Exalt: “Nararapat”
Empower: Col. 2:6-7; 1 Thess. 5:18; Psalm 100:4, 107:1; Hebrews 13:8
Overflowing with Thanksgiving
Overflowing (Gk. “perrisseuo”) – to abound, exceed, overflow or excel beyond measure.
Thanksgiving (Gk. “eucharistia): Eu – means good or well; Charis – means grace, favor or gift. It carries the idea of recognizing and expressing gratitude for grace or a good gift received [Christ Himself].
Nag-uumapaw ba ang pasasalamat sa iyong puso? Ang pasasalamat mo ba ay nakabatay sa kung sino ang Diyos (ayon sa pagkakilala mo sa Kanya) o nakabatay lamang sa mga bagay na natatanggap mo o pangyayari sa buhay mo (when circumstances are favorable)?
Hindi maikakaila na madaling magpasalamat, kapag maganda ang situasyon o may mga materyal na pagpapalang natanggap, mananampalataya man o hindi. Ngunit, sa isang mananampalataya na kilala ang Diyos bilang isang mabuti at tapat (na Diyos), dumadaloy ang pasasalamat kahit sa anong situasyon o pangyayari sa buhay. Ang ating pasasalamat ay nakaugat sa Kanya... na ang kabutihan at biyaya Niya ay nananatili sa buhay ng isang mananampalataya, hindi sa panlabas na manifestation ng mga pagpapala. Ang kalagayan ay maaaring magbago, subalit ang Diyos ay hindi nagbabago. God never changes; He is constant.
Thanksgiving is an active expression of faith in Jesus... in what He has done on the cross (the benefits of His death, burial, resurrection, ascension and exaltation). Tandaan na ang pasasalamat ay isang disposisyon ng puso na nakaugat sa pagkilala kung sino ang Diyos at kung ano ang ginawa Niya kay Cristo. Kung hindi malalim ang pagkaunawa sa tinapos na gawa ni Cristo, may posibilidad na ang pasasalamat ay nakabatay lamang sa mga external na manifestation (nakikitang panlabas), tulad ng pagkakaroon ng pananalapi, kagalingan, promosyon, katugunan sa panalangin, o magandang kalagayan sa buhay. Hindi masama ang magpasalamat sa mga pagpapalang ito, subalit, ito’y nagiging problema kung ito ang nagiging pangunahing batayan, hindi kung sino ang Diyos. Kaya may mga mananampalataya na “on and off” sa pasasalamat dahil hinihintay muna nila na magbago ang kanilang situasyon. [Hindi man nila namamalayan na ganito ang kanilang pag-iisip.] Paano kung hindi magbago ang sitwasyon? Hindi ka na ba magpapasalamat?
Colosas 2:6-7 Yamang tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon mamuhay kayo na may pakikipag-isa sa kanya. 7 Magpakatatag kayo at isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos.
Ang pundasyon natin kung bakit maaaring mapuno ang ating puso ng pasasalamat ay malinaw sa talata: “yamang tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon.” Mayroon na tayo ngayong personal na kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo. Habang patuloy Siyang naihahayag kung sino Siya (through the Word), nagiging matatag, matibay at nakatindig tayo sa pananampalataya; dahilan upang mag-umapaw ang pasasalamat sa ating mga puso sa lahat ng panahon... anuman ang kalagayan sa buhay. Overflowing with thanksgiving is a lifestyle. Buhay na natin ang magbigay ng pasasalamat sa Diyos... sa Kanyang kabutihan at katapatan, sa mga pagpapalang ating natatanggap at kahit sa mga bagay na wala pa sa atin o hindi pa nangyayari sa panlabas; this is faith.
Elevate: Application Question:
1. Kailan huling napuno o nag-umapaw sa iyong puso ang pasasalamat sa Diyos? Ano ang nag-udyok sa iyo? Ibahagi ang karanasan.