Seasons of Joy and Seasons of Sorrow

IN CHRIST ALONE
Song by Adrienne Camp and Geoff Moore & The Distance

In Christ alone, my hope is found
He is my light, my strength, my song
This Cornerstone, this solid ground
Firm through the fiercest drought and storm
What heights of love, what depths of peace
When fears are stilled, when strivings cease
My Comforter, my All in All
Here in the love of Christ I stand
In Christ alone, who took on flesh
Fullness of God in helpless babe
This gift of love and righteousness
Scorned by the ones He came to save
'Til on that cross as Jesus died
The wrath of God was satisfied
For every sin on Him was laid
Here in the death of Christ I live, I live
There in the ground His body lay
Light of the world by darkness slain
Then bursting forth in glorious Day
Up from the grave He rose again
And as He stands in victory
Sin's curse has lost its grip on me
For I am His and He is mine
Bought with the precious blood of Christ
No guilt in life, no fear in death
This is the power of Christ in me
From life's first cry to final breath
Jesus commands my destiny
No power of hell, no scheme of man
Can ever pluck me from His hand
Till He returns or calls me home
Here in the power of Christ I'll stand

Exalt: “In Christ Alone”
Empower: Eccl.3:4; 2 Samuel 6:14-15; 7:1; 8:2,6; Psalm 18:1-3; 27:4  2 Samuel 1:11-12; 12: 18-20; 18:33; Psalm 30:5; 126:5;  John 16:20; Galatians 5:22

Seasons of Joy and Seasons of Sorrow
Si David ay nakilala sa kanyang tanyag na tagumpay laban kay Goliath gamit lamang ng isang tirador at bato; ito’y sa pamamagitan ng pananampalataya niya sa Diyos (1 Samuel 17:50). Pagkatapos nito, nagkaroon siya ng sunod-sunod na tagumpay laban sa mga Filisteo (1 Samuel 18:6-7), mga Amalekita (1 Samuel 30:18-19), Moabita at iba pang bansa tulad ng mga Arameo, Edomita, at Ammonita (2 Samuel 8:2,6); dahilan upang maghari ang kapayapaan sa Israel. Sa lahat ng kanyang tagumpay, kinilala niya na ang Diyos ang kanyang kalakasan at Tagapagligtas (Awit 18:1-3).

Isa pa na maituturing na dakila at makasaysayang tagumpay ni David ay ang pagkakabalik ng Kaban ng Tipan mula sa bahay ni Abinadab sa Kiriath-jearim patungo sa Jerusalem. Ang Kaban ng Tipan ay tanda ng Presensya ng Diyos sa Israel na dating inilalagay sa Kabanal-banalang dako sa tabernakulo. Ito ay nasamsam ng mga Filisteo sa isang labanan (passed from one place to another) bago pa man maging hari si David (1 Samuel 4); ito’y nawala sa kanila sa loob ng dalawampung taon. Ipinapakita ng pagbabalik ng Kaban ng Tipan ang pagbabalik ng Presensya ng Diyos sa sentro ng Kanyang bayan (Jerusalem), kaya’t gayon na lamang ang pagdiriwang ng buong Israel, na may kasamang awitan at pagsasayaw.

Sa kabilang banda, bagama’t nakaranas si David ng maraming tagumpay, dumaan din siya sa matinding kalungkutan at kapighatian. Siya’y matinding nagluksa sa pagkamatay ni Haring Saul, ang kanyang matalik na kaibigan na si Jonathan at mga sundalong namatay sa digmaan. Umiyak at nag-ayuno siya buong gabi. Pinahayag niya ang kanyang matinding dalamhati sa pamamagitan ng awit ng panaghoy. 

Naranasan din niya ang mabigat na kalungkutan sa pagkamatay kanyang unang anak kay Bathseba dahil sa kanyang kasalanan (2 Samuel 12:18-20). Nagdalamhati din siyang lubha sa pagkamatay ni Absalom (2 Samuel 18:33), ang anak niya kay Maacah. Ang puso ni David bilang ama kay Absalom ay tunay na hindi matatawaran. Sa kabila ng kanyang pagrerebelde, ang pagmamahal ni Haring David sa kanya ay hindi nawala.

Sa kabila ng lahat ng ito, makikita ang pagiging malapit ni David sa Diyos. Inilabas niya ang kanyang damdamin sa panalangin at awit at pinili niyang magpatuloy sa kanyang tungkulin bilang hari. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng pananampalataya, pagsisisi, at pananatili sa presensiya ng Diyos, nalampasan niya ang kanyang mga lungkot at muling nagkaroon ng lakas para mamuno. Napalitan ng kagalakan ang kanyang kalungkutan dahil sa malapit niyang kaugnayan sa Diyos.

Kung nalampasan ni David ang lahat ng hindi magagandang karanasan sa buhay niya at nanatili siyang nagagalak, nagpapasalamat, at nagpupuri sa Panginoon, higit ang kakayahan natin na malampasan at magtagumpay laban sa kalungkutan at pagdadalamhati dahil ang kagalakan ng Diyos ay taglay natin sa ating espiritu (Galatians 5:22). Lumakad lamang tayo sa Espiritu; mamuhay tayo kung sino tayo sa espiritu. Oo, maaring malulungkot ka sumandali (in our soulish part; expressed through our emotions or feelings) pero huwag mo itong hayaang manatili; bagkus, ang kagalakan (joy) na nasa ating espiritu ang mangibabaw sa pamamagitan ng pananatili sa presensya ng Panginoon at pagbababad sa Kanyang Salita. “Ang luha ay maaaring magtagal sa gabi, ngunit ang kagalakan ay dumarating sa umaga. (Awit 30:5)”

Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Paano mo naipapakita ang iyong pagtitiwala sa Diyos sa panahon ng kalungkutan o dalamhati? Does “rejoicing in the Lord always” apparent in your life?

Drag and Drop Website Builder
Free Web Hosting