The Coming of the Son of Man

DIYOS KA SA AMIN
Song by Hope Filipino Worship

 [Verse 1]
O Diyos, Ikaw ang tunay na dakila sa mundo
Ginawa Mo'ng lahat, pag-ibig Mo ay tapat at wagas

[Verse 2]
O Diyos, wala nang papantay sa kabutihan Mo
Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko
Sundin ang loob Mo, iparinig ang nais Mo

[Chorus]
Sa lahat ng panahon, Diyos Ka sa amin
Sa lahat ng oras, nariyan para sa 'min
Panginoong Hesus, purihin Ka
Dakilain Ka sa buhay ko, aming Ama

[Verse 3]
O Diyos, Ikaw ang tunay na dakila sa mundo
Ikaw ang Haring nagmahal ng tulad ko
Sundin ang loob Mo, iparinig ang nais Mo

[Chorus]
Sa lahat ng panahon, Diyos Ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa 'min Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko Sa lahat ng panahon, Diyos Ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa 'min Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko, aming Ama

Exalt: “Diyos Ka sa Amin”
Empower: Matthew 24:29-30,34; Isa. 13:9-10; Daniel 7:13-14; Matthew 10:1,5, 23; 16:27-28; 26:63-6; Acts 1:9-11

The Coming of the Son of Man (Part 2)

ALLUSION
– is an indirect reference to an Old Testament passage (echo, hint at, borrow imagery from the Old Testament without quoting it directly).
Isa sa mga kalimitang ginagamit ni Hesus maliban sa “direct quotations from the Old Testament” ay mga salitang nagpapahiwatig (allusions). Sa mga Judiong nakikinig sa Kanya (e.g. disciples) na pamilyar sa lengwaheng Kanyang ginagamit, hindi ito palaisipan o hiwaga sa kanila. Katulad ng nakasaad sa Matthew 24:29 tungkol sa mangyayari sa araw, buwan at mga bituin (hindi literal na magbabagsakan o hindi na magliliwanag) - ito’y mga salitang nagpapahiwatig o imaheng hiniram (allusion) mula sa Isaiah 13:9-10 at ito’y tumutukoy sa matinding kahatulan (judgment) na mararanasan ng Babylon dahil sa Kanyang kasamaan.

Gayundin ang nakasaad sa Matthew 24:30 - “Then the sign of the Son of Man will appear in heaven, and then all the tribes of the earth will mourn, and they will see the Son of Man coming on the clouds of heaven with power and great glory.” (NKJV). Ito’y allusion mula sa Daniel 7:13-14 - 13 “Pagkatapos, nakita ko ang parang tao na pinaliligiran ng ulap. Lumapit siya sa Dios na Nabubuhay Magpakailanman. 14 Pinarangalan siya at binigyan ng kapangyarihang maghari, at naglingkod sa kanya ang lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika. Ang paghahari niya ay walang hanggan. At walang makakapagpabagsak ng kaharian niya. Nakita ni Daniel ang isang pangitain na parating/ papalapit ang Anak ng Tao sa Diyos na nabubuhay magpakailanman na nakaupo sa trono (“...the Son of Man coming with the clouds of heaven; He came to the Ancient of Days” - referring to God). Ang pagdating (coming) ng Anak ng Tao ay hindi mula sa langit papunta sa lupa (earth); kundi paakyat sa Diyos sa Kanyang trono. Malinaw na hindi ito pagtungkol sa Second Coming of Christ, kundi sa pag- akyat(ascension) ni Hesus sa langit, to present Himself to the Father(after offering Himself), at upang tanggapin ang lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan sa langit at sa lupa kasama na ang kapangyarihang humatol sa mga hindi kumilala at tumanggi sa Kanya - Israel (specially, its religious leaders).

Ang pagdating ng Anak ng Tao na tinukoy ni Hesus sa Mateo 24 ay tumutukoy sa pagdating ng Kanyang kahatulan sa Jerusalem (compare Isaiah 19:1 and Micah 1:3-4) at pagkawasak ng Templo sa kanilang kapanahunan (in their lifetime/generation as prophesied by Christ in Matthew 24:34). Jesus’ prophecy was a near-term event – the fall of Jerusalem; not a 21st century event or distant future. Hence, the events in Matthew 24 already happened in AD 70. Ang pagbagsak ng Jerusalem at pagkawasak ng Templo noong AD 70 ay mahalagang pangyayari sa kasaysayan dahil ito ang katapusan ng Old Covenant age (Jewish temple worship; old system) at pasimula ng New Covenant age (the new Temple/Kingdom). Jesus fulfilled what Israel failed to accomplish!

Darating ang araw makikita natin si Hesus ng mukhaan. Ang Kanyang pagbabalik ay isang kaganapan na hindi dapat katakutan. Sa matagal na panahon, naniwala tayo na sa isang kisap-mata ang mga mananampalataya ay biglaang mawawala (taken away or raptured). Subalit, sa patuloy na pag- aaral natin ng Kanyang Salita (understanding its contexts), napalaya tayo sa maling pang-unawa at confusion na dulot ng katuruang ito. “Rapture” is not biblical. There would be NO “rapture” nor a “great tribulation” happening to the people of God. We are not here to escape but to represent Christ in His kingdom. Let us spread the good news that Christ is reigning victoriously on earth through His Church, the new Temple of God!

Elevate: Application/Question:
1. Ibigay ang pang-unawa dito: Ang Church (The New Temple) ay hindi talunan (defeated), kundi mananagumpay!

Drag and Drop Website Builder
Free Web Hosting