Exalt: “What a Beautiful Name”
Empower: Colossians 1:16-17; John 1:3, 8:58;17:5, Heb. 1:2; Psalm 32:7,41:2,121:7-8,55:22; Isaiah 40:8,46:9; Phil.1:6
Jesus, My Creator
Colosas 1:16-17-16 Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. 17 Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya.(MBBTAG)
Malinaw ang talata sa itaas at iba pang mga talata na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Hesus. “Sa pasimula” pa lang, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa, naroon na si Hesus (ang Salita) kasama Niya. All things were made “through Him (Jesus)” (John 1:3).
Tunay na nakakamangha ang kagandahan at kaluwalhatian ng Kanyang mga nilikha [e.g. the entire universe: galaxy order of planets, heavens (sun, moon, stars) and the earth, plants, animals, seas, sea creatures; and most importantly, man.] You are “fearfully and wonderfully made”(Psalm 139:14). Walang alinlangan na sa lahat ng mga nalikha, ang tao ang pinakamahalaga sa mata ng Diyos, dahil siya lamang ang nalikha ayon sa larawan (image) at wangis (likeness) ng Diyos. At ito’y para sa iisang layunin, ang maka-ugnayan (fellowship) Niya ang tao. Bagamat ang ugnayang ito ay nahadlangan ng kasalanan, hindi nag-atubili ang Diyos na ibigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak upang mapanumbalik lamang ang ugnayan ng tao sa Kanya. Buhay Niya ang naging kapalit nito. Ganito tayo kahalaga (valuable; of worth) sa harapan ng Diyos; ganito Niya tayo kamahal. At kung hindi Niya ipinagkait ang Kanyang Anak, ano pa ang hindi Niya maaaring ibigay sa atin na kumikilala sa Kanya? Wala na!
Jesus also preserves and sustains His creation by “upholding all things by the word of His power” (Heb. 1:3b). Siya ang nagpapanatili at nag-iingat (nangangalaga) sa Kanyang mga nilikha sa pamamagitan ng Kanyang Salita [na Kanya nang binigkas (spoken) sa pasimula pa]. Naisip mo na ba kung bakit hindi nagkakagulo ang mga planeta at kung bakit hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang mundo (earth)? Dahil lahat ng Kanyang nilikha ay may sinusunod na batas o prinsipyo or law of nature (e.g. law of gravity, reproduction, natural instinct). Each plant and animal produces its own kind. Pagkatapos ng mga unang nalikha, hindi na naglikha muli ang Diyos, kundi, ang bawat nilikhang nasa lupa ay may kakayahang paramihin (reproduce) ang sarili ayon sa pagkalikha ng Diyos sa kanila. Sa ganitong paraan nasu-sustain ang mundo. Para kanino? Para sa tao. Upang ma-preserve ang buhay ng tao sa mundo. “… but the earth he has given to mankind.”(Ps. 115:16) In fact, God’s creation could sustain the 8 billion population of the earth. Kung gayon, bakit marami ang nagugutom? Dahil na rin sa kagagawan (kasalanan) ng tao; ang tao ay naging sakim at makasarili. But the good news is, there is Solution to every man’s problem – His Name is Jesus! God gave His Son, Jesus, the great preservation that happened for mankind’s redemption.
Jesus is not only the Creator, but also appointed by God as the “heir” of all things. Ngunit sa mga huling araw na ito, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay (Hebreo 1:2 MBBTAG). And because we were given the right to be called the children of God through our faith in Christ, we became coheirs (joint heirs) with Him! Anuman ang namana Niya ay namana din natin; ang mga karapatan (rights) NIya bilang Anak ay naging karapatan din natin. It’s too good to be true, but its true! Halleluiah!
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Paano mo ina-appreciate ang pagkalikha ng Diyos sa iyo?
2. Ikaw at ako ay nilikha ng Diyos sa iisang layunin – for fellowship. How is your fellowship with Jesus, your Creator?