Exalt: “Extravagant”
Empower: Ephesians 1:4-6; 6:14; Romans 5:9,17; 1 Thess.5:8 2 Corinthians 5:21
The battle in our minds continues… kaya’t kinakailangan tayong laging maging handa sa pamamagitan ng pagsusuot ng buong baluting kaloob ng Diyos. Isa sa mga ito ang breastplate of righteousness. Efeso 6:14b - Isuot nʼyo ang pagkamatuwid (breastplate of righteousness) bilang pananggalang sa dibdib ninyo. The literal breastplate protects one of the most important organs – the heart of man. Sinasabi sa Kawikaan 4:23 na kailangan nating ingatan ang ating puso…“for out of it are the issues of life.” Ingatan natin ang ating puso mula sa lahat ng uri ng
kasamaan o mula sa mga panlilinlang ng kaaway.
Righteousness means “right standing with God.” However, kung paano nagiging matuwid ang isang tao sa harapan ng Diyos ay nagdadala ng kalituhan (confusion) sa maraming Kristiyano. Karamihan ay nakatuon (focused) sa gawa (actions); nililinis ang panlabas (external) upang masabing matuwid; subalit, hindi ito ang nagpapaging-matuwid sa tao, dahil ang Diyos ay nakatingin sa panlabas, kundi sa puso.
Marami sa atin pinipilit nating maging matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti… sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kauutusan ng Diyos (good works or legalism)… akala natin dito nakabase ang ating pagiging matuwid. Isa pa rin ito sa mga kasinungalingan ng kaaway upang linlalingin tayo sa atin tunay na katayuan (standing before God) at pagkakilanlan (identity). Unawain na ang sariling katuwiran natin (self-righteousness) ay basahan lamang sa harapan ng Diyos. Wala ni isa man ang matuwid sa Kanyang pamantayan. Only God’s standard of righteousness, which is Christ’s Righteousness
could satisfy Him and therefore, could save us. At sa Katuwirang ito tayo sinusukat ng Diyos, hindi sa sarili nating katuwiran. Anumang pagtitiwala sa sariling katuwiran ay pagpapawalang-bisa sa ginawa ni Cristo sa krus upang magkaroon ng kapatawaran ang ating mga kasalanan at maituring na malinis, matuwid at karapatdapat sa harapan ng Diyos.
Ingatan (bantayan) natin ang ating puso dahil isa sa mga taktika ng kaaway upang tayo ay malinlang ay ipamukha sa atin ang ating nakaraan o nagawang pagkakasala upang ipaisip at ipadama sa atin na tayo ay hindi matuwid (unrighteous) at hindi karapatdapat (i.e. unworthy of God’s love, favor and blessing). Kaya kung hindi natin nauunawaan ang katatayuan o posisyon natin ngayon, particularly, ang Katuwiran (Righteousness) na tinanggap natin sa pamamagitan ni Cristo, ang guilt at condemnation ang mangingibabaw sa iyong puso… and this will entail to sadness, depression, fear, worries and anxieties.
Pero dahil namumuhay na tayo sa liwanag, dapat ay may pagpipigil tayo sa sarili. Gawin natin bilang panangga sa dibdib ang pananampalataya at pag-ibig, at bilang helmet naman ang pag-asa natin sa pagliligtas sa atin ng Dios (1 Tesalonica 5:8 ASND). Ang Katuwiran natin ay naka-ugnay sa pananampalataya at pag-ibig na ayon kay Pablo ay maaari nating gamitin bilang panangga sa ating dibdib (puso). Naging matuwid tayo dahil sa pananampalataya natin kay Cristo at nanampalataya tayo dahil sa kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos sa ating mga puso.
Tandaan, kaya lamang tayo naging matuwid ay dahil sa Katuwiran ni Cristo. Righteousness is a gift. Tinanggap natin ang Katuwirang ito (Christ’s Righteousness) nang kilalanin natin Siya sa ating buhay bilang Panginoon at Tagapagligtas (i.e. when we acknowledged His finished work on the cross.) Kilalanin natin ang ating posisyon ngayon sa harapan ng Diyos – ikaw at ako ay matuwid na sa harapan ng Diyos; nothing and no one could change this position.
Elevate: Application/suggested question:
1. Alin sa mga sumusunod ang paminsan-minsang nakakasilip sa iyong puso?
a) Feeling of guilt or condemnation o pakiramdam mo hindi ka karapat-dapat sa pagpapala ng Diyos (healing, financial blessing)
b) Pagmamalaki sa pagiging mabuti o nagawang kabutihan
c) Pagsisikap na kalugdan ang Diyos sa pamamagitan ng mga gawa (actions that are not based on faith and love)
Annoucement: CFSM Convention on December 28-30, 2023 @ Vista
Verde Resort, Pulung Maragul, Angeles City