Reigning with Christ

DIYOS NG SALINLAHI
Song by Luis 'Boy' Baldomaro

Aming Diyos kay buti Mo
Mula pa noon hanggang ngayon
At sa habang panahon
Sa bawat salinlahi
Katapatan Mo ay naroon
Aming Diyos wala na ngang Ibang Panginoon (2x)

Koro:
Ang pag-ibig mo ay tunay
At walang kapantay Kapangyarihan Mo'y walang katulad Pupurihin ka ng lahat Ng may buhay

Exalt: “Diyos Ka sa Amin”
Empower: Psalm 110:1-2; Hebrews 8:1; Acts 2:1-5; Eph. 2:6 1 John 4:17; Revelation 20:4

Reigning with Christ (Part 1)
Sinabi ng PANGINOON sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko hanggang mapasuko ko sa iyo ang mga kaaway mo.”
2 Palalawakin ng PANGINOON ang iyong kaharian mula sa Zion, at paghaharian mo ang iyong mga kaaway.

Malinaw sa Bagong Tipan na ang nakaluklok sa kanan ng Diyos na tinutukoy ni David ay si Hesus. Matapos Niyang talunin ang kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus at muling pagkabuhay, lumuklok Siya sa kanan ng Ama, meaning, mayroon na Siyang ng ganap na kapangyarihan o awtoridad sa langit at sa lupa [Take note: authority in heaven and on earth (Matt. 28:18)]. At ang awtoridad na ito ay ibinahagi Niya sa Kanyang iglesia nang bumaba ang Banal na Espiritu sa araw ng Pentecostes at lukuban/panahanan ng Kanyang presensya at kapangyarihan ang bawat mananampalataya (Acts 2:1-5). Dahil dito, tayo na nagtataglay ng Espiritu Niya ay naghaharing kasama Niya dito sa mundo; ang Kanyang Kaharian (through the Church) ay hindi talunan (defeated), kundi matagumpay. Christ is already reigning; He is building His church/kingdom for over the past 2000 years and it is continuing and expanding (i.e. Parable of the Mustard Seed). Satan is already defeated.

Natalo na ang sumisiil (oppressor) sa mga Kristiyano; wala na siyang kapangyarihan dito sa lupa, lalo na sa ating buhay. Ang mga suliranin o problema na ating kinakaharap dito sa mundo ay panlilinlang ng kaaway upang ang ating kaisipan ay hindi maituon sa kabutihan ng Diyos. Nililinlang niya ang tao upang hindi siya maniwala sa Mabuting Balita at patuloy na mag-rebelde sa Diyos. Pinapaniwala niya tayo (mga Kristiano) sa kanyang kasinungalingan na hindi pa tayo tagumpay (i.e. doubt in what Christ has done; feeling of guilt or unrighteousness).

We, Christians, are already reigning with Christ. That’s why our lives should be filled with hope, peace, freedom and victory

Now, if Christ is already reigning and we are reigning with Him, what is the seemingly thousand-year reign of Christ in the book of Revelation?

Revelation 20:4c “And they lived and reigned with Christ for a thousand years.” The “thousand years” is symbolic, not a literal calendar duration. In Scripture, “a thousand” often represents fullness, completeness, or a long divinely appointed period. [Examples: Psalm 50:10 “cattle on a thousand hills” (means total ownership); Deut. 7:9 “mercy for a thousand generations” (means enduring, complete faithfulness of God). [*This will be discussed further if time permits.]

Ang paniniwala o pananaw natin sa paghahari ni Cristo ay napakahalaga (crucial) sa ating pang-unawa at perspektibo sa mga mangyayari sa huling panahon (last things or end-time events). Sa mga naniniwala na maghahari pa lang si Cristo sa darating na panahon (referred by others as future millennial kingdom of Jesus or Millennium (1000-year reign), marami ang tagapanood lamang (merely spectators, not participants) na naghihintay ng katapusan ng mundo. Subalit sa mga kumikilala na si Cristo ay naghahari na dito sa mundo at ang lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan ay nasa Kanya na, sa halip na tagapanood lang sila, sila’y makikilahok o makikisali sa pagpapalawak ng kaharian ng Diyos dito sa lupa (by spreading the good news to others). Dito tayo tinawag ng Diyos at ito ang ating bahagi (role)– to be witnesses of His love and grace. Ang liwanag at pag-asang hatid ng Mabuting Balita ay ating ilaganap sa lahat ng dako.


Elevate: Application/Questions:
1. Na-e-enjoy mo ba ang paghahari mong kasama si Cristo sa buhay o mundong ito (e.g. reign over sin, problems, sickness)?

2. Paano nagbibigay ng comfort at encouragement sa iyo ang katiyakang natalo na ni Cristo ang kalaban, at maaari ka nang mabuhay ng matagumpay sa mundo?

Drag & Drop Website Builder
Free Web Hosting