Exalt: “Oceans”
Empower: Esther 5:1-8; Psalm 28:7; Nehemiah 8:10
Courage in the Face of Danger
Sa Esther Chapter 5, makikita natin ang ipinakitang tapang o lakas ng loob ni Esther upang mailigtas ang kanyang mga kalahi. Mas pinili niyang manalig sa Diyos kaysa takot. Siya’y tumindig (stood up) sa kabila ng peligro sa kanyang buhay. Isinuot niya ang kanyang damit pang-reyna sa ikatlong araw matapos siyang kausapin ni Mordecai sa pamamagitan ni Hathach; malinaw na ‘pinaghandaan niya ng husto ang pagharap niya sa hari. Hindi siya nagpadalos-dalos sa kanyang desisyong gagawin. Hindi man nabanggit na nanalangin siya sa Diyos, ang kanyang pagbibigay ng oras upang mag-ayuno (sa loob ng tatlong araw) ay sapat na upang masabing hinanap niya ang Diyos. Her courage begins with seeking God.
Sa paghanap ni Esther sa Diyos, nagkaroon siya ng lakas ng loob (courage that comes from trusting God) na tumayo sa bulwagan ng palasyo sa kabila ng panganib (risk or danger) na maaari niyang harapin. Ang kanyang tapang ay ginantimpalaan; nalugod ang hari nang makita siya at itinuro niya ang kanyang gintong setro sa kanya, tanda na siya’y maaaring lumapit. Nang siya’y tanungin ng hari kung ano ang kailangan niya (The king promised to give her even half of his kingdom.), hindi kaagad sinabi ni Esther ang kanyang pakay, bagkus, inanyayahan niya ang hari at si Haman na dumalo sa piging na kanyang inihanda. Marahil sa isip ni Esther hindi pa iyon ang tamang panahon; kailangan pa niyang maghintay sa tamang oras at pagkakataon. Maging nang ang hari at si Haman ay nasa piging na, hindi pa rin sinabi ni Esther ang kanyang kailangan, bagkus inanyayahan niyang muli ang hari at si Haman na dumalo kinabukasan sa pangalawang piging. Intriguing, isn’t it? Nag-aalinlangan ba siya na baka hindi ibigay ng hari ang hinihiling o naghihintay lamang si Esther ng tamang oras at pagkakataon upang isakatuparan ang kanyang iniisip? What is she up to? Ano ang ang plano niyang gawin? What is the purpose of her delaying tactic? Malinaw na ito ang kanyang istratehiya; tinitiyak niya na ang kanyang kahilingan ay diringgin at tutugunan ng hari. ito rin ay pagpapakita ng karunungan(wisdom) at katiyagaan o pasensiya (patience). It was a wise move, especially when dealing with a powerful and unpredictable king. Habang naghihintay si Esther ng tamang oras (kinabukasan, sa pangalawang piging) upang sabihin niya sa hari ang madilim na balak ni Haman na patayin ang lahat ng mga Judio, makikita sa mga sumusunod na kabanata na ang Diyos ay mayroong ginagawa upang bumaligtad ang mga pangyayari, na siya nating aabangan.
Samantala, mahalaga na makuha natin ang mensahe kung bakit nagkaroon si Esther ng lakas ng loob na humarap sa hari – by seeking God. [Ang pag-aayuno (fasting) ay kaugalian (a religious practice) na mga Judio sa tuwing sila ay nahaharap sa panganib. It was often associated with mourning, repentance, and seeking divine intervention. Ang paglapit nila sa Diyos at paghingi ng tulong (through fasting) ay tanda ng pagpapakumbaba (humility).]
Kung tutuusin, sa atin na nakipag-isa na kay Cristo, wala nang kinakailangang gawin na intervention (pamamagitan) ang Diyos upang tayo’y Kanyang tulungan. Ginawa na niya ang lahat sa pamamagitan ng tinapos na gawa ni Cristo (finished work of Christ). Kung gayon, bakit pa tayo nananalangin (o nag-aayuno) at lumalapit sa Diyos. Ang sagot – for fellowship and guidance. (Note: we fast so that our heart/mind’s focus is on Him alone, not for our prayers to be answered). Kailangan nating makipagniig at lumagi sa Kanyang Presensiya (through worship, meditation, prayer or fasting) nang sa gayo’y ang lakas ng loob (courage to use our authority as believers) at pananampalataya (faith to see in our hearts that everything has already been provided through the finished work of Christ) ay dumating.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Tinatawag rin tayo ng Diyos upang tumindig (rise up/ stand up) sa ating pananampalataya sa Diyos sa oras ng panganib o hamon ng buhay. Ibahagi ang iyong karanasan ukol dito.