Shield of Faith

DI KA NAGKULANG / MANANATILI
Ikaw lang ang pag-asa ko
Tanging Ikaw ang buhay ko
Hesus
Kahit ako’y nangangamba
Basta’t Ikaw ang kasama
panatag na
Ikaw lang ang sasambahin
Paligid man ay magdilim Hesus
Kahit may suliranin man
Lagi kang aawitan
Ikaw lamang
Kahit kailan di Ka nagkulang
Biyaya Mo sa aki’y laging laan
Pag-ibig Mo sa ‘ki’y walang
hanggan
Inibig Mo ako noon pa man
Ikaw lang ang sasambahin
Paligid man ay magdilim Hesus
Kahit may suliranin man
Lagi kang aawitan
Ikaw lamang
Kahit kailan di Ka nagkulang
Biyaya Mo sa aki’y laging laan
Pag-ibig Mo sa ‘ki’y walang
hanggan
Inibig Mo ako noon pa man
4th
CFSM Group Empowerment Material
August 20, 2023
Panginoon dakila Ka tapat sa
dalangin ko
Akoy inibig Mo kahit ako ay
ganito
Walang katapusan ang
pagmamahal Mo
Walang pinipili ang puso Mo
Kahit kailan di Ka nagkulang
Biyaya Mo sa aki’y laging laan
Pag-ibig Mo sa ‘ki’y walang
hanggan
Inibig Mo ako noon pa man
Suliranin man ay dumating
Ikaw lamang O Diyos ang
sasambahin
Panginoon ko sa'yo lamang
Mananatili kalian pa man. 

Exalt: “Di Ka Nagkulang / Mananatili”
Empower: Ephesians 6:10,16; Genesis 1:26-28; Numbers 12:3

SHIELD OF FAITH
In all circumstances take up the shield of faith, with which you can extinguish all the flaming darts of the evil one (Ephesians 6:16 ESV)

Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. (Efeso 6:16 ASND)

Ikaw ba ay na-o-overwhelm at lubhang nabibigatan sa mga suliraning dumarating sa buhay mo? Nagbibigay ba ito ng lungkot, pagkabalisa, takot o pag-aalala sa iyong puso at kaisipan? Kung oo, pakinggan mong mabuti ang kapahayagan ng Diyos sa pamamagitan ng mensaheng ito.

Remember that there is an ongoing spiritual battle (in our minds) and we must always be aware of (and be able to discern) the enemy’s tactics and strategies. Ang kaaway ay nambabato (throw) ng mga nagliliyab na palaso sa ating kaisipan. Obviously, isa lang ang layunin ng mga nagliliyab na palaso – destruction (pagkasira o pagbagsak). However, we, as born again Christians have the power to overcome those flaming darts. We are at a great advantage dahil mayroong ibinigay na pananggalang ang Diyos sa atin – the shield of faith. Gayunpaman, unawain natin na nagkakaroon ng puwang o access ang kaaway sa tuwing nag-iisip
tayo ng mga negatibo o masamang bagay. A carnal mind (full of the world) can be easily tempted and frightened.

Ang pananampalataya o pananalig (trust) natin sa Diyos at sa Kanyang Salita (mga pangako) ang nagsisilbing panangga natin sa mga nagliliyab na palaso ng kaaway. Hindi natin puedeng paghiwalayin ang Diyos at ang Kanyang Salita; kung nananalig tayo sa Diyos dapat din tayong manalig sa Kanyang Salita. The shield of faith (in God and in His Word) has the power to extinguish the flaming darts of the evil one. Paul instructed us to take up the shield of faith (not put it on) in all circumstances. Kinakailangang laging nakahanda ang ating pananggalang sa lahat ng panahon at situasyon. Lagi nating baunin ang Kanyang Salita sa ating mga puso at ihayag (declare) ito nang may pananampalataya.

Knowing our identity (who we are) gives us also a great advantage in every battle. Ang nakaukit na disenyo (crest design) sa isang panangga (shield) ng isang sundalo ay tumutukoy sa kanyang pagkakilanlan (identity)… kung saang kaharian siya kabilang o maging kung saang pamilya siya nanggaling. The shield engraved with crest (or emblem) gives him the strength to fight with confidence. Dala-dala niya sa kanyang panangga ang lakas at karangalan ng kanyang kaharian o pamilya na maaaring magbigay ng takot sa kanyang mga kalaban na nakakakita nito. Bilang paghahambing, mahalaga din na nakaukit sa ating panangga, our faith, kung sino tayo (our identity). Alam mo ba kung saang kaharian o pamilya ka kabilang? Ikaw ba ay kabilang sa kaharian at pamilya ng Diyos? If yes, then, be strong and have confidence not in yourself but in Christ. Because of Him, you are now holy, righteous, strong, well, prosperous and victorious in God’s sight. Do you see yourself as God sees you?

To take up the shield of faith is to REST in Christ Himself. Ang pagkilala natin sa Kanyang ginawa (finished work) at pananampalataya sa Kanyang mga pangako ay nagdudulot ng kapayapaan at kapahingaan. Let us intend (and discipline ourselves)
to give time to the Word and prayer. Ito lamang ang paraan upang lubusan nating makilala ang Diyos at lumalim ang ating ugnayan sa Kanya, sa gayo’y mapanaligan Siya ng buong puso (walang pagaalinlangan). Tandaan, ang pananampalataya ay dumarating sa pakikinig at pakikinig ng Salita ng Diyos.

Elevate: Application/suggested question:
1. Magbigay ng mga talata (Bible verses or God’s truths) na puede mong hugutin o ideklara sa panahon ng:    
[a] karamdaman [b] pangangailangang financial [c] family
problem [d] kabiguan (failure)

Announcement: CFSM Convention on December 28-30, 2023 @
Vista Verde Resort, Pulung Maragul, Angeles City

HTML Website Creator
Free Web Hosting