes from within; it’s already inside of us, we just need to release it. How? By declaring (speaking,
confessing) what is inside of us (victory, joy, peace, prosperity, healing) in faith. “...We also believe and therefore speak. (2
Cor. 4:13)”
Anumang situasyon o kalagayan sa anumang bahagi o
aspeto ng buhay ng isang mananampalataya ay kanyang nadadaig (overcome) sa pamamagitan ng pananampalataya sa tinapos na gawa ni Cristo. Through faith, we see beyond our
five senses: we see provisions...we see healing... we see relationships restored, we see life; through faith we see impossible things become possible!
Ang bawat isa sa atin (born again Christians), ay bahagi
upang ang kaharian ng Diyos ay lumawig at lumawak dito sa lupa; sa pamamagitan ng kaluwalhatian ni Cristo na nasa atin, mamamalas ng mga tao ang matagumpay Niyang paghahari
dito sa lupa.
Elevate: Application/Question:
1. Sa paanong paraan hinahamon ng mundo ang iyong pananampalataya sa Diyos? Paano mo ginagamit ang Salita ng Diyos para labanan o madaig ang mga ito?