Exalt: “Lilim”
Empower: 2 Samuel 22:1-51; Psalm 18; Philippians 4:6-7
Seasons of Deliverance and Victory
Maraming beses iniligtas ng Diyos si David mula sa kanyang mga kaaway: Goliath, mga Filisteo at iba pang mga kaaway, Haring Saul, Absalom at Shimei. At marahil, higit kaysa sa mga kaaway na nakaharap niya labas, naging kalaban din niya ang sarili niyang kalooban (his struggle against temptations and sin). Ang sarili (the enemy within) ay mas mahirap labanan kaysa mga kaaway sa labas. But, in all the difficulties, tiredness, distress, and chaos he encountered, God has been his Rock, Fortress and Deliverer! Kinilala ni David na ang lahat ng kanyang tagumpay at kaligtasan ay nagmula lamang sa Diyos. Sa halip na angkinin ang lakas, talino o tapang bilang dahilan ng kanyang tagumpay, itinaas niya ang Diyos na Siyang tunay na nagbigay ng tagumpay. Ang kanyang puso ay puno ng pagtitiwala na sa oras ng kagipitan, ang Diyos ang kanyang kanlungan at sagot sa panalangin. Ang kanyang pananampalataya ay nagbunga ng pagpupuri sa Diyos. David wrote a song of praise for God’s deliverance in 2 Samuel 22 (also, Psalm 18).
Ang magandang paglalarawan ni David kung sino ang Diyos sa kanyang nilikhang awit ng pagpupuri ay pagpapakita kung gaano katindi ang ginawang pagliligtas at pagpapalaya sa kanya (God’s deliverance). Sa mga panahon na naramdaman ni David ang tindi ng panganib - “When the waves of death surrounded me, the floods of ungodliness made me afraid. The sorrows of Sheol surrounded me; the snares of death confronted me.”(2 Samuel 22:5-6) – na parang wala na siyang lakas at lulunurin na siya ng kamatayan, ang Diyos ang kanyang naging kalakasan at tanggulan. Hinahabol man siya ng kamatayan kahit saan siya magpunta, iningatan siya ng Diyos. Si Yahweh ang kanyang naging lilim (shelter) at kanlungan sa panahon ng matitinding panganib. Naging tapat ang Diyos sa buhay ng kanyang lingkod na si David mula sa simula hanggang sa wakas.
David chose to believe God. He was not perfect (as a son, friend, soldier, king) but because he trusted in God, God made his way perfect (2 Sam.22:33b). Marami man at matitindi ang kanyang mga kalaban, ang mga ito’y kanyang nagapi dahil ang Diyos ang pinanggagalingan niya ng lakas, karunungan at kapangyarihan. God delivered him from all his enemies.
Ang Diyos na nagbigay ng lakas at kakayahan kay David upang talunin ang kanyang mga kaaway ay Siya ring nagbibigay ng biyaya sa atin upang malampasan ang anumang suliranin sa buhay at lubos na mapalaya sa anumang umaalipin sa puso ng tao (takot, pag-aalala, kalungkutan, guilty feelings). Grace is not only provision or blessing but also enablement. It is an enabling power for us to overcome anything that hinders us to accomplish God’s purpose. Kapatid, ang biyaya ng Diyos ay higit pa sa sapat upang mabuhay ka ng malaya at matagumpay. Ang biyaya ay hindi lang minsanan na karanasan nang ikaw ay iniligtas ng Diyos; ito ay araw-araw na karanasan, dahilan upang ang puso natin ay mapuno ng pagpupuri at pasasalamat sa Diyos. 6 Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. 7 Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao. (Filipos 4:6-7 ASND) Yes, we are called to experience the peace of God that surpasses all understanding! Halleluiah!
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Kung si David ay nagkaroon ng awit ng papuri, ano naman ang magiging “awit” ng iyong puso para sa Diyos ngayon, batay sa iyong karanasan sa Kanya?
2. Paano mo nakikita ang Diyos bilang iyong Batong Matibay, Kuta at Tagapagligtas (Rock, Fortress and Deliverer)?