Exalt: “Still”
Empower: Esther 4:15-17; Eph. 1:4;1 Samuel 13:14; James 1:7-8
A Moment of Decision: Fear or Faith
15 Ito naman ang ipinasabi ni Ester kay Mordecai, 16 “Humayo ka, tipunin mo ang lahat ng Judio na nandito sa Susa at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom sa loob ng tatlong araw. Ako at ang mga alipin kong babae ay mag-aayuno rin. At pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit na labag sa batas. At kung papatayin man ako, handa akong mamatay.” (Ester 4:15-16 ASND)
And so I will go to the king, which is against the law; and if I perish, I perish!” (Esther 4:16b NKJV)
Nahaharap si Esther sa isang dilemma- kailangan niyang mag-desisyon upang iligtas sa kapahamakan ang mga kapwa niya Judio, at pati na rin ang kanyang sarili. Marahil nang naiparating sa kanya ang gustong mangyari ni Mordecai, napuno ng takot ang kanyang puso dahil labag sa batas ang humarap sa hari nang hindi ‘pinapatawag, kamatayan ang magiging parusa (unless the king points his golden scepter to her). It was a moment of decision for Esther… was she going to speak up or be silent? Kakausapin ba niya ang hari at tanggapin anuman ang posibleng mangyari sa kanya katulad ng nangyari kay Reyna Vashti o mananahimik na lamang siya? Kung siya’y magsasalita maaaring manganib ang kanyang buhay; kung mananahimik naman siya maaari ding manganib ang kanyang buhay. Alin ang kanyang pipiliin? Esther has made up her mind – she will approach the king, even if it comes with a price. She boldly spoke “if I perish, I perish”.
Sa tuwing tayo’y nahaharap sa isang mahirap na situasyon, dalawa lamang ang ating pagpipilian: takot (pag-aalala) o pananampalataya. At kung hindi tayo malalim sa Salita ng Diyos at pang- unawa kung sino ang Diyos, malaki ang posibilidad na takot ang ating pipiliin, meaning, takot ang mangingibabaw sa ating buhay, instead of faith.
When fear is chosen more than faith, it will certainly lead to poor or foolish decisions. Isang halimbawa si Haring Saul, dahil sa takot sa mga kalaban, nag-alay siya ng handog na sinusunog (burnt offerings); hindi niya hinintay si Samuel na siyang dapat gumawa ng paghahandog. Sinabi ni Samuel, “Kahangalan ang ginawa mo!”(1 Samuel 13:13a) At dahil sa hindi niya pagsunod sa Diyos, hindi nagpatuloy ang paghahari ng kanyang sambahayan sa Israel; ito’y inilipat sa iba – kay Haring David. Sa kabilang banda, dahil sa pananampalataya sa Diyos, pinili nina Shadrach, Meshach at Abednego na hindi lumuhod sa gintong rebulto; at dahil doon sila’y naligtas sa naglalagablab na hurno (fiery furnace).
Naranasan mo na ba na malagay sa isang mahirap o alanganing sitwasyon o dilemma sa iyong buhay… isang situasyon na kailangan mong pumili kahit wala kang katiyakan sa magiging kalalabasan ng gagawin mong desisyon, kung ito ba magiging pabor sa iyo o hindi? Lahat tayo marahil ay dumaan sa ganitong kalagayan, ito man ay desisyon sa career na pinili mo, desisyong pumasok sa isang relasyon, desisyong pumunta sa ibang lugar, desisyong gawin ang isang bagay na alam mong mahirap o mga desisyong ginagawa sa pagharap ng anumang problema o suliranin. Sa paggawa ng ganitong mga desisyon, napakahalaga na isinasaalang-alang natin ang kalooban at layunin ng Diyos sa bawat buhay natin. Tandaan na noon pa man, pinili ka na ng Diyos (in Christ) at may layunin siya kung bakit ka isinilang dito sa mundo; hindi ka aksidente. You were born at the right time(date), right place, right parents, right country, right nationality. Hindi rin aksidente na kabilang ka sa pamilya ng CFSM, alamin mo kung bakit ka tinawag sa kapulungang ito. Wala nang pinakamasaya, pinakamapayapa at pinakamapagpalang buhay kundi ang malaman, masunod at maisakatuparan ang layunin (purpose) ng Diyos na bunga ng ating malalim na kaugnayan sa Kanya. All for His glory alone! Halleluiah!
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Masasabi mo na ba ngayon na bawat desisyon mo ay bunga ng pananalig (faith) mo sa Diyos, hindi ng takot? Ibahagi.