Exalt: “This Kingdom”
Empower: 1 Cor.1:30; Rom.3:22,10:3-4,10-11;12:2; 2 Cor.5:21
Jesus, My Righteousness
Filipos 3:9 - at lubos na makipag-isa sa kanya. Ang aking pagiging matuwid ay hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayo'y buhat sa Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya.
Having an understanding and revelation of Christ’s righteousness in us will continue to set us free from fear, doubts, self-condemnation and poor self-image. Hangga’t hindi nahahayag sa puso ng isang Kristiyano ang katuwiran (the Righteousness of Christ) na napasa-kanya bunga ng pananampalataya niya kay Cristo, magpapatuloy siyang magdedepende sa kanyang sariling gawa [good works as prescribed by the law (i.e. “do this” “do that”)] upang siya’y maging kalugod-lugod sa Diyos. Patuloy na iiral ang takot at paghatol sa sarili (guilt/self-condemnation) sa tuwing nakakagawa siya ng kasalanan; iisipin niya na hindi na siya karapat-dapat sa pagmamahal ng Diyos o kaya naman iisipin niya na anumang hindi magandang pangyayari o situasyon na nararanasan niya ay parusa ng Diyos dahil sa kanyang maling ginawa; sa isip niya ito’y kalooban ng Diyos upang siya’y turuan at ituwid. Ito ay malinaw na panlilinlang ng kaaway. Winawalang-halaga nito ang ginawa ni Cristo; tandaan, inako na Niya ang kaparusahang nararapat para sa atin. For He made Him who knew no sin to be sin for us, that we might become the righteousness of God in Him ( 2Cor. 5:21 NKJV).
Tayo ay naging makasalanan dahil sa ginawa ng unang Adan, at dahil doon tayo ay napasailalim sa sumpa (sakit, kamatayan, kahirapan). Ngunit sa pamamagitan ng ikalawang Adan (Jesus), tayo ay pinaging-matuwid na Diyos at nasa ilalim ngayon ng biyaya/pagpapala ng Diyos. Jesus took the curse (of the law) on Himself on the cross so we would be blessed (with healing, abundance, prosperity, wisdom, victory, etc). Jesus reversed the curse! Halleluiah!
Maging malinaw sa atin na hindi ginagamit ng Diyos ang kahirapan (e.g. tragedy, sickness, poverty, failure, family or relationship issues) upang tayo’y Kanyang turuan at ituwid (to become righteous); ang Salita Niya ay sapat na upang malaman natin ang mabuti, kalugod-lugod at ang ganap Niyang kalooban (Rom.12:2).
Hindi rin ang mabuting gawa o pagsunod sa Kautusan ang solusyon ng Diyos upang ang tao ay maging kalugod-lugod sa Kanya; tandaan, ito’y maruming basahan lamang sa Kanyang harapan; besides, no one was able to fulfill all the requirements of the law, only Jesus. Faith in Jesus alone (not in works) is God’s way for us to be accounted righteous. Huwag tayong tumulad sa mga hindi kumikilala sa pamamaraang ito ng Diyos at namumuhay ayon sa kanilang sariling pamamaraan. 3 Dahil hindi nila kinilala ang pamamaraan ng Diyos upang gawing matuwid ang tao, at nagsikap silang gumawa ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila nagpasakop sa pamamaraang itinakda ng Diyos. 4 Sapagkat si Cristo ang kaganapan ng Kautusan, upang ituring na matuwid ng Diyos ang sinumang sumasampalataya sa kanya (Roma 10:3-4 MBBTAG).
Magpatuloy tayo sa Salita ng Diyos upang hindi tayo malinlang ng kaaway sa tunay nating katatayuan sa harapan ng Diyos (right standing with God; righteous, just). Lahat ng kumilala sa ginawa ni Cristo ay matuwid na (i.e. banal, malinis, kalugodlugod, karapatdapat) sa harapan ng Diyos. At ang katuwirang iyon ang ating baluti (remember the breastplate of righteousness) upang hindi pasukan ang ating puso ng mga kasinungalingan at panlilinlang ng kaaway. This revelation of the righteousness of Christ in us renders the enemy powerless. Kaya, pagbulayan natin at sikapin na patuloy na maunawaan ang katuwirang ito na sumasaatin (this may take time); ito ay mabisang sandata upang hindi mangibabaw ang takot, pangamba at pag-aalala sa buhay; and for us not to struggle in our faith. We are God’s righteousness in Christ!
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Ibahagi ang kalayaang natamo sa isang bahagi ng iyong buhay dahil sa pang-unawa at kapahayagang natanggap tungkol sa pagiging matuwid (righteous) mo kay Cristo.